27/05/2026
NGAYONG ARAW | Subdivision Survey sa ilalim ng SPLIT Project
May 27, 2026
Matagumpay na isinagawa ng Department of Agrarian Reform Municipal Office (DARMO) Uson I ang Subdivision Survey sa isang lupang sakahan na saklaw ng Collective Certificate of Land Ownership Award (CCLOA) sa Brgy. Armenia, Uson, Masbate bilang bahagi ng pagpapatupad ng Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (SPLIT) Project.
Sa kabila ng matarik na kabundukan, mahirap na daanan, at matinding init ng panahon, buong dedikasyon at determinasyong isinakatuparan ng mga tauhan ng DARMO Uson I ang nasabing gawain. Kahit HOLIDAY ngayong araw, nanatiling matatag at determinado ang mga DARMO Personnel sa patuloy na paghahatid ng serbisyo publiko para sa kapakanan ng mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs).
Ang aktibidad ay pinangunahan ni MARPO Zoey Rose S. Recto, katuwang ang mga aktibong Technical Personnel at TSS na sina Madelyn S. Rivera (SARPT), Stephanie Mae B. Maxilum (ARPT), at Jose A. Esquillo (TSS).
Detalye ng Lupain:
Name of FB: Isabel Salipot Cruz, et al.
Location: Brgy. Armenia, Uson, Masbate
Title No.: TCT CLOA T-4260
Area: 4.2768 ektarya
Layunin ng gawaing ito na maisakatuparan ang parcelization ng Certificate of Land Ownership Award (CCLOA) upang mabigyan ng indibidwal na titulo ang mga kwalipikadong ARBs. Sa pamamagitan nito, higit na mapagtitibay ang kanilang karapatan sa lupang kanilang sinasaka at mabibigyan sila ng mas maayos na oportunidad tungo sa pag-unlad ng kanilang kabuhayan at kinabukasan.
Patuloy na nagsisilbi ang DARMO Uson I nang may katapatan, malasakit, at dedikasyon para sa mga magsasakang Masbateรฑo.
Agrarian Watch
DARMO Uson I