Bagong Barangay Lingunan

Bagong Barangay Lingunan Official page of Barangay Lingunan 2023

PABATID SA PUBLIKO πŸ“£Pabatid sa ating mga kabarangay at motorista na kasalukuyang mabigat ang daloy ng trapiko sa F. Dula...
02/09/2026

PABATID SA PUBLIKO πŸ“£

Pabatid sa ating mga kabarangay at motorista na kasalukuyang mabigat ang daloy ng trapiko sa F. Dulalia pababa dahil sa naaksidenteng truck sa may palusong sa nasabing lugar.

Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat, maghinay-hinay at maglaan ng dagdag na oras sa biyahe.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa.

01/09/2026
πŸ’Š LIBRENG DOXYCYCLIN, AVAILABLE SA ATING BARANGAY! πŸ₯Mga kabarangay, may available na Doxycyclin sa ating Barangay Health...
01/09/2026

πŸ’Š LIBRENG DOXYCYCLIN, AVAILABLE SA ATING BARANGAY! πŸ₯

Mga kabarangay, may available na Doxycyclin sa ating Barangay Health Center.

Para sa mga nangangailangan, magtungo lamang sa ating health center at makipag-ugnayan sa ating mga health worker para sa tamang gabay at paggamit.

01/09/2026

PAALALA SA PUBLIKO

Dahil sa usok at haze na maaaring dulot ng mga wildfire sa Borneo, pinapayuhan ang lahat, lalo na ang mga may Asthma, COPD, at iba pang respiratory illnesses, na mag-ingat at protektahan ang kanilang kalusugan.

😷 Magsuot ng face mask, lalo na kapag nasa labas o sa mga lugar na may makapal na usok o haze.

βœ… Iwasang manatili sa labas kung hindi kinakailangan.
βœ… Isara ang mga bintana at pinto upang mabawasan ang pagpasok ng usok.
βœ… Iwasan ang pag-eehersisyo o mabibigat na gawain sa labas.
βœ… Dalhin at gamitin ang inyong maintenance o rescue medication ayon sa payo ng doktor.
βœ… Kung makaranas ng matinding hirap sa paghinga, agad na humingi ng medical assistance.

Mag-ingat, maging alerto, at protektahan ang respiratory health ng bawat isa.

31/08/2026

πˆπ“πŽ 𝐀𝐍𝐆 𝐖𝐄𝐀𝐓𝐇𝐄𝐑 π‘π„ππŽπ‘π“ ππ”πŠπ€π’ β€” π’π„ππ“π„πŒππ„π‘ 𝟏, πŸπŸŽπŸπŸ” 🌦️
Patuloy na inaasahang gaganda ang panahon bukas. Ang temperatura ay nasa humigit-kumulang 27–32Β°C.
Gayunman, posible pa rin ang mga pag-ulan at bugso ng hangin dahil sa patuloy na epekto ng habagat.
Ang magandang balita, malayo ang Bagyong Pilandok sa Luzon at hindi inaasahang direktang tatama sa Metro Manila.
πŸ“š May pasok bukas, September 1, para sa lahat ng antasβ€”public at private schools.
Maging maingat at alerto pa rin tayong lahat. Patuloy nating subaybayan ang mga opisyal na abiso tungkol sa panahon.
Magandang gabi po at ingat tayong lahat.

31/08/2026
30/08/2026

π—¨π—£π——π—”π—§π—˜: π—™π—Ÿπ—’π—’π—— 𝗔𝗑𝗗 π—₯𝗒𝗔𝗗 π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘π—¦
August 30, 2026
4:45 PM
β€Ž
𝐈. πŒπ€π‚π€π‘π“π‡π”π‘ π‡πˆπ†π‡π–π€π˜β€” 𝐏𝐀𝐒𝐒𝐀𝐁𝐋𝐄 π“πŽ 𝐀𝐋𝐋 π“π˜ππ„π’ πŽπ… π•π„π‡πˆπ‚π‹π„π’ (𝐏𝐀𝐓𝐕)
β€’ Mc arthur Highway cor. G. Lazaro , MAH Dalandanan - 12 inches (Half Knee Level)*
β€’ MAH Jollibee Dalandanan cor. G. Lazaro 12 inches (Half Knee Level)*

ππŽπ“ 𝐏𝐀𝐒𝐒𝐀𝐁𝐋𝐄 π“πŽ π‹πˆπ†π‡π“ π•π„π‡πˆπ‚π‹π„ (𝐍𝐏𝐋𝐕)
β€’ M. H Del Pilar , MAH Malanday 13 inches (Half Tire Level)
β€’ Riverside Malanday 13-15 inches (Half Tire Level)

𝐈𝐈. πŒπ€π˜π’π€π, ππ€π’πŽ 𝐃𝐄 𝐁𝐋𝐀𝐒 – 𝐍𝐋𝐄𝐗, ππ€π†ππ€π†π”πˆπ
β€’ No monitored flooded area.

𝐈𝐈𝐈. πŽπ“π‡π„π‘ 𝐀𝐑𝐄𝐀𝐒
𝐏𝐀𝐒𝐒𝐀𝐁𝐋𝐄 π“πŽ 𝐀𝐋𝐋 π“π˜ππ„π’ πŽπ… π•π„π‡πˆπ‚π‹π„ (𝐏𝐀𝐓𝐕)
β€’ G. Lazaro 5-6 inches (Surface H20)*
β€’ Del mundo , Malanday 3-4 inches (Surface H20)*
β€’ I Fernando Malanday 4-5 inches (Surface H20)*
β€’ Elsewhere Malanday 3-4 inches (Surface H20)*
β€’ Bartolome Malanday 8 inches (Gutter Deep Level)*
β€’ In front of Dalandanan National High School 8-9 inches (Gutter Deep Level)
β€’ Dalandanan Market 4-5 inches (Surface H20)*
β€’ Along Rincon Road 4-5 inches (Surface H20)*
β€’ Along Bisig Road 2-3 inches (Surface H20)*
β€’ Along San Miguel St. to Balubaran 4-5 inches (Surface H20)*
β€’ Saint Jude Malinta 2-3 inches (Surface H20)*
β€’ Ibayo Malinta 2-3 inches (Surface H20)*
β€’ Bukid Malinta 1-2 inches (Surface H20)*
β€’ Viente reales National Highschool 8-9 inches (Gutter Deep Level)
β€’ Wawang Polo National Highschool 4-5 inches (Surface H20)
β€’ Pulo National Highschool 4-5 inches (Surface H20)

ππŽπ“ 𝐏𝐀𝐒𝐒𝐀𝐁𝐋𝐄 π“πŽ 𝐀𝐋𝐋 π“π˜ππ„π’ πŽπ… π•π„π‡πˆπ‚π‹π„ (𝐍𝐏𝐀𝐓𝐕)
β€’ Morning Ville Canumay West (Subsided)*

Today's tide times for City of Valenzuela:
Sunday 30 August 2026
High Tide 4:00 AM 0.7 m (2.3 ft)
Low Tide 10:02 PM 0.63 m (2.07 ft)
Tide Datum: Mean Lower Low Water (Satellite)

SOURCES: VCC3 - Valenzuela City Command, Control and Communication Center and Barangay*

πŸ“’ PUBLIC ADVISORYPAUNAWA SA PUBLIKOIpinapaalam po sa ating mga residente na maaaring maantala ang pangongolekta ng basur...
30/08/2026

πŸ“’ PUBLIC ADVISORY

PAUNAWA SA PUBLIKO

Ipinapaalam po sa ating mga residente na maaaring maantala ang pangongolekta ng basura (hakot) dahil sa pansamantalang hindi pagkakapag-dump sa Transfer Station at hindi magandang lagay ng panahon.

Humihingi po kami ng inyong pang-unawa at pasensya habang inaayos ang sitwasyon upang maipagpatuloy ang regular na koleksyon ng basura.

Pinapayuhan din po ang lahat na panatilihing maayos at nakatago ang kanilang basura at ilabas lamang ito ayon sa itinakdang iskedyul ng pangongolekta.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa.

Waste Management Division
Public Sanitation and Cleanliness Office
City Government of Valenzuela

Address

Lingunan
Valenzuela
1446

Telephone

+63282922010

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bagong Barangay Lingunan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Bagong Barangay Lingunan:

Shortcuts

Share

Category