Kenneth R. San Andres

Kenneth R. San Andres The Official page of Brgy. Kagawad Kenneth R. San Andres of Barangay Canumay West

APPROVED SA BARANGAY PUBLIC HEARINGAprobado na sa ating Barangay Public Hearing ang panukalang financial assistance para...
03/09/2026

APPROVED SA BARANGAY PUBLIC HEARING

Aprobado na sa ating Barangay Public Hearing ang panukalang financial assistance para sa ating mga kabarangay na nakagat ng hayop.

Mula noong tayo ay maupo hanggang sa kasalukuyan, patuloy nating sinisikap na makatulong sa mga kabarangay nating nangangailangan, lalo na sa mga nakagat ng hayop na kailangang magpagamot at magpa-anti-rabies.

Hindi man natin kayang sagutin ang buong gastusin, ang mahalaga ay may maiaabot tayong tulong at kahit paano ay makapagpagaan sa kanilang gastusin at pinagdadaanan.

Kaya naman, kasama si Kagawad Gregorio Marcos, Head ng Committee on Health, ang buong Sangguniang Barangay, at sa pangunguna ni Kapitan Mario B. San Andres, ay binuo natin ang Ordinance No. 05, Series of 2026, na naglalayong maitatag at maipagpatuloy ang financial assistance program para sa mga kwalipikadong biktima ng animal bites sa ating barangay.

Kasabay ng pagdinig tungkol sa animal bite assistance, ngayong araw ay inilatag din natin ang Ordinance No. 07, Series of 2026 β€” isang panukalang financial assistance para sa mga kwalipikadong cancer at dialysis patients ng Barangay Canumay West.

Dalawang panukala, iisa ang layunin β€” makapagbigay ng dagdag na tulong sa ating mga kabarangay na dumaranas ng mabibigat na gastusin sa pagpapagamot.

Hindi pa po dito nagtatapos ang laban. Ang mga ordinansa ay kailangan pa nating maipasa sa Sangguniang Barangay at maisumite sa Sangguniang Panlungsod para sa kaukulang pagsusuri at pag-apruba.

Umaasa tayo na sa tamang proseso at sa suporta ng ating mga kinauukulan, maisakatuparan natin ang mga programang ito at maging ganap na tulong para sa ating mga kabarangay na nangangailangan.

Patuloy tayong kikilos. Patuloy tayong tutulong. Para sa kalusugan at kapakanan ng bawat Canumay West. ❀️

πŠπ’π€ π€ππ“πˆ-π‘π€ππˆπ„π’ π…πˆππ€ππ‚πˆπ€π‹ π€π’π’πˆπ’π“π€ππ‚π„! πŸ’‰πŸ•Tayo po ay muling nakapagbigay ng tulong sa ating mga kabarangay na nakagat ng a...
01/09/2026

πŠπ’π€ π€ππ“πˆ-π‘π€ππˆπ„π’ π…πˆππ€ππ‚πˆπ€π‹ π€π’π’πˆπ’π“π€ππ‚π„! πŸ’‰πŸ•

Tayo po ay muling nakapagbigay ng tulong sa ating mga kabarangay na nakagat ng a*o at pusa sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong pinansyal para sa kanilang bakuna.

Kung kayo po ay kasalukuyang nasa kaparehong sitwasyon, maaari lamang pong magtungo sa 3S Center, Canumay West at hanapin si Ms. Juday Vargas para sa karagdagang impormasyon. Pakidala lamang po ang resibo ng inyong unang bakuna at isang valid ID.

Maging maingat po tayo palagi at maraming salamat po, mga kabarangay!



Ngayong gabi kasama si PB Mario San Andres and Barangay Council ating sinamahan ang ating butihing DSWD Secretary REX Ga...
31/08/2026

Ngayong gabi kasama si PB Mario San Andres and Barangay Council ating sinamahan ang ating butihing DSWD Secretary REX Gatchalian upang makidalamhati at makiramay sa pamilya ni Jasper Dalut na naging biktima ng pag anod ng tubig sa bahagi ng Canumay West-Lingunan Creek.

Nagpaabot din ng Tulong at Suporta ang ahensiya ng DSWD sa pamilyang naulila.

Isang Taos Pusong Pakikiramay muli sa buong pamilya πŸ™πŸ€πŸ•ŠοΈ

30/08/2026

Ipinapaalam po natin na maaaring maantala ang pangongolekta ng basura sa ating lugar. Ito po ay dahil sa pangkasalukuyang masamang panahon na nagdudulot ng pansamantalang pagkaantala ng pag-dump ng basura sa transfer station.

Pakiusap po sa lahat: HUWAG MUNA MAGLABAS NG BASURA sa ngayon. Iwasan po natin itong itambak sa labas para hindi humalo sa baha at kumalat sa ating mga kalsada.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pag-unawa at pakikiisa para sa kalinisan at kaligtasan ng ating barangay!

29/08/2026

TINGNAN: Narito ang mga Typhoon Safety Reminders o mga dapat gawin bago, habang, at pagkatapos ng bagyo.

Para sa anumang emergency o insidente, agad na makipag-ugnayan sa ating Barangay sa mga contact number na makikita sa larawan. Manatiling alerto, maging handa, at laging unahin ang kaligtasan.

Magiingat po ang lahat at maraming salamat po!

27/08/2026

Mga mommy at daddy, maghanda na po tayo. Suspended ang face to face classes. All levels. Public and Private. Ingat po tayo. πŸ™πŸ»πŸ’™

26/08/2026
Celebrating the lives of our August Celebrants. ❀️Happy Birthday po! Wishing you all the abundance, happiness, and bless...
20/08/2026

Celebrating the lives of our August Celebrants. ❀️

Happy Birthday po! Wishing you all the abundance, happiness, and blessings in life. May you continue to be blessed with good health and many more birthdays to come.

Maraming salamat po sa inyong serbisyo at sa dedikasyon ninyong maglingkod sa ating barangay. Maraming Salamat din po sa ating ibang barangay staff na nakisaya sa araw na β€˜to.

Mabuhay po kayo! ❀️

Address

Barangay Hall Canumay West
Valenzuela
1443

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kenneth R. San Andres posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Kenneth R. San Andres:

Shortcuts

Share