05/10/2026
BARANGAY CANUMAY WEST LUPON TAGAPAMAYAPA MONTHLY MEETING OF OCTOBER 2026
Bilang pagsunod at pagtalima sa direktiba ng DILG matagumpay na naisagawa ang buwanang pagpupulong ng ating Lupon Tagapamayapa ng Barangay Canumay West sa pangunguna ni PB Mario San Andres at mga Kagawad kung saan tinalakay ang mga mahahalagang usapin kaugnay ng pagpapanatili ng kapayapaan, pagkakaisa, at maayos na ugnayan sa ating barangay.
Sa pagpupulong na ito, napag-usapan ang mga kasalukuyang kaso, mga programang pangkapayapaan, at mga hakbang upang higit pang mapabilis at mapabuti ang paghahatid ng serbisyong pangmediasyon at pag-aayos ng alitan sa komunidad.
Lubos nating pinahahalagahan ang dedikasyon at walang sawang paglilingkod ng bawat kasapi ng Lupon Tagapamayapa sa pagtataguyod ng isang mapayapa, maayos, at nagkakaisang barangay.
"Kapayapaan at Pagkakaisa, Sama-samang Isinusulong para sa Mas Maunlad na Pamayanan."