31/08/2023
"Okay lang ako ang iwan mo, huwag lang ang basura mo!"
'Yun oh! Gusto mo bang gamitin ang boses mo bilang kabataan sa adbokasiya laban sa CLIMATE CHANGE?
Gulatin mo naman yung mga kebs lang at walang pake sa paligid nila at IKAMPANYA ang pagpapanatili ng maayos na kapaligiran sa Polo National High School.
Narito ang MEKANIKS:
1. Ang PNHS Climate Warriors Club ay bumuo ng page na magiging lunsaran ng social media awareness campaign ukol sa climate change. (LIKE and SHARE mo na rin, siz!) https://www.facebook.com/profile.php?id=100091128897428
2. Narito ang mga nakatalagang gawain sa bawat baitang na lumabas sa datos ng isinagawang sarbey ng PNHS Climate Warriors CLub noong Hulyo 2023:
Grade 7 – Slogan
Grade 8 – Tiktok (1 to 3 minutes)
Grade 9 – Vlog (3 to 5 minutes)
Grade 10 – Digital Poster
3. Narito ang mga paksang maaari mong pagpilian:
• Waste Management
• Excessive use of plastics
• Air & Water Pollution
• Paper Conservation
• Water Conservation
• Greening Programs
• Energy Conservation
• Comfort Room Cleanliness
4. Bibigyan ng pagkilala ang lahat ng mga mag-aaral na nakalikha at nakapagpasa ng content sa araw ng deadline sa pamamagitan ng sertipiko na igagawad sa FLAG CEREMONY sa Setyembre.
5. Pipili naman ng dalawa sa bawat baitang na bibigyan ng premyo (sertipiko at school supplies) sa suporta at pakikipagtulungan ng Save Philippine Seas at Green Trident.
6. Ang huling araw ng pasahan ay sa September 4, 2023 (Monday).
7. Sundin ang pormat ng mga sumusunod:
Slogan - JPEG format
Tiktok - mp4 format
Vlog - mp4 format
Digital Poster - JPEG format
8. Lagyan ng file name na GRADE_SECTION_COMPLETE NAME
(Ex: 8_CRISOSTOMO_JUAN B. MALAYA)
9. I-upload ang inyong gawa sa link na ito:
https://drive.google.com/drive/folders/193f7vZSfd39pZomxbJcMv3KHOzKLKr1T
10. Ang mga likha ng bawat mag-aaral ay ipapaskil ng PNHS Climate Warriors Club sa kanilang page at gagawing opisyal na campaign material ng proyekto.
11. Ang gawaing ito ay BUKAS PARA SA LAHAT NG MAG-AARAL. Kaya ano pang hinihintay mo, GULATIN MO NA KAMI!
Learn about Google Drive’s file sharing platform that provides a personal, secure cloud storage option to share content with other users.