Dan Paul POYNE Velado

Directions

Dan Paul POYNE Velado Subok na noon, handa pa rin ngayon.

Isang matagumpay na araw ng pakikiisa para sa ating kabataan! 💙🙌Kasama ang mga estudyante, g**o, volunteers, at mga katu...
27/08/2026

Isang matagumpay na araw ng pakikiisa para sa ating kabataan! 💙🙌

Kasama ang mga estudyante, g**o, volunteers, at mga katuwang ng pamahalaan, sama-sama nating isinulong ang TAFFGIP B.I.D.A. – Batang Iwas sa Gang, Disiplinado at Aktibo at ang kampanyang BAWAL ang STREET GANGS sa VALENZUELA.

Taos-puso nating pinasasalamatan si Mayor WES Gatchalian at Councilor Ghogo Deato Lee sa patuloy nilang pagsuporta at pagsusulong ng mga ganitong makabuluhang inisyatiba para sa kapakanan at kinabukasan ng ating kabataan.

Sa pamamagitan ng tamang gabay, disiplina, at aktibong pakikilahok, mas mailalayo natin ang ating kabataan sa kapahamakan at maituturo ang mas magandang direksyon para sa kanilang kinabukasan.

Para sa ligtas, disiplinado, at mas maunlad na Valenzuela—sama-sama tayong kikilos! 💪💙

FREE HOT MEALS HANDOG NG TEAM Aktibong Paglilingkod sa Dalandanan - APD
13/08/2026

FREE HOT MEALS HANDOG NG TEAM Aktibong Paglilingkod sa Dalandanan - APD

Anong S ang bagay sa ganitong weather? 🌧️Hindi Stress… 😭Hindi rin Sleep… 😴SOPAS! 🥣😂❤️Dahil malamig at maulan ang panahon...
11/08/2026

Anong S ang bagay sa ganitong weather? 🌧️

Hindi Stress… 😭
Hindi rin Sleep… 😴
SOPAS! 🥣😂❤️

Dahil malamig at maulan ang panahon, naghatid tayo ng mainit na sopas para sa ating mga kabarangay sa Dalandanan. Maliit man ang simpleng handog, sana kahit papaano ay nakapagbigay ito ng init at saya sa bawat nakatanggap. 🫶

Maraming salamat sa Team APD – Aktibong Paglilingkod sa Dalandanan sa oras, effort, at malasakit. ❤️

Taos-puso rin ang aming pasasalamat kina PMAJ Alrey F. Bundalian, 3rd PSC Commander, NPD-DMFB, at PSsg Charles Anthony Murillo sa kanilang suporta at pakikiisa sa munting gawaing ito. 🙏

Kapag malamig ang panahon, sopas ang sagot. Kapag may malasakit, sama-sama ang komunidad. 🥣❤️

Your SKD Batch 2018! 🤙😎From mga batang pasaway noon, ngayon certified Tito & Tita era na! 😂😂Ilang taon na rin ang lumipa...
09/08/2026

Your SKD Batch 2018! 🤙😎

From mga batang pasaway noon, ngayon certified Tito & Tita era na! 😂😂
Ilang taon na rin ang lumipas pero solid pa rin ang samahan. Yung dating gala hanggang madaling-araw, ngayon mas mabilis na mapagod at mas kailangan na ng pahinga. 🤣

SKD Batch 2018 same squad, upgraded age. 🥹😂❤️

Celebrating 1 Year of Service, Unity, and Rescue! 🚨❤️Masaya po akong nakikiisa sa 1st Anniversary ng Dalandanan Rescue V...
09/08/2026

Celebrating 1 Year of Service, Unity, and Rescue! 🚨❤️

Masaya po akong nakikiisa sa 1st Anniversary ng Dalandanan Rescue Volunteer (DRV)! Isang taon ng walang pagod na paglilingkod, pagtugon sa pangangailangan ng komunidad, at pagiging handang tumulong sa oras ng sakuna at emergency.

Saludo ako sa bawat volunteer na patuloy na nagbibigay ng oras, lakas, at malasakit para sa ating mga kabarangay. Stronger Together, Safer Dalandanan! 💪❤️🚑

Happy 1st Anniversary, Dalandanan Rescue Volunteer! 🎉
Patuloy kayong maging katuwang sa pagbuo ng mas ligtas at mas matatag na Barangay Dalandanan.





🌧️🔴 RED RAINFALL WARNING — MAG-INGAT TAYO!⚠️ PAALALA SA LAHAT NG MGA KABABAYAN SA VALENZUELA CITY!Dahil sa RED RAINFALL ...
09/08/2026

🌧️🔴 RED RAINFALL WARNING — MAG-INGAT TAYO!

⚠️ PAALALA SA LAHAT NG MGA KABABAYAN SA VALENZUELA CITY!

Dahil sa RED RAINFALL WARNING, inaasahan ang malakas at tuloy-tuloy na pag-ulan na maaaring magdulot ng pagbaha, lalo na sa mga mabababang lugar.

🙏 Hinihikayat ang lahat na manatiling alerto at unahin ang kaligtasan ng pamilya.

🏠 Manatili muna sa ligtas na lugar kung hindi kinakailangang lumabas.
🌊 Iwasang dumaan o tumawid sa baha, lalo na kung mabilis ang agos.
🚗 Iwasang iparada ang sasakyan sa mabababang lugar na maaaring bahain.
📱 Manatiling updated sa mga opisyal na weather at emergency advisories.
🎒 Ihanda ang emergency kit, gamot, pagkain, tubig at mahahalagang dokumento.

🚨 EMERGENCY HOTLINES — VALENZUELA CITY

Valenzuela City Disaster Risk Reduction and Management Office (VCDRRMO)
☎️ 8352-5000
☎️ 8292-1405
📱 0919-009-4045
📱 0917-881-1639

Valenzuela City Police Station
☎️ 8352-4000
📱 0906-419-7676
📱 0998-598-7868

Valenzuela City Fire Station (BFP)
☎️ 8292-3519

Valenzuela City Emergency Hospital
☎️ 8352-6000

Valenzuela Medical Center
☎️ 8294-6711

📌 Sa oras ng sakuna, huwag mag-atubiling humingi ng tulong.

Mag-ingat tayo, Valenzuelanos. Ang kaligtasan ng bawat isa ay responsibilidad nating lahat. ❤️

ANNOUNCEMENT ❗️❗️❗️❗️❗️
05/08/2026

ANNOUNCEMENT ❗️❗️❗️❗️❗️

Hi everyone!

Ayan na ang matagal na ninyong inaabangan.
Walang face-to-face classes bukas, Agosto 6. Walang pasok sa lahat ng anatas ng paaralan—mula daycare, kinder, elementary, high school, at kolehiyo. Public at private.

Hindi po ito personal kong desisyon. Kumonsulta po tayo sa ating mga eksperto at sa Disaster Risk Reduction and Management Office. Inaasahan po ang malalakas na pag-ulan dulot ng habagat na pinaigting ng Bagyong Maymay.

Ingat po tayong lahat. Kung hindi naman kailangang lumabas ng bahay, manatili na lamang po muna sa loob. Patuloy po akong nakamonitor sa lagay ng panahon dito sa Valenzuela City, 24/7. Maraming salamat po, at mag-ingat ang lahat.

📚🛡️ Ang ligtas na paaralan ay pundasyon ng maayos na kinabukasan ng ating mga kabataan.Isang karangalan ang makiisa sa p...
05/08/2026

📚🛡️ Ang ligtas na paaralan ay pundasyon ng maayos na kinabukasan ng ating mga kabataan.

Isang karangalan ang makiisa sa paglulunsad ng “Ligtas na Mag-aral sa Ligtas na Paaralan: A Child-Friendly Safe School Program,” isang inisyatibong naglalayong tiyakin na ang bawat mag-aaral ay may ligtas, maayos, at mapayapang kapaligiran sa pag-aaral.

Maraming salamat kina Mayor Wes Gatchalian, TAFFGIP Action Officer Coun. Ghogo Deato Lee, Valenzuela City Police Station, at Valenzuela City Child Protection Center sa patuloy na pagsusulong ng mga programang nagbibigay-proteksyon, kaalaman, at pag-asa sa kabataang Valenzuelano.

Sa pagtutulungan ng pamahalaan, mga paaralan, at komunidad, masisig**o nating ang bawat bata ay makapag-aaral nang ligtas at may kumpiyansa sa kanilang kinabukasan. 💙❤️

📍 DAY 2 | TAFFGIP B.I.D.A. (Batang Iwas sa Gangs, Disiplinado at Aktibo) SymposiumGeneral T. De Leon National High Schoo...
04/08/2026

📍 DAY 2 | TAFFGIP B.I.D.A. (Batang Iwas sa Gangs, Disiplinado at Aktibo) Symposium
General T. De Leon National High School

Matagumpay na naisagawa ang Day 2 ng TAFFGIP B.I.D.A. (Batang Iwas sa Gangs, Disiplinado at Aktibo) Symposium sa General T. De Leon National High School, na naglalayong palakasin ang kamalayan ng mga kabataan sa kahalagahan ng disiplina, responsableng pagpapasya, at paglayo sa mga gang at iba pang negatibong impluwensya sa lipunan.

Lubos ang aming pasasalamat kay Mayor Wes Gatchalian, TAFFGIP Action Officer Coun. Ghogo Deato Lee, Valenzuela City Police Station, at Valenzuela City Child Protection Center sa kanilang walang sawang suporta at pakikiisa sa mga programang naglalayong gabayan, protektahan, at hubugin ang kabataang Valenzuelano tungo sa isang ligtas, disiplinado, at responsableng kinabukasan.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, patuloy nating isinusulong ang adhikain ng TAFFGIP B.I.D.A. na makabuo ng mga Batang Iwas sa Gangs, Disiplinado at Aktibo—mga kabataang magiging mabuting halimbawa at katuwang sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa Lungsod ng Valenzuela.

Kabataan ang pag-asa ng bayan, at ang tamang kaalaman ang kanilang pinakamabisang sandata.Isang matagumpay na TAFFGIP B....
03/08/2026

Kabataan ang pag-asa ng bayan, at ang tamang kaalaman ang kanilang pinakamabisang sandata.

Isang matagumpay na TAFFGIP B.I.D.A. (Batang Iwas sa Gangs, Disiplinado at Aktibo) Symposium ang muling isinagawa upang palakasin ang kamalayan ng ating mga kabataan laban sa street gangs, karahasan, at iba pang negatibong impluwensya sa lipunan.

Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa patuloy na suporta at pamumuno ni Mayor Wes Gatchalian, sa walang sawang paggabay ni TAFFGIP Action Officer Coun. Ghogo Deato Lee, sa Valenzuela City Police Station sa pamumuno ni PCOL Joseph Talento, at sa Valenzuela City Child Protection Center sa kanilang dedikasyon sa pangangalaga at paghubog ng mas ligtas at mas maayos na kinabukasan para sa ating kabataan.

Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagtataguyod ng isang komunidad na may disiplina, respeto, at pagkakaisa. Hindi sa gang ang kinabukasan ng kabataan—nasa edukasyon, mabuting asal, at responsableng pamumuhay.

Kabataan ang B.I.D.A., hindi ang gang! 💙💪

Address

Dalandanan
Valenzuela

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dan Paul POYNE Velado posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category