27/05/2026
📢 ANUNSYO: BRIGADA ESKWELA 2026
CANUMAY WEST NATIONAL HIGH SCHOOL
Tema: “Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman”
Malugod na inaanyayahan ng Canumay West National High School ang lahat ng magulang, mag-aaral, alumni, LGU, NGO, at mga katuwang sa komunidad na makiisa at makilahok sa ating Brigada Eskwela 2026.
Layunin nating paghandaan ang isang ligtas, maayos, at kaaya-ayang kapaligiran para sa ating mga mag-aaral.
Hinihikayat namin ang inyong suporta sa pamamagitan ng donasyon o boluntaryong serbisyo:
Kailangan Nating Suporta:
🧹 Kagamitang Panlinis: Walis tingting, walis tambo, mop, timba, basahan, disinfectant, sabon.
🔧 Pagkukumpuni: Pintura, pako, martilyo, plywood, semento, electrical supplies.
📚 Gamit sa Pag-aaral: Bond paper, ballpen, lapis, chalk, whiteboard markers, cartolina, manila paper.
🩹 Pangkalusugan: First aid kits, alcohol, face masks, thermal scanner.
🌱 Pagpapaganda: Halaman, paso, kagamitan sa pag-aayos ng mural/garden.
🙋♀️ Serbisyong Boluntaryo: Paglilinis, pagpipintura, pagkukumpuni , pag-aayos, pagtatanim, at iba pang kasanayan.
Para sa donasyon at katanungan, mangyaring makipag-ugnayan sa:
Gng. Anna Lyn C. Pangyarihan – Brigada Eskwela Focal Person
Gng. Donna D. Tayer – SGC Secretary
“Ang inyong tulong, maliit man o malaki, ay mahalagang ambag para sa ating mga kabataan.”
Sama-sama tayo sa bayanihan para sa ating paaralan!