21/10/2025
Habang pinagmamasdan ang Club banner, Gong and Gavel at Charter Grant sa madilim na bahagi ng kwarto na naaaninagan ng ilaw galing sa labas at sinasabayan pa ng madamdamin at napakagandang kanta, muli kong binalikan ang mga araw na nag umpisa pa lamang ang Metro Central Elite Eagles Club. Mga araw na punung puno ng saya, pagmamahal at pangako na sa mga susunod na mga araw ay patuloy na gagampanan ng mga miyembro ang kanilang mga sinumpaang tungkulin. Na hindi kelan man papaapekto sa anumang balakid o pagsubok sa paligid. Patuloy na paggawad ng tiwala sa isa't isa upang mas maayos na magampanan ang tungkulin ng bawat miyembro. At sa mga susunod na panahon, ang kahandaang harapin at gampanan ang mga naiatang na responsibilidad ng bawat isa ay patuloy na magbibigay alab sa puso at isipan.
Mabuhay Ang Agila!
(Paunawa:
Ang kanta na inyong naririnig ay galing sa naka play na Youtube music at ang kanta ay pinamagatang "The Sound Of Silence" na kinanta ng bandang Disturbed)
CTTO