31/08/2026
โค๏ธ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐! โค๏ธ
Isang Pagkilala sa Bayanihan, Malasakit at Serbisyo sa Panahon ng Habagat
Sa loob ng Day 1 hanggang Day 3 ng pagbaha dulot ng Habagat, muling nagsilbing Evacuation Center ang Tagalag Elementary School (TES) para sa ating mga kabarangay na naapektuhan ng pagbaha.
Sa panahong ito, 19 pamilya o 64 indibidwal ang ating naasikaso at nabigyan ng ligtas na lugar na matutuluyan.
Hindi naging madali ang tatlong araw na ito. Ngunit sa bawat hamon, nakita natin ang tunay na diwa ng bayanihan, malasakit, at pagtutulungan. โค๏ธ
Taos-puso po ang aming pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng ating disaster response:
๐ซก ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ng BDRRMC, sa pangunguna ni PB Rene Bernardo , at kay Kgd. Arcee Dayego , Chairperson ng Committee on Disaster, na naging punong-abala sa pag-aasikaso ng mga pangangailangan sa Tagalag Elementary School.
Maraming salamat din po sa buong Sangguniang Barangay na nakiisa at naging katuwang sa ating disaster response:
Kgd. Owit Darilag
Kgd. Michelle Alvarez De Ocampo
Kgd. Roman Bernardo
SK Chairperson Alijandro Quiรฑal
SecJackie
Treas Sheryl Galvez
SK Kgd. Addy Faye Virtudazo
SK Kgd. Mary Antonete Pasco
Ang inyong presensya, suporta, at pakikiisa sa bawat hakbang ng ating pagtugon sa kalamidad ay malaking bahagi ng maayos na pag-aasikaso sa ating mga kabarangay. โค๏ธ
๐ซ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐
Taos-puso rin po ang aming pasasalamat kay Kgd. Edgar Bernardo, Chairperson ng Committee on Education, at kay Ma'am Rowena Cristobal, ating napakasipag at very supportive na Punong G**o ng Tagalag Elementary School, kasama ang buong school staff.
Maraming salamat po sa inyong walang sawang suporta at pakikipagtulungan upang maging ligtas, maayos, at maaliwalas ang ating evacuation center.
๐ฉบ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐
Maraming salamat po kay Kgd. Ramon Bautista, Chairperson ng Committee on Health; sa CSWDO โ Ma'am Lea; sa Tagalag Health Center; at sa ating mga Barangay Health Workers (BHWs) sa patuloy na pag-aasikaso at pagmomonitor sa kalagayan ng ating mga evacuees.
Ruby Bernardo
Cherry Bernardo
Maricar Capalad Castillo
Marilyn Cariaga
Emelita Espiritu
Narcita Azarcon
Josephine Atanacio
๐ฎ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ / ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐
Maraming salamat kay Kgd. Ruben Francisco , Chairperson ng Committee on Peace and Order, at sa ating mga Barangay Tanod na nag-duty upang matiyak ang seguridad, kaayusan, at kaligtasan sa ating evacuation center.
Margie Mariano Atanacio
Ka Ronnie dela Cruz
Ka Renwell dela Cruz
Ka Romeo Bartolome
๐ช ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐
๐
๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Sa lahat ng ating Barangay Staff at volunteers, maraming-maraming salamat po sa inyong walang pagod na pagtulong at paglilingkod!
Ka Turz Apolonio
Ka Daniel Cabalan
May Santos
April Cariaga
Mula sa pagkakabit at pagbubuo ng mga tent, paghahanda at pagsasaayos ng evacuation center, 24/7 na pagbabantay at pagmomonitor, pag-aasikaso sa ating mga evacuees, hanggang sa paghahanda at pagluluto ng pagkain para sa ating mga pamilyang lumikasโlahat ay buong pusong isinagawa para sa kapakanan ng ating mga kabarangay.
At maging sa pagtanggal at pagtiklop ng mga tent matapos ang evacuation, naroon pa rin ang ating mga staff at volunteers upang tiyaking maayos na maibalik ang lugar.
Maraming salamat po sa inyong oras, pagod, lakas, at malasakit. Ang bawat pagluluto, pagbubuhat, paglilinis, pagbabantay, at pag-aasikaso ay naging malaking bahagi ng ating pagtugon sa kalamidad. โค๏ธ
๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Maraming salamat din po sa lahat ng tanggapan ng City Government of Valenzuela na agad na tumugon at naging katuwang ng Barangay Tagalag:
โบ ๐๐๐๐๐๐ โ sa pagpapahiram ng karagdagang modular tents na malaking tulong upang magkaroon ng maayos at ligtas na masisilungan ang ating mga evacuees.
๐ ๐๐๐๐๐ โ sa pagbibigay ng blue bags at sa patuloy na suporta sa ating mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha.
๐ฆ ๐๐๐๐ข๐๐ ๐จ๐ ๐๐๐. REX Gatchalian ๐๐ญ ๐๐จ๐ง๐ . Kenneth Gatchalian โ sa pagbibigay ng relief assistance para sa ating mga evacuees.
โค๏ธ๐๐ญ ๐ค๐๐ฒ ๐๐๐ฒ๐จ๐ซ WES Gatchalian โ maraming salamat po sa palaging pagmomonitor, pangangamusta, at pagtiyak na hindi napapabayaan ang ating mga kabarangay sa panahon ng kalamidad.
โค๏ธ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐, ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐โฆ
Isang espesyal na MARAMING SALAMAT din po sa ating 19 pamilya o 64 indibidwal na hindi lamang tumanggap ng tulong, kundi kusang nakiisa at tumulong upang linisin at maayos muli ang mga silid-aralan na kanilang pansamantalang tinuluyan.
Sa halip na hintayin na iba ang gumawa, kayo mismo ay nagkusang tumulong sa paglilinis at pagsasaayos ng mga silid-aralan.
Kayo mismo ang nagpakita na ang tunay na bayanihan ay hindi lamang pagtanggap ng tulong, kundi ang pagiging bahagi rin ng solusyon. โค๏ธ
Maraming salamat po sa inyong pakikipagtulungan, disiplina, at malasakit sa Tagalag Elementary School.
๐๐ช๐ก๐ ๐ฟ๐๐ฎ 1 ๐๐๐ฃ๐๐๐๐ฃ๐ ๐ฟ๐๐ฎ 3โ๐ข๐ช๐ก๐ ๐จ๐ ๐ฅ๐๐๐ฉ๐๐ฉ๐๐ฎ๐ค ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐ฉ๐๐ฃ๐ฉ, 24/7 ๐ฃ๐ ๐ข๐ค๐ฃ๐๐ฉ๐ค๐ง๐๐ฃ๐, ๐ฅ๐๐-๐๐๐จ๐๐ ๐๐จ๐ค ๐จ๐ ๐๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐๐ซ๐๐๐ช๐๐๐จ, ๐ฅ๐๐๐๐๐๐๐ฃ๐๐ ๐๐ฉ ๐ฅ๐๐๐ก๐ช๐ก๐ช๐ฉ๐ค ๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐๐ ๐๐๐ฃ, ๐ฅ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ฎ ๐ฃ๐ ๐ง๐๐ก๐๐๐ ๐๐ฉ ๐ข๐๐๐๐๐๐ก ๐๐จ๐จ๐๐จ๐ฉ๐๐ฃ๐๐, ๐๐๐ฃ๐๐๐๐ฃ๐ ๐จ๐ ๐ฅ๐๐๐ก๐๐ก๐๐ฃ๐๐จ ๐๐ฉ ๐ฅ๐๐๐จ๐๐จ๐๐๐ฎ๐ค๐จ ๐ฃ๐ ๐๐ซ๐๐๐ช๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ ๐๐๐ฃ๐ฉ๐๐งโ๐ก๐๐๐๐ฉ ๐๐ฎ ๐ข๐๐ฎ ๐๐๐๐๐๐. ๐๐๐๐๐ฉ ๐๐ฎ ๐ข๐๐ฎ ๐๐ข๐๐๐.
๐๐ ๐ก๐๐๐๐ฉ ๐ฃ๐ ๐ฃ๐๐๐ก๐๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐ค๐ง๐๐จ, ๐ก๐๐ ๐๐จ, ๐จ๐๐ง๐๐๐จ๐ฎ๐ค, ๐๐ฉ ๐ข๐๐ก๐๐จ๐๐ ๐๐ฉ, ๐ข๐๐ง๐๐ข๐๐ฃ๐-๐ข๐๐ง๐๐ข๐๐ฃ๐ ๐จ๐๐ก๐๐ข๐๐ฉ ๐ฅ๐ค. โค๏ธ
๐ค ๐๐๐๐๐๐๐๐๐. ๐๐๐๐๐๐๐๐๐. ๐๐๐๐๐๐๐๐. ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ร๐. โค๏ธ
๐๐๐๐๐๐๐๐-๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐! ๐โค๏ธ
๐๐ ๐ฅ๐๐ฃ๐๐๐ค๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐๐๐ ๐๐ฉ ๐ ๐๐ก๐๐ข๐๐๐๐, ๐๐๐ฃ๐๐ ๐ ๐๐๐ก๐๐ฃ๐ข๐๐ฃ ๐ฃ๐๐-๐๐๐จ๐ ๐๐ฃ๐ ๐๐๐๐๐ก๐๐.โค๏ธ