BADAC - 3S Punturin

Call Directions Website Contact the organization

BADAC - 3S Punturin Welcome to the Official page of BADAC - 3S Punturin (Val. City Gov't)

PAG-ASA SA BAWAT SHOOT: BASKETBALL LEAGUE NG BADAC PUNTURIN, NAGING DAAN SA BAGONG SIMULA NG CBDRP CLIENTSNaging matagum...
14/10/2026

PAG-ASA SA BAWAT SHOOT: BASKETBALL LEAGUE NG BADAC PUNTURIN, NAGING DAAN SA BAGONG SIMULA NG CBDRP CLIENTS

Naging matagumpay ang ginanap na “Laro ng Pag-asa: Pagkakaisa sa Isang Ligtas at Bagong Simula”—isang 1-Night Basketball League para sa mga Community-Based Drug Rehabilitation Program (CBDRP) at After Care clients na isinagawa noong Biyernes, Setyembre 11, 2026, sa 3S Punturin Covered Court.

Ang naturang aktibidad ay inorganisa ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) ng Barangay Punturin, sa pakikipagtulungan ng Valenzuela City Police Station – Sub-Station 7 (VCPS – SS7), kasama ang mga kasapi ng 3S Punturin Tanod at mga boluntaryo.

Layunin ng palaro na gamitin ang palakasan bilang isang positibong hakbang upang palakasin ang ugnayan ng pamayanan, magbigay ng pag-asa, at gabayan ang mga client patungo sa isang ligtas, maayos, at makabuluhang pagbabagong-buhay.

Isinakatuparan ang proyektong ito sa ilalim ng patuloy na pamumuno at suporta ni Punong Barangay Angel R. Mariano, katuwang sina B/Kgwd. Alfredo "Edok" L. Dalag (BADAC Chair on Operations), B/Kgwd. Fely P. Villanueva (BADAC Chair on Advocacy), at ang buong Sangguniang Barangay ng 3S Punturin.

Naging pangunahing tulay din sa matagumpay na pagtataguyod ng liga sina BADAC BCSC Team Leader Mx. Danny E. Bernadas, kasama ang BADAC Coordinators na sina G. Jovy E. Quitil at G. Uno Alcantara.

Sa pamamagitan ng mga ganitong inisyatibo, patuloy na pinapanatili ng Barangay Punturin ang isang ligtas at inklusibong pamayanan kung saan ang bawat mamamayan—anuman ang pinagdaanang pagsubok—ay binibigyan ng pagkakataong makatayo muli at magsimula ng panibagong bukas.

[ ✍🏼: Danny E. Bernadas, Team Leader - BADAC BCSC ]
[ 📷: BADAC 3S Punturin ]

BAGONG SIMULA PARA SA CBDRP AT AFTERCARE CLIENTS: PROGRAMANG PANGKABUHAYAN NG BADAC AT CITY LIVELIHOOD OFFICE, MATAGUMPA...
13/10/2026

BAGONG SIMULA PARA SA CBDRP AT AFTERCARE CLIENTS: PROGRAMANG PANGKABUHAYAN NG BADAC AT CITY LIVELIHOOD OFFICE, MATAGUMPAY NA ISINAGAWA SA BARANGAY PUNTURIN

Isang makabuluhang hakbang tungo sa pagbabagong-buhay at pag-asa ang matagumpay na naisakatuparan sa Barangay Punturin nitong Biyernes, Setyembre 4, 2026.

Sa ilalim ng temang “Simoy ng Pagbabago: BADAC Livelihood Enhancement Program for CBDRP and After Care Clients,” pormal na isinagawa ang pagsasanay sa 2/F Conference Area ng BDRRMC Building.

Layunin ng nasabing programa na handugan ng mga kasanayang pangkabuhayan ang mga miyembro ng Community-Based Drug Rehabilitation Program (CBDRP) at Aftercare clients upang tulungan silang makabangon, magkaroon ng disenteng pagkakakitaan, at muling makapamuhay nang may dignidad sa lipunan.

Ang inisyatibong ito ay maayos na naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) at ng City Livelihood Office, sa ilalim ng suporta ni Mayor Wes T. Gatchalian at ni City Councilor Roselle "Sel" C. Sabino-Sy, na siyang Tagapangulo ng Committee on Livelihood.

Nagsilbing mga tagapagturo at gabay sa pagsasanay sina G. Ligaya A. Antonio at G. Elenita Amistoso mula sa City Livelihood Office, na nagbahagi ng praktikal na kaalaman at kasanayan sa mga kalahok.

Ang matagumpay na aktibidad na ito ay naisakatuparan sa pamumuno at gabay ni Punong Barangay Angel R. Mariano, kasama sina B/Kgwd. Alfredo "Edok" L. Dalag (BADAC Chair on Operations), B/Kgwd. Fely P. Villanueva (BADAC Chair on Advocacy), at ang buong Sangguniang Barangay ng Punturin (3S Punturin Council).

Naging katuwang din sa maayos na pag-oorganisa sina BADAC BCSC Team Leader Mx. Danny E. Bernadas, kasama ang BADAC Coordinators na sina G. Jovy E. Quitil at G. Uno Alcantara.

Taos-puso rin ang pasasalamat ng pamunuan sa patuloy na pakikiisa ng mga BADAC Partner Agencies at Groups—kabilang ang Religious Sector, PWD Group, Homeowners Associations (HOAs), at iba pang samahan—na kabalikat ng barangay sa pagtataguyod ng isang ligtas, maunlad, at may malasakit na komunidad.

[ ✍🏼: Danny E. Bernadas, Team Leader - BADAC BCSC ]
[ 📷: BADAC 3S Punturin ]

ICYMI, MGA KA-BARANGAY:SAMA-SAMANG PAGBANGON AT PAG-ASA: UNANG COMMEMORATIVE ACTIVITY PARA SA OVERDOSE AWARENESS MONTH, ...
08/10/2026

ICYMI, MGA KA-BARANGAY:

SAMA-SAMANG PAGBANGON AT PAG-ASA: UNANG COMMEMORATIVE ACTIVITY PARA SA OVERDOSE AWARENESS MONTH, MATAGUMPAY NA ISINAGAWA SA PUNTURIN

PUNTURIN, VALENZUELA CITY — Hindi naging hadlang ang masamang panahon upang magkaisa ang pamayanan sa pagtataguyod ng kaligtasan at pag-asa para sa bawat pamilya. Matagumpay na isinagawa noong Biyernes, Setyembre 4, 2026, ang kauna-unahang Commemorative Activity para sa Post-Overdose Awareness Month na ginanap sa 2/F Conference Area ng BDRRMC Building.

Sa ilalim ng temang “Kaisa ang Pamilya, Karamay ang Komunidad: Proteksyon at Pag-asa sa Bawat Buhay,” layunin ng naturang forum na maghatid ng sapat na kaalaman, pang-unawa, at tamang gabay ukol sa pag-iwas sa overdose at rehabilitasyon. Pinatunayan ng gawaing ito na sa pamamagitan ng malakas na suporta ng pamilya at ng buong komunidad, laging may pag-asa at bagong simula para sa bawat buhay.

Ang makabuluhang inisyatibang ito ay pinangunahan ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) sa pakikipagtulungan ng Northville 1-B HOA sa pamumuno ni Pres. Pablo “Boy” V. Langomez at ng kaniyang mga opisyal.

Naging katuwang din sa matagumpay na talakayan ang Valenzuela Anti-Drug Abuse Office (VADAO) – Drug Preventive Education Unit sa pangunguna ni Sir Florence D. Victoriano, RSW, at ang Valenzuela City Police Station (VCPS) sa pamamagitan ni PSSg Ramon E. Barcelino (Chief Clerk, SCAS), na nagbahagi ng mahahalagang kaalaman ukol sa edukasyon at pagpapatupad ng batas ukol sa bawal na gamot.

Isinakatuparan ang aktibidad sa ilalim ng patuloy na gabay at pamumuno ni Punong Barangay Angel R. Mariano, katuwang sina B/Kgwd. Alfredo "Edok" L. Dalag (BADAC Chair on Operations), B/Kgwd. Fely P. Villanueva (BADAC Chair on Advocacy), at ang buong Sangguniang Barangay (3S Punturin Council).

Naging katuwang din sa pag-oorganisa at pagtataguyod ng aktibidad sina BADAC BCSC Team Leader Mx. Danny E. Bernadas, kasama ang BADAC Coordinators na sina G. Jovy E. Quitil at G. Uno Alcantara.

Sa kabila ng ulan, naging malinaw ang mensahe ng pamayanan: Ang bawat buhay ay may halaga, at sa pagtutulungan ng barangay, samahan, at pamilya, walang maiiwan sa laban para sa isang ligtas at maayos na komunidad.

[ ✍🏼: Danny E. Bernadas, Team Leader - BADAC BCSC ]
[ 📷: BADAC 3S Punturin ]

KABATAANG GREGORIANO, NANGUNA SA PAGTATAGUYOD NG LIGTAS AT DRUG-FREE NA PAARALAN SA VALENZUELAVALENZUELA CITY — Upang pa...
22/09/2026

KABATAANG GREGORIANO, NANGUNA SA PAGTATAGUYOD NG LIGTAS AT DRUG-FREE NA PAARALAN SA VALENZUELA

VALENZUELA CITY — Upang palakasin ang kaalaman at protektahan ang kapakanan ng mga mag-aaral, matagumpay na isinagawa ng Supreme Student Government (SSG) ng St. Gregory College of Valenzuela (SGCV) ang isang mahalagang seminar ukol sa kaligtasan at disiplina nitong Martes, Hulyo 14, 2026.

Bitbit ang temang “Ligtas na Paaralan, Matatag na Kabataan: Bridging Awareness and Youth Action for a Safe, Drug-Free, and Inclusive Campus,” nagtipon ang mga mag-aaral upang talakayin ang dalawang pangunahing isyung kinakaharap ng kabataan ngayon: ang pag-iwas sa ilegal na gamot at ang pagsugpo sa pambubully.

MGA EKSPERTO, NAGBAHAGI NG KAALAMAN

Naging pangunahing tagapagsalita sa programa si G. John Florence D. Victoriano, RSW, mula sa VADAO – Drug Preventive Education Unit. Binigyang-diin niya ang matinding epekto ng ilegal na droga, alak, sigarilyo, at v**e sa kalusugan at kinabukasan ng kabataan. Hinalimuyak ng kanyang talakayan ang kahalagahan ng tamang pagpapasya at pagtanggi sa masamang impluwensya ng barkada.

Ibinahagi naman ni B/Kgwd. Dr. Philip Eleazar D. Faustino, DBA, Vice Committee Chair on Education, ang kahalagahan ng respeto, empatiya, at kabutihan sa loob ng campus. Ayon sa kaniya, ang isang ligtas na paaralan ay nagmumula sa pagtanggap at pagrespeto sa bawat mag-aaral nang walang diskriminasyon o pambubully.

KOLABORASYON PARA SA LIGTAS NA KOMUNIDAD

Naging posible ang tagumpay ng aktibidad sa pamumuno at suporta nina:

1. Ginoong Cesar Igcalinos (SSG Adviser) at Ginoong Jhayson Cedrick C. Gatdula (SADAC / BKB Adviser).
2. Ginang Maxima G. Carlos (School Principal).
3. Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) ng Barangay Punturin, sa pangunguna ni Punong Barangay / BADAC Chairperson Angel R. Mariano, kasama sina B/Kgwd. Edok L. Dalag, B/Kgwd. Fely P. Villanueva, Ex-O Fely Dela Pierre, Mx. Danny E. Bernadas (BADAC BCSC TL), G. Jovy E. Quitil, at G. Uno G. Alcantara (BADAC BCSCs).

AKSYON AT PAGKAKAISA NG KABATAAN

Ang tunay na layunin ng pagtitipong ito ay hindi lamang magbigay ng impormasyon, kundi ang magsilbing hamon sa bawat Gregoriano na maging aktibong tagapagtanggol ng kapayapaan at kaligtasan.

Sa pamamagitan ng tamang edukasyon at ugnayan ng paaralan at lokal na pamahalaan, natuturuan ang mga kabataan na maging matatag na pundasyon ng isang ligtas, malusog, at inclusive na lipunan.

[ ✍🏼: Danny E. Bernadas, Team Leader - BADAC BCSC ]
[ via Supreme Student Government - SGCV ]

SAMA-SAMANG TUGON AT AKSYON: VCPS, PDEA, AT BRGY. PUNTURIN, NAGSANIB-PUWERSA PARA SA MAS LIGTAS AT ‘DRUG-FREE’ NA KOMUNI...
15/07/2026

SAMA-SAMANG TUGON AT AKSYON: VCPS, PDEA, AT BRGY. PUNTURIN, NAGSANIB-PUWERSA PARA SA MAS LIGTAS AT ‘DRUG-FREE’ NA KOMUNIDAD

VALENZUELA CITY — Bilang bahagi ng walang-humpay na kampanya laban sa ilegal na droga at pagtataguyod ng pangmatagalang kapayapaan at kaayusan, nakiisa ang Valenzuela City Police Station (VCPS) sa ginanap na “Tugon at Aksyon 2026: A Consultative Forum on Post-Drug Cleared Sustainability, Strategic Purok Intervention, and Peace & Order” noong ika-8 ng Hulyo, 2026 sa BDRRMC Building, Barangay Punturin, Valenzuela City.

Sa ilalim ng pamumuno ni PCOL JOSEPH G. TALENTO, Chief of Police, nagkasama ang puwersa ng kapulisan, lokal na pamahalaan, at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) upang mas selyuhan ang seguridad at kaligtasan ng komunidad simula sa antas ng bawat purok.

Naging sentro ng talakayan ang mga konkretong hakbangin upang mapanatili ang katayuan ng barangay bilang "drug-cleared." Kabilang sa mga pangunahing tinalakay ang:
1. Localized Monitoring: Masusing pagsubaybay laban sa ilegal na droga sa bawat purok;
2. Unified Drug Watchlist: Pagpapanatili ng kredibilidad ng database sa pamamagitan ng regular na balidasyon at pag-update; at
3. Secure Reporting Mechanisms: Pagbuo ng mga ligtas na sistema ng pag-uulat para sa mga miyembro ng BADAC, Homeowners Associations (HOAs), at mga Purok Leader upang maprotektahan ang mga nagmamalasakit na mamamayan.

Ang matagumpay na forum na ito ay naisakatuparan under the guidance and leadership of Kap. Angel R. Mariano, katuwang sina B/Kgwd. Alfredo "Edok" L. Dalag (BADAC Chair on Operations), B/Kgwd. Fely P. Villanueva (BADAC Chair on Advocacy), at ang buong Sangguniang Barangay (3S Punturin Council).

Sumaludo rin ang pamunuan sa masusing pagpaplano ng mga tagapag-organisa na sina BADAC BCSC Team Leader Mx. Danny E. Bernadas, G. Jovy E. Quitil, at G. Uno Alcantara.

Taos-pusong pasasalamat din ang ipinaabot sa mga opisyal na nagbahagi ng kanilang oras at dedikasyon para sa aktibidad:
- PMAJ Randy M. Llanderal (Assistant Chief of Police for Operations, VCPS);
- PLT Sherwin Dascil (Chief, SDEU) at PMSg Joaquin Erasquin (Chief Clerk, SDEU);
- PCPT Joan H. De Leon (OIC, SCAS), PLT Ailyn M. Domingo (Deputy Chief, SCAS), at PSSg - Ramon E. Barcelino (Chief Clerk, SCAS);
- PLT Michael B. Dela Cruz (OIC/Station Commander, Sub-Station 7 / BADAC Adviser);
- PCPT Jhonnie E. Beltran (OIC, Station Intelligence Section); at
- OIC Alberto T. Bohol (PDEA - Northern District Office).

"Ang laban sa ilegal na droga ay hindi lamang laban ng kapulisan, kundi laban ng bawat pamilyang Valenzuelano. Sa pamamagitan ng 'Tugon at Aksyon,' pinatutunayan natin na kapag nagkakaisa ang PNP, barangay, at mamamayan, walang puwang ang krimen sa ating lungsod."

Sa pamamagitan ng aktibong pagtutulungan ng kapulisan at pamayanan, patuloy na magiging huwaran ang Lungsod ng Valenzuela sa pagiging ligtas, mapayapa, at progresibong tahanan para sa lahat.

[ ✍🏼: Danny E. Bernadas, Team Leader - BADAC BCSC ]
[ 📷: Repost x PNP Valenzuela City Police Station ]

KABALIKAT SA PAGBABAGO: MGA STUDENT YOUTH LEADERS NG PUNTURIN, SINANAY LABAN SA DROGAPUNTURIN, VALENZUELA CITY — Susi an...
14/07/2026

KABALIKAT SA PAGBABAGO: MGA STUDENT YOUTH LEADERS NG PUNTURIN, SINANAY LABAN SA DROGA

PUNTURIN, VALENZUELA CITY — Susi ang talas at impluwensya ng mga Student Youth Leaders upang mapanatiling ligtas ang pamayanan laban sa ilegal na droga.

Ito ang pinatunayan sa ginanap na Leadership Training para sa mga BADAC Partner Academic Institutions noong Hunyo 27, 2026, sa 2/F Conference Area, BDRRMC Building, Barangay Punturin. Ito ay isinagawa bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking (IDADAIT) 2026.

Sa ilalim ng temang “Kabalikat sa Pagbabago: Empowering Campus Leaders towards a Drug-Resilient Community,” nagtipon ang mga Student Youth Leaders mula sa Punturin Senior High School (PSHS) at Vicente P. Trinidad National High School (VPTNHS)—kabilang ang mga opisyal ng SSG / SSLG, SADAC / BKD, at CIC—upang patalasin ang kanilang kakayahan sa adbokasiya.

Ang programa ay matagumpay na naisakatuparan sa gabay ni Kap. Angel R. Mariano, katuwang sina B/Kgwd. Edok L. Dalag (BADAC Chair on Operations), B/Kgwd. Fely P. Villanueva (BADAC Chair on Advocacy), at ang buong Sangguniang Barangay (3S Punturin Council). Lubos din ang ating pasasalamat sa mga tagapag-organisa na sina BADAC BCSC Team Leader Mx. Danny E. Bernadas, G. Jovy E. Quitil, at G. Uno Alcantara sa kanilang masusing pagpaplano.

Naging gabay ng mga Student Leaders sina Mx. John Florence D. Victoriano, RSW (VADAO – Drug Preventive Education Unit) at B/Kgwd. Dr. Philip Eleazar D. Faustino, MBA (Vice Comm. Chair on Education) bilang mga resource speakers. Naging posible rin ito sa buong-pusong suporta ng mga Punong G**o na sina Sir Odelon B. Peñaflorida (PSHS) at G. Jaime S. De Vera Jr. (VPTNHS).

Baon ng mga Student Youth Leaders ang mas matibay na paninindigan na maging "Kabalikat sa Pagbabago" tungo sa isang ligtas at drug-resilient na Barangay Punturin.

[ ✍🏼: Danny E. Bernadas, Team Leader - BADAC BCSC ]
[ 📷: BADAC 3S Punturin ]

KAPIT-BISIG SA KALIGTASAN: SEKTOR NG HOA SA BARANGAY PUNTURIN, PINAG-ISA SA ESTRATEHIKONG SEMINAR LABAN SA ILEGAL NA DRO...
09/07/2026

KAPIT-BISIG SA KALIGTASAN: SEKTOR NG HOA SA BARANGAY PUNTURIN, PINAG-ISA SA ESTRATEHIKONG SEMINAR LABAN SA ILEGAL NA DROGA

BARANGAY PUNTURIN, LUNGSOD NG VALENZUELA — Bilang marubdob na pakikiisa sa pandaigdigang paggunita ng International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking (IDADAIT) 2026, matagumpay na isinagawa ang isang Community Empowerment Seminar para sa mga Homeowners and Neighborhood Associations nitong nakaraang Huwebes, ika-25 ng Hunyo, 2026.

Sa ilalim ng opisyal na temang "Kapit-Bisig sa Kaligtasan: Katapatan at Aksyon ng HOA Laban sa Droga," ang naturang inisyatiba ay naglayong patatagin ang mapanuring kamalayan ng mamamayan at paigtingin ang kolektibong pagkilos ng komunidad tungo sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at pampublikong kaligtasan.

Ang makabuluhang programang ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng epektibong pamumuno at gabay ni Kap. Angel R. Mariano, katuwang sina B/Kgwd. Edok L. Dalag (Vice Comm. Chair on BPOC & BADAC Chair on Operations) at B/Kgwd. Fely P. Villanueva (BADAC Chair on Advocacy), kasama ang buong Sangguniang Barangay (3S Punturin Council).

Lubos ding ipinaabot ng pamunuan ang kanilang mataas na pagkilala at taos-pusong pasasalamat sa mga pangunahing tagapag-organisa na sina BADAC BCSC Team Leader Mx. Danny E. Bernadas, G. Jovy E. Quitil, at G. Uno Alcantara. Dahil sa kanilang masusing pagpaplano at dedikasyon, naging organisado, sistematiko, at higit na makabuluhan ang implementasyon ng nasabing aktibidad.

Naging tampok sa talakayan ang komprehensibong pagbabahagi ng kaalaman ni Mx. Florence D. Victoriano, RSW, mula sa Valenzuela Anti-Drug Abuse Office (VADAO) - Drug Preventive Education Unit, na nagsilbing Resource Speaker. Sa pamamagitan ng kaniyang propesyonal na kasanayan bilang isang rehistradong Social Worker, pinalawak niya ang unawa ng mga delegado ukol sa mga estratehiya sa edukasyong prebentibo at ang kahalagahan ng interbensyong nakabatay sa komunidad.

Ang aktibidad ay dinaluhan at aktibong nilahukan ng mga kabalikat na HOA at Neighborhood Associations sa ilalim ng BADAC Auxiliary Team, na nagpapatunay sa matatag na ugnayan ng sektor-sibil at ng lokal na pamahalaan.

Naging katuwang din sa gawaing ito ang hanay ng kapulisan mula sa Valenzuela City Police Station Sub-Station 7 (VCPS–SS7), sa ilalim ng pamumuno ni PLT MICHAEL B DELA CRUZ (OIC / Station Commander at BADAC Adviser), na nagbigay ng legal at estratehikong suporta upang mas mapalakas ang kapasidad ng komunidad laban sa talamak na banta ng ilegal na droga.

Sa pamamagitan ng ganitong mga programang pangkaunlaran, patuloy na ipinamalas ng Barangay Punturin na ang transpormasyon at pangmatagalang kaligtasan ay nagmumula sa katapatan sa tungkulin, maagang pag-aksyon, at mapagpalayang pagtutulungan ng pamayanan.

[ ✍🏼: Danny E. Bernadas, Team Leader - BADAC BCSC ]
[ 📷: BADAC 3S Punturin ]

KAMALAYAN SA KABATAAN: BADAC PUNTURIN AT VADAO, NAGDAOS NG ANTI-DRUG AT ALCOHOL SYMPOSIUM SA SGCVVALENZUELA CITY — Nagsa...
02/07/2026

KAMALAYAN SA KABATAAN: BADAC PUNTURIN AT VADAO, NAGDAOS NG ANTI-DRUG AT ALCOHOL SYMPOSIUM SA SGCV

VALENZUELA CITY — Nagsanib-pwersa ang Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) 3S Punturin at ang Valenzuela Anti-Drug Abuse Office (VADAO) sa pagdaraos ng isang Information, Education, and Communication (IEC) Campaign Symposium para sa mga mag-aaral ng St. Gregory College of Valenzuela (SGCV) noong Huwebes, Hunyo 25, 2026.

Ang malawakang kampanya laban sa iligal na droga at alkohol ay isinagawa bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking (IDADAIT) 2026. Umikot ang talakayan sa pandaigdigang tema na: “World Drug Problem: Persisting Issues, New Challenges, Innovative Responses.”

Naisakatuparan ang matagumpay na programa sa pamamagitan ng aktibong paggabay at pamumuno nina Kap. Angel R. Mariano, B/Kgwd. Edok L. Dalag, at B/Kgwd. Fely P. Villanueva, katuwang ang buong 3S Punturin Council.

Lubos din ang pasasalamat ng pamunuan kina BADAC BCSC Team Leader Mx. Danny E. Bernadas, Sir Jovy E. Quitil, at G. Uno G. Alcantara na siyang nagsilbing mga pangunahing katuwang ng VADAO, kasama sina Sir Raymond M. Nungay at Sir Mico D. San Pedro.

Kinilala rin ang malaking suporta ng pamunuan ng SGCV sa pangunguna nina Sir Jayson Gatdula (SADAC – BKB Adviser) at Ma’am Maxima G. Carlos (Principal), gayundin ang kanilang mga faculty at support staff na naging kaagapay upang maging ligtas at makabuluhan ang aktibidad para sa mga mag-aaral.

[ ✍🏼: Danny E. Bernadas, Team Leader - BADAC BCSC ]
[ 📷: BADAC 3S Punturin ]

Address

Valenzuela
1447

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63282360246

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BADAC - 3S Punturin posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to BADAC - 3S Punturin:

Shortcuts

Share