05/08/2026
Hi everyone!
Ayan na ang matagal na ninyong inaabangan.
Walang face-to-face classes bukas, Agosto 6. Walang pasok sa lahat ng anatas ng paaralanโmula daycare, kinder, elementary, high school, at kolehiyo. Public at private.
Hindi po ito personal kong desisyon. Kumonsulta po tayo sa ating mga eksperto at sa Disaster Risk Reduction and Management Office. Inaasahan po ang malalakas na pag-ulan dulot ng habagat na pinaigting ng Bagyong Maymay.
Ingat po tayong lahat. Kung hindi naman kailangang lumabas ng bahay, manatili na lamang po muna sa loob. Patuloy po akong nakamonitor sa lagay ng panahon dito sa Valenzuela City, 24/7. Maraming salamat po, at mag-ingat ang lahat.