05/08/2026
BAGONG PAMUNUAN PARA SA MAS LIGTAS AT MAAYOS NA BIYAHE SA BUKID AREA!
VALENZUELA CITY β Opisyal nang nanumpa sa tungkulin ang mga bagong halal na opisyales ng Canumay East, Lawang Bato, Punturin, at Paso de Blas Tricycle Operators and Drivers Association (CALAPUPA TODA) noong Sabado, Agosto 1, 2026, na ginanap sa Lawang Bato 3S Covered Court.
Ang naturang Oath-Taking Ceremony ay naging mas makabuluhan sa pagdalo at suporta ng mga kilalang lider at pinuno ng lungsod at pambansang pamahalaan, kabilang sina 1st District Congressman Kenneth T. Gatchalian at DSWD Secretary Rex T. Gatchalian.
Nakiisa rin sa okasyon ang mga Konsehal ng Lungsod ng Valenzuela at mga Punong Barangay mula sa Bukid Area sa pangunguna ni Kap. Angel R. Mariano ng Lawang Bato.
Sa ilalim ng bagong pamumuno at pamamahala, nakahanda ang alyansa na maghatid ng mas maayos, ligtas, at de-kalidad na serbisyo para sa mga commuter at mamamayan ng Lawang Bato at mga karatig-barangay.
LISTAHAN NG MGA BAGONG LIDER NG CALAPUPA TODA
EXECUTIVE OFFICERS:
President: Elmer Gapua
Vice President: Ernesto Garcia
Secretary: Jimy Del Rosario
Treasurer: Edgardo Berecio
Auditor: Sylvan Aycardo
P.R.O.: Danilo Entroliso
Chairman: Loreto Aquino
Board of Directors:
- Jun Jocol
- Alan Pagauipan
- Ariel Salazar
- Doming Taguibao
- Alen Data
- Bernard Deato
- Wiliam Palisoc
- Victor Esmero
Ang panunumpa ng mga bagong opisyal ng CALAPUPA TODA ay hindi lamang isang pormalidad, kundi isang malaking hakbang tungo sa mas organisado at disiplinadong pampublikong transportasyon sa Bukid Area.
[ βπΌ: Danny E. Bernadas, Page News Correspondent ]
[ π·: 3S Punturin BIO Team ]