Aj Feliciano

Aj Feliciano A proud Public Servant of Barangay Arkong Bato. ❤️

18/05/2026
09/05/2026
𝗠𝗢𝗡𝗧𝗛𝗟𝗬 𝗠𝗘𝗘𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗔𝗥𝗞𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗧𝗢Isinagawa ngayong araw, ika-5 ng Mayo 2026, ang nakatakdang buwanang pagpupulong ...
05/05/2026

𝗠𝗢𝗡𝗧𝗛𝗟𝗬 𝗠𝗘𝗘𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗔𝗥𝗞𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗧𝗢

Isinagawa ngayong araw, ika-5 ng Mayo 2026, ang nakatakdang buwanang pagpupulong kasama ang Sangguniang Barangay ng Arkong Bato. Tinalakay sa nasabing pulong ang iba’t ibang mahahalagang usapin, programa, at inisyatibo na naglalayong mapabuti ang serbisyong pampubliko at kapakanan ng mga mamamayan ng Barangay.

Magandang tanghali at maraming salamat po kabarangay! ❤️💙



𝗔𝗥𝗞𝗢 𝗠𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗡𝗧𝗘𝗦𝗧 𝟮𝟬𝟮𝟲 | 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗔𝗥𝗞𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗧𝗢 🎉🇵🇭Inaanyayahan ang lahat ng mga kalsada sa Barangay Arkong Bato na maki...
05/05/2026

𝗔𝗥𝗞𝗢 𝗠𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗡𝗧𝗘𝗦𝗧 𝟮𝟬𝟮𝟲 | 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗔𝗥𝗞𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗧𝗢 🎉🇵🇭

Inaanyayahan ang lahat ng mga kalsada sa Barangay Arkong Bato na makiisa sa Arko Making Contest 2026 na may temang “Fiestang Pinoy.” Layunin ng paligsahang ito na ipamalas ang makulay na kultura, mayamang tradisyon, at masiglang diwa ng pagkakaisa ng bawat komunidad sa pamamagitan ng malikhaing pagdidisenyo ng mga arko.

📅 Mahahalagang Petsa:
• Deadline of Installation: May 9
• Prejudging: May 10
• Judging: May 16
• Announcement of Winners: May 17

🏅 Pamantayan sa Paghuhusga (100%):
🎨 Creativity – 25%
🎯 Theme Relevance – 20%
🛠️ Craftsmanship – 20%
🌱 Eco Materials – 10%
👁️ Visual Impact – 15%
👍 FB Heart Reacts – 10% (batay lamang sa opisyal na post)

📍 Mga Kalahok na Kalsada (tig-iisang entry):
Q. Deniega, M. Urrutia Bungad, M. Urrutia Ibaba, E. Gabriel, E. Gabriel Kanan, E. Gabriel Kaliwa, Navarette, Feliciano, Sagip, Phase 1, Phase 2, Phase 3, Dela Cruz, San Diego, M. Bautista, Decena, Evangelista, H. Bautista, N. Urrutia, Industrial, Cordero, Mendoza, A. Urrutia, Francisco

🚫 Mahigpit na ipinagbabawal ang anumang politikal, mapanakit, o komersyal na elemento sa mga disenyo.

Sa pamamagitan ng patimpalak na ito, higit pang pinatitibay ang diwa ng bayanihan at pagkakaisa sa bawat kalsada ng ating barangay. Inaasahan ang buong pusong pakikilahok ng bawat isa upang maipakita ang husay, talento, at pagmamalaki sa kulturang Pilipino.

𝗧𝗮𝗿𝗮 𝗻𝗮’𝘁 𝗶𝗽𝗮𝗸𝗶𝘁𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗴𝗮𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗮𝗶𝘀𝗮 𝗻𝗴 𝗯𝗮𝘄𝗮𝘁 𝗸𝗮𝗹𝘀𝗮𝗱𝗮! 🎊




🎉 ARKO MAKING CONTEST 2026 🇵🇭

🌺 Theme: “Fiestang Pinoy”

Ipamalas ang makulay na kultura, tradisyon, at saya ng bawat kalsada sa inyong arko! ✨

📅 Deadline of Installation: May 9
👀 Prejudging: May 10
👀 Judging: May 16
🏆 Announcement of Winners: May 17

🏅 CRITERIA FOR JUDGING (100%)
🎨 Creativity – 25%
🎯 Theme Relevance – 20%
🛠️ Craftsmanship – 20%
🌱 Eco Materials – 10%
👁️ Visual Impact – 15%
👍 FB Heart Reacts – 10% (official post only)

📍 PARTICIPATING STREETS (1 entry each):
Q. Deniega, M. Urrutia Bungad, M. Urrutia Ibaba, E. Gabriel, E. Gabriel Kanan, E. Gabriel Kaliwa, Navarette, Feliciano, Sagip, Phase 1, Phase 2, Phase 3, Dela Cruz, San Diego, M. Bautista, Decena, Evangelista, H. Bautista, N. Urrutia, Industrial, Cordero, Mendoza, A. Urrutia, Francisco

🚫 No political, offensive, or commercial elements allowed.

Tara na’t ipakita ang galing at pagkakaisa ng bawat street! 🎊




𝗣𝗔𝗚𝗞𝗜𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡 | 𝗖𝗼𝘂𝗿𝘁𝗲𝘀𝘆 𝗖𝗮𝗹𝗹 𝘀𝗮 𝗔𝗿𝗸 𝗦𝘁𝗼𝗻𝗲 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵 𝗖𝗹𝘂𝗯Isinagawa natin ang isang courtesy call sa mga kinatawan ng...
28/04/2026

𝗣𝗔𝗚𝗞𝗜𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡 | 𝗖𝗼𝘂𝗿𝘁𝗲𝘀𝘆 𝗖𝗮𝗹𝗹 𝘀𝗮 𝗔𝗿𝗸 𝗦𝘁𝗼𝗻𝗲 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵 𝗖𝗹𝘂𝗯

Isinagawa natin ang isang courtesy call sa mga kinatawan ng Ark Stone Youth Club bilang pagkilala sa kanilang patuloy na inisyatiba na makatulong sa ating mga tsuper ng jeepney sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga donasyong relief goods.

Sa gitna ng pagtaas ng presyo ng gasolina dulot ng umiiral na tensyon sa ibang bansa, patuloy na naaapektuhan ang kabuhayan ng ating mga tsuper na umaasa sa araw-araw na pasada. Sa ganitong sitwasyon, mahalaga ang mga hakbang na nagbibigay ginhawa at suporta sa sektor na ito.

Sa kabila ng kanilang murang edad, ipinakita ng mga kabataan ng Ark Stone Youth Club ang kanilang malasakit sa pamamagitan ng aktibong pagtugon sa pangangailangan ng komunidad. Ang kanilang inisyatiba ay nagsisilbing mahalagang ambag sa pagpapanatili ng diwa ng pagtutulungan at pagkakaisa sa barangay.

Lubos na pasasalamat ang ipinaabot ng Pamahalaang Barangay sa mga kabataang bumubuo ng Ark Stone Youth Club sa kanilang konkretong ambag para sa kapakanan ng ating mga tsuper. Ang inyong pagkilos ay malinaw na halimbawa ng responsableng kabataan na handang tumugon sa pangangailangan ng kapwa sa panahon ng hamon.

Nawa’y magpatuloy ang inyong nasimulan at lalo pang mapalawak ang inyong adbokasiya, habang kayo ay patuloy na nagiging huwaran ng malasakit at pagkakaisa sa ating komunidad.

Maraming salamat sa inyong makabuluhang kontribusyon.



🎉 𝗙𝗜𝗘𝗦𝗧𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟲 | 𝗢𝗣𝗘𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗢𝗙 𝗙𝗢𝗢𝗗 𝗕𝗔𝗭𝗔𝗔𝗥 🎉Bilang panimula sa nalalapit na pagdiriwang ng Fiesta 2026 ng Barangay Arkong Ba...
27/04/2026

🎉 𝗙𝗜𝗘𝗦𝗧𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟲 | 𝗢𝗣𝗘𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗢𝗙 𝗙𝗢𝗢𝗗 𝗕𝗔𝗭𝗔𝗔𝗥 🎉

Bilang panimula sa nalalapit na pagdiriwang ng Fiesta 2026 ng Barangay Arkong Bato, malugod na ipinapaalam sa ating mga kabarangay ang pagbubukas ng 𝗙𝗼𝗼𝗱 𝗕𝗮𝘇𝗮𝗮𝗿 𝘀𝗮 𝗠𝗮𝘆 𝟭, 𝟮𝟬𝟮𝟲 na gaganapin sa 𝗔𝗿𝗸𝗼𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘁𝗼 𝗣𝗮𝗿𝗸.

Inaanyayahan ng Pamunuan ng Barangay Arkong Bato ang lahat ng interesadong mamamayan, lalo na ang ating mga lokal na vendor, na samantalahin ang pagkakataong ito upang maipakita at maipagbili ang kanilang mga produkto. Ang Food Bazaar ay bukas 𝗲𝗸𝘀𝗸𝗹𝘂𝘀𝗶𝗯𝗼 𝗹𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝗲 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗔𝗿𝗸𝗼𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘁𝗼, partikular sa 𝗺𝗴𝗮 𝘃𝗲𝗻𝗱𝗼𝗿 𝗻𝗮 𝗻𝗮𝗶𝘀 𝗺𝗮𝗴𝗽𝗮𝗿𝗲𝗵𝗶𝘀𝘁𝗿𝗼 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝗸𝗶𝗹𝗮𝗵𝗼𝗸 𝘀𝗮 𝗙𝗼𝗼𝗱 𝗕𝗮𝘇𝗮𝗮𝗿.

𝗣𝗿𝗶𝗼𝗿𝗶𝗱𝗮𝗱 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝘃𝗲𝗻𝗱𝗼𝗿 𝗻𝗮 𝗸𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗸𝗮𝗽𝗮𝗴𝗯𝘂𝗯𝘂𝗸𝗮𝘀 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗽𝘄𝗲𝘀𝘁𝗼 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝘆 𝗿𝗲𝗴𝘂𝗹𝗮𝗿 𝗮𝘁 𝘁𝘂𝗹𝘂𝘆-𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝗻𝗮 𝗼𝗽𝗲𝗿𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗺𝘂𝗹𝗮 𝗠𝗮𝘆 𝟭 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗠𝗮𝘆 𝟯𝟭, 𝟮𝟬𝟮𝟲.

Para sa mga nagnanais na makilahok, makipag-ugnayan lamang sa inyong mga Street Leaders o magtungo sa 𝟯𝗦 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿 𝗔𝗿𝗸𝗼𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘁𝗼 at hanapin si 𝗠𝗮’𝗮𝗺 𝗜𝘀𝗮𝗻𝗴 para sa karagdagang impormasyon at proseso ng pagpaparehistro.

Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa masiglang selebrasyon at pagtutulungan ng ating komunidad. Sama-sama nating simulan ang Fiesta 2026 na puno ng saya, oportunidad, at pagkakaisa!




📍 COURTESY CALL NG ARK RIDERS SA BARANGAY ARKONG BATOIsinagawa ang isang pormal na courtesy call ng grupong Ark Riders s...
24/04/2026

📍 COURTESY CALL NG ARK RIDERS SA BARANGAY ARKONG BATO

Isinagawa ang isang pormal na courtesy call ng grupong Ark Riders sa Pamahalaang Barangay ng Arkong Bato bilang bahagi ng kanilang pakikipag-ugnayan at koordinasyon kaugnay ng nalalapit na aktibidad na “Ride for a Cause” na itinakda sa darating na Abril 30, 2026.

Lubos namang ipinabatid ng Pamahalaang Barangay Arkong Bato ang kanilang suporta sa nasabing adhikain, at kanilang pinuri ang dedikasyon ng Ark Riders sa pagsasagawa ng mga gawaing may positibong epekto sa komunidad.

Ang ganitong mga inisyatiba ay patunay ng patuloy na pagtutulungan ng iba’t ibang sektor upang maisulong ang kapakanan ng bawat mamamayan.



Address

Marcelo H. Del Pilar Street
Valenzuela
1444

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Aj Feliciano posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share