Office of the Representative 2nd District Valenzuela City

Office of the Representative 2nd District Valenzuela City The Official Page of the Representative of the 2nd District of Valenzuela City

Pormal na nating isinumite kay DOH Secretary Dr. Edwin Mercado ang proposal para sa bagong ospital na magiging BUCAS Cen...
24/08/2026

Pormal na nating isinumite kay DOH Secretary Dr. Edwin Mercado ang proposal para sa bagong ospital na magiging BUCAS Center sa ating distrito.

Sa tulong ng Valenzuela Medical Center, malaking hakbang ito para madagdagan ang ating mga pasilidad pangkalusugan at mas mailapit ang serbisyong medikal sa ating mga kadistrito.

Maraming salamat kay Mayor WES Gatchalian sa pakikipagtulungan at suporta. Magkatuwang nating isinusulong ang proyektong ito, at patuloy naming gagawin ang mga kinakailangang hakbang upang maisakatuparan ito.πŸ’―

05/08/2026

AFTERNOON FACE-TO-FACE CLASS SUSPENSION ADVISORY

Itinaas na sa YELLOW Rainfall Warning ang Metro Manila, kabilang ang Valenzuela City, sa ganap na alas-8:00 ng umaga ngayong araw, Agosto 5, 2026, dulot ng Habagat at Tropical Cyclone Maymay.

Dahil dito, SUSPENDIDO ang PANG-HAPON na FACE-TO-FACE classes sa lahat ng antas (pampubliko at pribado) sa Lungsod ng Valenzuela.

Para sa mga mag-aaral na nakapasok na ngayong umaga, magpapatuloy muna ang klase habang hinihintay ang ligtas na oras ng uwian. Maaari rin silang sunduin nang mas maaga ng kanilang mga magulang o guardians.

Mag-ingat ang lahat at manatiling nakaantabay sa mga opisyal na anunsyo ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela.

Mas pinalalapit natin ang serbisyong pangkalusugan sa ating komunidad!Sa pakikipagtulungan ng Maynilad Water Services, I...
15/07/2026

Mas pinalalapit natin ang serbisyong pangkalusugan sa ating komunidad!

Sa pakikipagtulungan ng Maynilad Water Services, Inc. at ng ating opisina, sabay nating ihahatid ang Garantisadong Gamot on Wheels at ang Maynilad WashUp: A Health and Wellness Program upang mas maraming residente ang makinabang sa libreng serbisyong pangkalusugan.

πŸ“ Lugar: Marulas Barangay Hall Grounds
πŸ“… Petsa: July 18, 2026 (Sabado)
⏰ Oras: 8:00 AM – 3:00 PM
πŸ“ŒBukas ito para sa lahat ng residente ng Ikalawang Distrito ng Valenzuela.

Libreng Serbisyo:
πŸ’Š Garantisadong Gamot on Wheels (Libreng gamot at bitamina)
🩺 Libreng Medical Checkup
🩸 Health Screening (Random Blood Sugar, Uric Acid, at Total Cholesterol)
πŸ—£οΈ Health and WASH Talk
🚿 Maynilad Mobile Shower
🧴 Libreng Wash Kits

Mga dapat dalhin:
βœ… Valid Government-issued ID
βœ… Certificate of Indigency mula sa inyong barangay

Sama-sama nating isulong ang mas malusog at mas ligtas na pamayanan sa pamamagitan ng mga serbisyong direktang inilalapit sa ating mga komunidad.



Mas nagiging makabuluhan ang serbisyo publiko kapag sama-samang binubuo kasama ang mga taong direktang nakararanas ng mg...
14/07/2026

Mas nagiging makabuluhan ang serbisyo publiko kapag sama-samang binubuo kasama ang mga taong direktang nakararanas ng mga hamon at pangangailangan sa komunidad.
Sa pakikipag-ugnayan sa iba't ibang sektor: mga homeowners, volunteers, artist, organizations, mga opisyal, g**o, LGBT community, at iba pang ahensya, nabibigyan tayo ng mas malinaw na direksyon kung paano higit pang mapagbubuti ang ating mga programa at serbisyo.
Maraming hakbang pa ang ating tatahakin, ngunit sa bukas na pag-uusap, pagtutulungan, at paggalang sa bawat boses, mas nagiging inklusibo at makatao ang ating paglilingkod.

Patuloy nating dinadala ang mga munting kagamitang makatutulong sa ating mga bedridden at PWD senior citizens upang kahi...
13/07/2026

Patuloy nating dinadala ang mga munting kagamitang makatutulong sa ating mga bedridden at PWD senior citizens upang kahit paano ay mapagaan ang kanilang kalagayan at mabigyan sila ng higit na kaginhawaan sa kanilang tahanan.

Naniniwala tayo na ang tunay na malasakit ay naipapakita sa pag-abot sa mga hindi na kayang lumapit. Sapagkat ang bawat lolo at lola ay karapat-dapat na maalala, maalagaan, at mapaglingkuran nang may paggalang, pagmamahal, at dignidad.

01/07/2026

Isang taon na ang nakalipas mula nang ipagkatiwala ninyo sa akin ang pagkakataong makapaglingkod sa ating Distrito. Ang tiwalang ipinagkaloob ninyo ay hindi ko itinuturing na isang mandato lamang, kundi isang pananagutang araw-araw kong ginagampanan sa pamamagitan ng tapat, bukas, at may malasakit na paglilingkod.

Sa unang taong ito, nananatili ang ating paninindigan na isulong ang isang uri ng pamumunong inuuna ang pananagutan, mabuting pamamahala, at ang kapakanan ng bawat mamamayan.πŸ’šπŸ‡΅πŸ‡­


26/06/2026
26/06/2026

Mas pinapalapit natin ang serbisyong pangkalusugan direkta sa inyong komunidad! πŸšπŸ’š

Darating ang Garantisadong Gamot on Wheels sa Barangay Paso de Blas upang maghatid ng libreng gamot, bitamina at serbisyong medikal para sa ating mga ka-distrito, lalo na sa mga higit na nangangailangan.

πŸ“ Lugar: Ginebra Court, Barangay Paso de Blas
πŸ“… Petsa: June 27, 2026 (Sabado)
⏰ Oras: 8:00 AM – 3:00 PM

Ito ay bukas para sa lahat ng residente sa ating distrito.

Mga dapat dalhin:
βœ… Valid ID (government-issued)
βœ… Certificate of Indigency mula sa barangay

26/05/2026

Address

H&L Santiago Building, Marulas, Valenzuela City
Valenzuela
1440

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Office of the Representative 2nd District Valenzuela City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category