Valenzuela City Child Protection Center - VCCPC

Valenzuela City Child Protection Center - VCCPC Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Valenzuela City Child Protection Center - VCCPC, Child protection service, Second Floor, 3S Center Maysan, along Maysan Road, Valenzuela.

Committed to safeguarding the rights and well-being of every child in Valenzuela City. 💚

We provide child-friendly, gender-sensitive, and multidisciplinary services for children victim of Abuse, Neglect, Exploitation, and Discrimination (CANE+D).

27/04/2026

💙 MAGING FOSTER PARENT SA VALENZUELA CITY! 💙

May mga batang nangangailangan ng ligtas, mapagmahal, at pansamantalang tahanan—maaaring ikaw na ang magbigay nito.

Ang Foster Care Program ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga indibidwal at pamilya na maging bahagi ng paghubog ng kinabukasan ng isang bata.

📌 Ang Foster Care ay pansamantalang pag-aalaga sa batang nangangailangan ng kalinga habang inaayos ang kanyang mas permanenteng tahanan.

👉 Simulan ang paglalakbay bilang Foster Parent ngayon.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring mag-send ng mensahe sa aming page.

14/04/2026
09/04/2026
28/03/2026

Basic Adolescent Reproductive and Sexual Health Education 💙

Ngayong, March 28, nagsagawa ang Valenzuela City Child Protection Center ng Module 2 ng aming Psychoeducation Series, na nakatuon sa Reproductive and Sexual Health.

Sa pamamagitan ng child-friendly at participatory na session, natutunan ng mga adolescents ang tungkol sa male at female reproductive system, ang tama at may paggalang na paggamit ng body terms, at ang kahalagahan ng pag-unawa at pag-aalaga sa kanilang katawan habang sila ay lumalaki.

Tinalakay din ang mga konsepto ng respect, private parts, at personal boundaries, kasama ang usapin tungkol sa sexually transmitted infections (STIs) at HIV, kabilang ang modes of transmission at prevention—na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng informed at responsible decision-making.

Maraming salamat sa aming resource speaker, Nurse Ruru, at sa aming team—Intervention Social Worker Julie, Ma’am Nea, at Doc Soi—for making today’s session engaging and meaningful. 💙
Nagpapasalamat din kami kina Ma’am Wina, Ma’am Edlie, at Sir Gerald sa kanilang suporta in facilitating their clients’ participation and completion of the health education module ngayong March. 💙

Stay tuned for more health education sessions from the VCCPC Medical Team!

Ang activity na ito ay bahagi ng aming continued efforts na mabigyan ang mga kabataan ng kaalaman upang makagawa ng healthy at informed choices.

📸 Photos were taken and posted with permission. Faces of children that appear blurred are intentionally protected, as consent for public posting was not provided.

Send a message to learn more

23/03/2026

Ngayong March 28, magpapatuloy ang Valenzuela City Child Protection Center sa ating Psychoeducation Series with a session on Reproductive and Sexual Health—dahil bawat kabataan ay may karapatang magkaroon ng tamang kaalaman, gabay, at suporta.

Samahan niyo kami sa pagbibigay ng kaalaman at kakayahan sa mga adolescents para sa ligtas, malusog, at responsableng pagdedesisyon. 💙

💙 Sessions are by appointment only, with limited slots available.

Ang pagprotekta sa bata ay nagsisimula sa tamang kaalaman at aksyon.Ang gabay na ito na ibinahagi sa website ng Philippi...
17/03/2026

Ang pagprotekta sa bata ay nagsisimula sa tamang kaalaman at aksyon.

Ang gabay na ito na ibinahagi sa website ng Philippine Pediatric Society (PPS) ay nagpapaliwanag kung paano maghain ng kaso ng child abuse at kung paano dumaan sa legal na proseso.

🎥 Panoorin:

🔗

Enjoy the videos and music you love, upload original content, and share it all with friends, family, and the world on YouTube.

14/03/2026

Healthy Body, Healthy Life! 💙

Ngayong March 14, nagsagawa ang Valenzuela City Child Protection Center ng Basic Health Education session para sa adolescents bilang bahagi ng aming ongoing Psychoeducation Series. Sa pamamagitan ng interactive discussions at activities, natutunan ng mga participants ang kahalagahan ng healthy eating, regular exercise, proper hygiene, at pag-aalaga sa kanilang katawan habang sila ay lumalaki.

Maraming salamat sa aming resource speaker, Nurse Liz, sa pagbabahagi ng kanyang kaalaman at paggabay sa ating mga kabataan.

We are also grateful to Intervention Social Worker Julie for coordinating the activity, as well as to our volunteer facilitators for today’s session: Nurse Ruru, Ma’am Kristel, and Doc Soi.

Stay tuned for more health education sessions from the VCCPC Medical Team!

📸 Photos were taken and posted with permission. Faces of children that appear blurred are intentionally protected, as consent for public posting was not provided.

Healthy habits start with the right knowledge—and the right tools.Bilang bahagi ng Basic Health Education Module, makaka...
14/03/2026

Healthy habits start with the right knowledge—and the right tools.

Bilang bahagi ng Basic Health Education Module, makakatanggap ang mga kalahok ng basic health kit na may mahahalagang gamit para sa personal hygiene at preventive care, tulad ng toothbrush at toothpaste, mouthwash, sanitary pads, gamot laban sa kuto, at iba pang personal care items.

Kasama ng Health Record para sa mga Bata at Kabataan, layunin ng mga resources na ito na tulungan ang mga pamilya na makabuo ng mabubuting gawi sa kalusugan, mas maagang makilala ang mga posibleng health concerns, at masuportahan ang kalusugan at kapakanan ng mga bata at kabataan.

💙 Ang mga sesyon ay by appointment lamang at may limitadong slots.

Ang mga brand na makikita sa larawan ay hindi endorsement at bahagi lamang ng laman ng health kit.

Ang kalusugan ng mga bata ay nagsisimula sa tamang kaalaman.Bilang bahagi ng Basic Health Education Module para sa mga b...
12/03/2026

Ang kalusugan ng mga bata ay nagsisimula sa tamang kaalaman.

Bilang bahagi ng Basic Health Education Module para sa mga bata, ilulunsad ang Health Record para sa mga Bata at Kabataan—isang praktikal na gabay para sa mga pamilya sa pangangalaga ng kalusugan, kaligtasan, at tamang pag-unlad ng mga bata.💙

11/03/2026

Ilulunsad ngayong Sabado, Marso 4, ang aming Basic Health Education Module para sa mga bata bilang bahagi ng aming patuloy na pagsisikap na palakasin ang kaalaman sa kalusugan at itaguyod ang pag-iwas sa sakit. Ang mga sesyon ay by appointment lamang at may limitadong slots upang masiguro ang maayos na daloy ng programa at sapat na oras para sa bawat bata. 💙

Address

Second Floor, 3S Center Maysan, Along Maysan Road
Valenzuela
1441

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Valenzuela City Child Protection Center - VCCPC posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share