01/06/2026
๐๐ถ๐๐ต๐ฒ๐ฟ๐ณ๐ผ๐น๐ธ๐ ๐ ๐ฒ๐ฒ๐๐ถ๐ป๐ด, ๐๐๐ถ๐ป๐ฎ๐ด๐ฎ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐ง๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ ๐๐ป๐ถ๐ฐ๐ถ๐ฝ๐ฎ๐น ๐๐ด๐ฟ๐ถ๐ฐ๐๐น๐๐๐ฟ๐ฒ ๐ข๐ณ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ฒ
Nagtipon ang mga kinatawan ng iba't ibang samahan ng mga mangingisda sa isinagawang ๐๐ถ๐๐ต๐ฒ๐ฟ๐ณ๐ผ๐น๐ธ๐ ๐ ๐ฒ๐ฒ๐๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฎ ๐ง๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ ๐๐ป๐ถ๐ฐ๐ถ๐ฝ๐ฎ๐น ๐๐ด๐ฟ๐ถ๐ฐ๐๐น๐๐๐ฟ๐ฒ ๐ข๐ณ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ฒ upang talakayin ang mahahalagang usapin na may kaugnayan sa kapakanan, organisasyon, at patuloy na pag-unlad ng sektor ng pangisdaan sa bayan.
Ang pagpupulong ay isinagawa sa buong suporta ng ating butihing ๐ฃ๐๐ป๐ผ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป, ๐๐ผ๐ป. ๐ฅ๐ถ๐ฐ๐ต๐ฎ๐ฟ๐ฑ ๐ฉ. ๐๐ป๐ฐ๐ถ๐ผ๐ป๐ด, katuwang ang ๐ ๐๐ป๐ถ๐ฐ๐ถ๐ฝ๐ฎ๐น ๐๐ด๐ฟ๐ถ๐ฐ๐๐น๐๐๐ฟ๐ฒ ๐ข๐ณ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ฒ sa pangunguna ni ๐ ๐ฎ'๐ฎ๐บ ๐๐ฒ๐น๐ป๐ผ๐ฟ๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐๐ฐ๐๐ฎ๐น, ๐ข๐๐-๐ ๐๐ข, kasama si ๐ฆ๐ถ๐ฟ ๐๐ฒ๐ฟ๐ฟ๐ ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ฟ, ๐๐ถ๐๐ต๐ฒ๐ฟ๐ณ๐ผ๐น๐ธ๐ ๐๐ผ๐ผ๐ฟ๐ฑ๐ถ๐ป๐ฎ๐๐ผ๐ฟ. Layunin ng pagtitipon na mapalakas ang ugnayan ng mga samahan ng mangingisda at mapagkaisahan ang mga hakbang tungo sa mas maayos at mas epektibong paghahatid ng mga programa at serbisyo para sa sektor.
Sa naging talakayan, tinalakay ang mga mahahalagang usaping may kinalaman sa organisasyon ng mga samahan, pamamahagi ng mga programa at benepisyo, pagpapatibay ng mga lokal na polisiya, at pagpapalawak ng representasyon ng mga mangingisda sa iba't ibang bahagi ng bayan. Napag-usapan din ang ilang mga isyung kinakaharap ng mga samahan at ang mga posibleng solusyon upang mapanatili ang pagkakaisa at maayos na koordinasyon sa hanay ng mga miyembro.
Sa kabuoan, naging matagumpay ang pagpupulong bilang isang mahalagang hakbang upang higit pang mapalakas ang samahan ng mga mangingisda, mapabuti ang koordinasyon ng mga kinauukulang ahensya, at maisulong ang mga programang makatutulong sa patuloy na pag-unlad ng kabuhayan ng mga mamamayang umaasa sa yamang pangisdaan.