22/06/2026
💙 IDADAIT 2026 | International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking 💙
“Persisting Issues, New Challenges, Innovative Responses”
Ang inhalant abuse ay ang maling paggamit ng mga kemikal na singaw mula sa mga produktong pang-araw-araw tulad ng solvent, pintura, glue, at iba pang kemikal upang makaranas ng pansamantalang epekto. Ngunit ang panandaliang pakiramdam na ito ay maaaring magdulot ng malubhang pinsala sa utak, puso, baga, at iba pang bahagi ng katawan, at maaari ring magresulta sa pagkamatay.
⚠️ Mga maaaring epekto ng inhalant abuse:
• Pagkalito at pagkawala ng tamang pag-iisip
• Pagkahilo at pagsusuka
• Pagiging agresibo o marahas
• Pagkawala ng memorya
• Panghihina at pagkasira ng mga mahahalagang bahagi ng katawan
💪 Paano ito maiiwasan?
✔️ Matutong tumanggi sa maling impluwensya
✔️ Pumili ng mabubuting kaibigan
✔️ Makipag-usap sa pamilya at mga taong pinagkakatiwalaan
✔️ Sumali sa positibong gawain tulad ng sports, sining, at iba pang makabuluhang aktibidad
Ang paglaban sa droga ay nagsisimula sa tamang kaalaman, matibay na pagpapasya, at pagkakaisa ng komunidad.
Ang Barangay San Isidro ay kaisa ng buong bansa sa pagsusulong ng isang ligtas, malusog, at drug-free na pamayanan.