18/05/2026
ISANG PANAWAGAN PARA SA PAGKAKAISA: BRIGADA ESKWELA 2026!๐ซ
Mga minamahal naming magulang, mag-aaral, g**o, alumni, LGU officials, government agencies, local businesses, NGOs, religious groups, at mga kapwa boluntaryo!
Bukas na po ang Victoria National High School sa lahat ng nais magpaabot ng kanilang tulong at serbisyo para sa darating na Brigada Eskwela '26 na gaganapin ngayong Hunyo 1-5, 2026.
Sa ilalim ng temang: โBayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman,โ sama-sama nating ihanda ang ating paaralan upang maging malinis, ligtas, at MATATAG para sa ating mga mag-aaral.
๐ ๏ธ MGA PWEDENG IDONASYON:
Kung nais ninyong magbahagi ng mga materyales, narito ang listahan ng mga lubos na kinakailangan ng ating paaralan:
Cleaning & Sanitation Materials ๐งน
(Broom, dust pan, mop, trash bin, soap, alcohol, etc.)
Classroom Essentials ๐
(Markers, chalk, printer, bond paper, ink, etc.)
Paint & Painting Materials ๐จ (Paint, varnish, brush, roller, etc.)
Repair & Maintenance ๐จ (Plywood, nails, faucet, door k**b, padlock, etc.)
Electrical & Lighting ๐ก
(Light bulb, fluorescent lamp, wire, extension cord, socket, etc.)
Gardening & Plants ๐ฑ
(Plants, pot, seedlings, garden soil, fertilizer, gardening tools, etc.)
Para sa MATATAG na Paaralan, tara na, Mag-BRIGADA ESKWELA na! Ang inyong oras, lakas, at suporta ay malaking kontribusyon para sa tagumpay ng ating mga kabataan.
Para sa mga katanungan o koordinasyon sa pagbibigay ng donasyon, maaari po kayong magpadala ng mensahe sa aming page o bumisita sa ating paaralan.
Kita-kits po tayo, mga Ka-VNHS!๐๐