San Roque Viga Barangay Official

San Roque Viga Barangay Official A barangay that believes in God’s Power

ALAMIN KUNG BAKIT KAILANGAN NA REGISTERED VOTER KA SA BARANGAY PARA MAKAKUHA NG BARANGAY CLEARANCE!
16/03/2025

ALAMIN KUNG BAKIT KAILANGAN NA REGISTERED VOTER KA SA BARANGAY PARA MAKAKUHA NG BARANGAY CLEARANCE!

| Kailangan ba na registered voter ka sa barangay para makakuha ng barangay clearance?

• Hindi. Isa lamang po ang voter registration sa maaaring ipresinta para makakuha ng anumang certification mula sa isang barangay.

Eh bakit sabi ni Kap kailangan botante ka nila para ma-issue-han ka ng certification?

• Hindi nga. Kung barangay certificate of residency ang iyong request, ang kailangan ay nakapanirahan ka na sa barangay ng anim (6) na buwan o higit pa kung saan ka kumukuha ng certification at nasa Registry of Barangay Inhabitants (RBI) ka nila na hawak at pinangangasiwaan ng barangay secretary. Kung ikaw ay nasa RBI, maaari kang magpresinta ng valid ID o Community Tax Certificate (CTC) sa pagkuha ng barangay certification.

Bakit laging voter registration ang hinahanap ng barangay kapag kukuha ng certification?

• Matibay na patunay kasi ang voter registration na talagang ikaw nga ay naninirahan sa isang barangay. Tandaan na ang anumang certification mula sa barangay ay isang legal document at may tungkulin din ang barangay na siguruhing ikaw nga ay residente nila for security purposes.

Teka, may ipinagkaiba pa ba ang barangay certification sa barangay clearance?

• Opo, magkaiba po ito at maaaring nakagawian na lamang na tawaging “barangay clearance” ang lahat ng certification na nanggagaling sa barangay.

• Ang barangay certification ay ini-issue ng barangay depende sa paggagamitan, gaya ng certificate of residency, good standing in the community, no pending case in the barangay, etc. Ito ang isa sa maaaring gamitin sa pag-apply sa trabaho.

• Ang barangay clearance naman ay isa sa mga requirements bago mag-issue ng permit o license ang isang mayor para makapagtayo ng negosyo sa isang barangay. Ang clearance na ito ay makukuha mula sa barangay kung saan itatayo o gagawin ang negosyo.

Ano ba talaga ang requirements para makakuha ng anumang barangay certification?

• Ang requirements para makakuha ng barangay certification o clearance ay nakasaad sa Citizen’s Charter na dapat nakapaskil sa barangay. Halimbawa nito ay CTC, valid ID tulad ng driver’s license, company/office ID, GSIS o SSS ID, voter’s ID o iba pang ID ng pagkakakilanlan.

• Ang proseso sa pagkuha ng certification ay dapat nakasaad din sa Citizen’s Charter ng barangay.

Matagal na ako sa barangay pero hindi ko naman alam ang tungkol sa RBI at ayaw ako issue-han ng certification ng barangay dahil hindi raw ako botante. Ano ang pwede kong gawin?

• Maaari kang magbigay ng iba pang patunay na ikaw nga ay namamalagi sa barangay gaya ng valid ID, CTC, at humingi ng endorsement mula sa mga sumusunod:

• Purok Leader;
• Homeowners’ Association President;
• Barangay official;
• Barangay residents known to barangay officials.

May bayad ba ang pagkuha ng barangay certification? Bakit magkakaiba ang halaga nito sa mga barangay?

• Nakadepende po ito kada barangay. Maaaring libre sa isang barangay at mahal naman sa iba pang barangay. Ito ay alinsunod sa kapangyarihan ng barangay na magpataw ng fees o charges (taxing power) bilang source of revenue para sa mga gawain at serbisyo ng barangay. Siguruhin lamang na laging may kaakibat na official receipt kapag may bayad ang certification o ID mula sa barangay.

Eh bakit ayaw ako issue-han ng barangay certification kahit napatunayan ko namang residente nga nila ako at gusto talaga nila na botante lang ang makakakuha nito?

• Maaari niyo pong ireklamo ang barangay official na ayaw mag-issue ng certification na walang legal basis. Alinsunod sa Section 61 ng Local Government Code, maaaring mag-file ng complaint laban sa barangay official sa Sangguniang Panlungsod o Sangguniang Bayan (City/Municipal Council). Maaari rin po sa Hotline 8888.

Narito po ang batayan patungkol sa paksang ito: DILG MC 2010-142 https://dilg.gov.ph/issuances/mc/Implementation-of-the-Anti-Red-Tape-Act-at-the-Barangays/319

‼️
16/03/2025

‼️

TANONG NG BAYAN | May parusa ba ang mga opisyal ng barangay kung hindi sila nakapagsagawa ng Barangay Assembly ngayong ikalawang semestre ng 2024?

Oo.
Alinsunod sa Local Government Code of 1991 at sa Proklamasyon Bilang 599 s. 2018, ang mga opisyal ng barangay ay inaatasang magsagawa ng “Barangay Assembly” upang magbigay ulat sa mga residente tungkol sa mga plano, ulat pananalapi at iba pang paksa sa barangay.

Ang mga opisyal ng barangay na nabigong magsagawa ng Barangay Assembly ay maaring humarap sa kaukulang administratibong reklamo na maaaring ihain ng sinumang residente ng barangay, concerned citizen, governmental o non-government entity sa Sangguniang Panlungsod o Sangguniang Bayan. Ang hindi pagsunod dito ay maaaring magresulta sa mga parusa alinsunod sa Section 61 ng Local Government Code at Administrative Order No. 7 o ang Rules of Procedure ng Office of the Ombudsman.

TINGNAN‼️Barangay San Roque Monthly AtagFebruary 22,2025“Be a part of the SOLUTION not a part of the POLLUTION “
23/02/2025

TINGNAN‼️

Barangay San Roque Monthly Atag
February 22,2025

“Be a part of the SOLUTION not a part of the POLLUTION “

TINGNAN‼️Barangay San Roque Council WEEKLY BARKADA REPORT!February 16,2025 Cleanliness becomes more important when godli...
16/02/2025

TINGNAN‼️
Barangay San Roque Council WEEKLY BARKADA REPORT!
February 16,2025

Cleanliness becomes more important when godliness is unlikely. Sanitation and cleanliness are among the humblest of the civic virtues, and it is easy to underestimate their significance.

The greatness of a community is most accurately measured by the compassionate actions of its members.

ATTENTION ‼️Must Read“An ordinace imposing TAXES, FEES and CHARGES in Barangay San Roque Viga Catanduanes”
12/02/2025

ATTENTION ‼️
Must Read

“An ordinace imposing TAXES, FEES and CHARGES in Barangay San Roque Viga Catanduanes”

ATTENTION!Barangay San RoqueWhole day registration today February 8, 2025 @ Barangay San Roque plaza
08/02/2025

ATTENTION!
Barangay San Roque
Whole day registration today February 8, 2025 @ Barangay San Roque plaza

TINGNAN:MSWDO naglabas ng VICTIM-SURVIVOR COMMUNITY REFERRAL SYSTEM Flow Chart.
06/02/2025

TINGNAN:

MSWDO naglabas ng VICTIM-SURVIVOR COMMUNITY REFERRAL SYSTEM Flow Chart.

Address

San Roque
Viga
4805

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Roque Viga Barangay Official posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share