30/08/2026
๐ฃ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐จ๐ฆ๐๐ฌ ๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐๐๐๐ก๐๐๐ข๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐ฅ๐๐ก๐๐๐ฌ
Noong Agosto 27, 2026, matagumpay na isinagawa ng DILG Camarines Norte, sa pamumuno ni Provincial Director Melody E. Relucio, ang 2026 Lupong Tagapamayapa Incentive Awards (LTIA) Provincial Awarding sa SM City Daetโisang makabuluhang pagtitipon upang kilalanin ang mga Lupong Tagapamayapa na nagpakita ng kahusayan at dedikasyon sa pagtataguyod ng maayos at mapayapang pamayanan.
Bago ang awarding ceremony, isinagawa muna ang paglulunsad ng Kurumustahan sa Barangay: KP Lecture Series, isang capacity enhancement initiative na naglalayong palawakin ang kaalaman at palakasin ang kakayahan ng mga Punong Barangay at Lupong Tagapamayapa sa pagpapatupad ng Katarungang Pambarangay.
Ibinahagi ni Pros. Perry Boy N. Solano ng Department of Justice ang mahahalagang kaalaman tungkol sa Rules on Venue and Jurisdiction, na nagsilbing gabay sa mga kalahok sa mas maayos na pag-unawa at pagpapatupad ng Katarungang Pambarangay sa kanilang mga barangay.
Mula sa pagbabahagi ng kaalaman, sinundan ito ng pagkilala sa mga natatanging Lupong Tagapamayapa sa lalawigan.
Ang LTIA Provincial Awarding ay higit pa sa mga sertipiko, tropeo, at insentibo. Ito ay pagkilala sa dedikasyon ng mga lingkod-barangay na nakikinig, namamagitan, at nagsisikap na maresolba ang mga alitan tungo sa pagkakaisa at kapayapaan sa kanilang komunidad.
Taos-pusong pagkilala at pasasalamat sa Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte, sa pangunguna nina Gobernador Ricarte R. Padilla at Bise Gobernador Joseph V. Ascutia, sa pagpopondo sa aktibidad at pagbibigay ng mga pagkilala at insentibo sa ating mga LTIA awardees, gayundin sa patuloy na suporta sa mga programang nagpapalakas sa kakayahan at serbisyo ng ating mga barangay.
1st Class Municipality
Provincial Winner โ Barangay Bagongbayan, Jose Panganiban
Plaque of Commendation | โฑ50,000 monetary incentive
1st Runner-Up โ Barangay Poblacion Sur, Paracale
Plaque of Commendation | โฑ30,000 monetary incentive
2nd Runner-Up โ Barangay Mampili, Basud
Plaque of Commendation | โฑ20,000 monetary incentive
2nd Class Municipality
Provincial Winner โ Barangay Calangcawan Sur, Vinzons
Plaque of Commendation | โฑ50,000 monetary incentive
4th Class Municipality
Provincial Winner โ Barangay San Isidro, Talisay
Plaque of Commendation | โฑ50,000 monetary incentive
5th Class Municipality
Provincial Winner โ Barangay Laniton, San Lorenzo Ruiz
Plaque of Commendation | โฑ50,000 monetary incentive
With Commendable Performance
Barangay VI, Daet โ โฑ5,000 monetary incentive
Barangay Fundado, Labo โ โฑ5,000 monetary incentive
Mula sa antas panlalawigan, umangat din ang ating mga Lupong Tagapamayapa sa Regional at National Levels. Sa Regional LTIA, kinilala bilang Regional Winners ang Barangay Bagongbayan, Barangay Calangcawan Sur, at Barangay Laniton, habang 1st Runner-Up naman ang Barangay San Isidro. Samantala, higit na ipinagmalaki ng Camarines Norte ang pag-abot ng Barangay Laniton, San Lorenzo Ruiz sa National Level bilang National Finalistโsalamin ng patuloy na pag-unlad at pagpupursige ng ating mga lingkod-barangay.
Saludo at pagbati sa lahat ng ating LTIA awardees!
Isang araw ng pagpapahalaga sa mga lingkod-barangay na nagsusulong ng kapayapaan at pagkakaisa.