29/08/2020
Kasabay ng paglalagay ng national IATF-EID sa Bangsamoro region sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MGCQ) simula June 1 hanggang June 15, at sa nalalapit na pagbubukas ng mga paaralan sa pagsisimula ng pasukan, ang Ministry of Basic, Higher and Technical Education ay patuloy sa pagbibigay ng mga paalala sa mga mamamayang Bangsamoro.
Ang mga sumusunod na paalala ay nakasalin sa iba’t ibang lengguwahe [tulad ng Maguindanaon, Arabic, Maranao, Sama, Tagalog, Tausug at Yakan] upang lubos na maunawaan ng mga mamamayan sa iba’t ibang panig ng rehiyon ang mga dapat nilang gawin at malaman tungkol sa Covid-19.
**
COVID-19: ALAMIN ANG TOTOO
Pangunahing naipapasa ang Covid-19 ng tao sa tao
- Sa tuwing bumabahing oumuubo ang taong may sakit, maaaring tumalsik ang mga droplet sa bibig o ilong ng ibang taong malapit sa kanya
- Malapit na pakikipagsalamuha sa mga taong may sakit – gaya ng pagyakap p pakipagkamay
-
Ang Covid-19 ay maaari ring maiwan sa mga bagay
- Kaya kung hahawakan mo ang isang kontaminadong bagay at hahawakan mo rin ang iyong mukha o ang mukha ng iba, maaari kayong magkasakit
-
Protektahan ang sarili at ang iba laban sa Covid-19
1. Hugasan nang madalas ang mga kamay gamit ang sabon at tubig o hand sanitizer na may alcohol.
2. Takpan ang pag-ubo at pagbahing gamit ang looban ng siko. Hugasan ang kamay pagkatapos.
3. Iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig.
4. Limitahan ang pagdalo sa mga tipo-tipon o pagpunta sa mga matataong lugar.
5. Panatilihin ang 1 metrong pagitan sa iba.
6. Linisin at i-disinfect nang madalas ang mga bagay na laging hinahawakan.
**
Hinihikayat ng MBHTE ang mga Division Offices na ipaksil ang mga paalalang ito sa loob at labas ng mga paaralan at opisina.
Sama-sama nating labanan ang Covid-19.