28/08/2026
๐ด Sabay-sabay para sa mas masaganang kinabukasan ng niyugan! ๐ฑ
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 40th National Coconut Week Celebration, matagumpay na isinagawa ngayong araw ang Simultaneous Massive Coconut Tree Planting Program sa Tariwara, Pandan, Catanduanes sa pangunguna ng Philippine Coconut Authority Regional Office V, PCA Albay-Catanduanes Provincial Office at ng PCA Catanduanes Field Office .
Ang makabuluhang gawaing ito ay patunay ng sama-samang pagtutulungan upang mapalakas ang industriya ng niyog, mapangalagaan ang kalikasan, at makapagbigay ng mas magandang kinabukasan para sa ating mga magniniyog at susunod na henerasyon.
Taos-pusong pasasalamat sa Local Government Unit of Pandan,Catanduanes sa pangunguna ng masipag na Punong Bayan, Mayor Hon. Honesto Tabligan na nirepresenta ni Sir John Alcantara (LYDO), kasama ang aktibong Municipal Agricultural Services Office sa pamumuno ni Sir Allen Isorena , Vice-Mayor Hon. Eric T. Rodriguez kasama sina Mun. Councilor
Hon. Marvie L. Niola at Hon. Alfonso Crispino, MENRO , MDRRMO, 14 Special Forces Company ng Philippine Army at ng katuwang sa programa na Pandan Farmers Cooperative na pinangungunahan ni Sir Jose Almojela kasama ang kanyang mga miyembro at sa lahat ng mga katuwang na ahensya, grupo, at indibidwal na nakiisa sa makabuluhang programa pati na rin katuwang na may-ari ng lupa.
Sa bawat punlang itinanim, tayo ay nagtatanim din ng pag-asa, pagkakaisa, at pangarap para sa isang mas maunlad at matatag na industriya ng niyog sa Catanduanes. ๐ด๐