01/09/2026
https://www.facebook.com/share/1Es725DZKz/
𝐒𝐒𝐒 𝐕𝐈𝐑𝐀𝐂, 𝐍𝐀𝐊𝐈𝐋𝐀𝐇𝐎𝐊 𝐒𝐀 𝐒𝐈𝐌𝐔𝐋𝐓𝐀𝐍𝐄𝐎𝐔𝐒 𝐑𝐄𝐆𝐈𝐎𝐍𝐖𝐈𝐃𝐄 𝐒𝐒𝐒 𝐏𝐀𝐋𝐄𝐍𝐆𝐊𝐄 𝐂𝐀𝐑𝐀𝐕𝐀𝐍
Nakilahok ang Social Security System (SSS) Virac sa isinagawang simultaneous regionwide SSS Palengke Caravan noong Agosto 28.
Isinagawa ang aktibidad sa Virac Public Market sa pakikipagtulungan ng LGU Virac upang dalhin mismo sa mga market vendor at mamimili ang mga serbisyo ng SSS at gawing mas mabilis at maginhawa ang pag-access sa mga ito.
Kabilang sa mga serbisyong inilapit sa publiko ang registration at enrollment, verification ng contributions at loans, inquiries hinggil sa benefit claims, at assistance sa paggamit ng digital tools gaya ng My.SSS.
Layunin ng SSS Palengke Caravan na mapadali ang access ng mga nagtitinda at iba pang manggagawa sa pamilihan sa social security protection, nang hindi na kailangang pumunta pa sa mga tanggapan ng ahensya para sa ilang pangunahing serbisyo.
Sa pamamagitan ng naturang programa, patuloy na isinusulong ng SSS ang mas mabilis, maginhawa at accessible na serbisyo para sa mga market vendor at iba pang miyembro nito sa buong Bicol. | via Rosie Nieva