22/09/2026
DepEd Catanduanes, Nakiisa at Nakilahok sa Ginanap Provincial Serbisyo Caravan 2026 (DSWD 4Ps Serbisyo Caravan)
Nakiisa ang DepEd Schools Division Office of Catanduanes sa ginanap na DSWD 4Ps Serbisyo Caravan para sa mga pamilyang exited at exiting mula sa programang 4Ps.
Ibinahagi ng Alternative Learning System (ALS) team sa pangunguna ni EPS Amelia B. Cabrera at EPSA II Aljay Terrazola ang iba't ibang oportunidad sa edukasyon para sa mga out-of-school youth at adults. Kasama rin ang Youth Formation Division (YFD) sa pamamagitan nina PDO-YFD Ma. Lourdes Sorra at Alfredo Z. Bagadiong Jr. Naging maayos at matagumpay ang pakikilahok na ito sa pamamagitan ni SEPS Marife B. Brequillo bilang focal person ng aktibidad.
Patuloy ang DepEd Catanduanes sa pagbibigay ng tapat at de-kalidad na serbisyo para sa mas maliwanag na kinabukasan ng bawat Catandunganon!
MATAPAT. MABILIS. MAHUSAY.
Serbisyong totoo ay alay.
22 Setyembre 2026
SP Grounds, Capitol Compound
Virac, Catanduanes
-DepEd Tayo Catanduanes