Bagong Catanduanes Uya na

Bagong Catanduanes Uya na Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Bagong Catanduanes Uya na, Public Service, Legislative Bldg., Capitol Compound, Virac.

Ang bagong gobernador ng Catanduanes ay isinusulong ang mabuting pamamahala sa pamamagitan ng mga reporma, paglaban sa lumang politika, at pagpapalakas ng ekonomiya, edukasyon, imprastraktura, at serbisyong pampubliko para sa lahat ng mga Catandunganon.

May this be the beginning of genuine healing and renewed cooperation for the greater good of every Catandunganon.Sa isin...
23/02/2026

May this be the beginning of genuine healing and renewed cooperation for the greater good of every Catandunganon.

Sa isinagawang regular session ng Sangguniang Panlalawigan ng Catanduanes, naging makabuluhan ang talakayan hinggil sa panukalang 2026 Provincial Budget. Ang aktibong partisipasyon ng mga kinatawan mula sa ehekutibo at lehislatibo ay nagpapakita ng isang mahalagang hakbang tungo sa mas maayos, mas inklusibo, at mas matatag na pamamahala.

Ang diwa ng sesyon ay nakatuon sa kolektibong pananagutan na tiyaking ang panukalang badyet ay tumutugon sa pangangailangan at prayoridad ng mamamayan. Ang kahandaang magsagawa ng masinsinang pagsusuri, kabilang ang planong marathon hearings kasama ang Local Finance Committee, ay patunay ng seryosong pagtitiyak na ang bawat alokasyon ay magiging makatarungan, legal, at makabuluhan para sa buong lalawigan.

Mahalaga rin ang patuloy na paggabay at monitoring ng Department of the Interior and Local Government upang masiguro ang pagsunod sa mga umiiral na batas at proseso. Ang ganitong koordinasyon ay nagpapatibay sa mga institusyon at nagpapakita ng isang pamahalaang gumagalang sa transparency, accountability, at maayos na proseso.

Ang opisyal na photo opportunity matapos ang sesyon ay hindi lamang simpleng dokumentasyon, kundi simbolo ng pagkakaisa sa kabila ng mga nakaraang hindi pagkakaunawaan. Ito ay paalala na ang tunay na lakas ng pamahalaan ay sa kakayahang magtulungan para sa mas mataas na layunin. Sa panahong ito ng paghilom at panibagong simula, nawa’y manaig ang kabutihan, respeto, at pagmamahal sa puso ng bawat isa—sapagkat kung ang mga ito ang gagabay, walang hahadlang upang makagawa ng mabuti para sa mas maunlad at nagkakaisang Catanduanes.

Naway manaig ang malinis na hangarin na magsilbi sa taong bayan.

22/11/2025
Across our beloved island, a new voice is rising — a voice that speaks of truth, fairness, and courage. For too long, ma...
14/10/2025

Across our beloved island, a new voice is rising — a voice that speaks of truth, fairness, and courage. For too long, many have been silent, and too many have been ignored. But today, we stand together to declare one message loud and clear: Justice is coming!

Justice is not just about courts or laws. It is about people — about our right to live with dignity, to work without fear, and to be treated equally no matter who we are. True justice means no one is above the law, and no one is left behind.

We dream of a Catanduanes where every student has a fair chance, every worker is respected, and every leader is accountable. We dream of a province guided not by greed, but by honesty and compassion.

And that dream begins today — with us. With our voices, our unity, and our determination, we become the guardians of what is right.

Let us remind everyone: Justice delayed is justice denied. But justice awakened — is unstoppable.

They can delay justice, but they can’t defeat it. For it is the Will of Destiny.

So rise, Catanduanes!
Stand for what is right!
Because justice is coming — and together, we will make it real.

Catandunganon ang tunay na biktima nila - ito ay isang panawagan sa madilim na karanasan na nararamdaman ng bawat Catand...
09/05/2025

Catandunganon ang tunay na biktima nila - ito ay isang panawagan sa madilim na karanasan na nararamdaman ng bawat Catandunganon dahil sa kawalan ng hustisya at kapabayaan ng isang pamilya ng pulitiko sa Catanduanes. Ang political dynasty ng pamilya (alams na) na naghari sa loob ng mahigit dalawang dekada.

Narito ang paliwanag kung bakit sinasabing ang mga Catandunganon ang tunay na biktima:

1. Monopolyo at Konsentrasyon ng Kapangyarihan
Sa loob ng dalawang dekada, paulit-ulit na umupo sa kapitolyo ang mga miyembro ng iisang pamilya. Ang ganitong sistema ay lumilikha ng monopolyo sa kapangyarihan kung saan sila lang ang may kontrol sa mahahalagang desisyon para sa lalawigan, na nagiging hadlang sa checks and balances gaya ng mining noong October 15, 2023.
Sa halip na ang kapangyarihan ay ginagamit para sa kabutihang ng lahat, nagagamit ito para sa kanilang sariling interes at negosyo.

Ginagamit ng pamilya ang kapangyarihan sa gobyerno upang isa isang angkinin ang mga lupain at negosyo sa isla. Kung may kakompetensya pinapatay nila gamit ng pagtapat ng malaking puhunan, na kung saan dehadong dehado ang maliliit na negosyo. Halos lahat pinasok na nila - construction, grocery, gasolina, hotel at restaurant, beach resort, laundry, poultry, mining, drydock, trucking service, bus at transport services, shipping lines, abaka at marami pang iba.

2. Mataas na Presyo ng Gasolina
Ang Catanduanes ay isa sa may pinakamataas na presyo ng gasolina sa buong bansa. Halos overpriced ang gasolina sa isla ng 30 pesos dahil sa mainland bicol nasa 50+ lamang ito samantala sa isla ay 76-80 pesos at tiyak na mas tataas pa kapag nanalo nanaman sila sa eleksyon ngayon.

Ayon sa mga ulat at hinaing ng mga mamamayan, may iisang gasoline company ang may kontrol sa supply at distribusyon, na pagmamay ari ng mga nasa kapangyarihan. Sa isang isla, ang limitadong kompetisyon ay madaling pagmulan ng artificial inflation, at sa huli, ang taumbayan ang nagdurusa. Matatandaan na nadulas din sa debate ang isang miyembro ng pamilya na sinabi niyang may smuggling ng gasolina sa isla kaya nakakapag duda ang drydock na ginagawa sa isang barangay sa Virac na kanilang pagmamay ari.

3. Pagwasak ng Kalikasan sa Mining
Ang mga proyektong pagmimina sa isla na nagsisimula sa small scale mining hanggang large scale na kung pinabayan, ay nagreresulta sa pagkasira ng kalikasan: deforestation, soil erosion, landslide, at kontaminasyon ng tubig. Kung ang mga proyektong ito ay pinapayagan o pinoprotektahan ng pulitikong pamilya, malinaw na ang interes ng mamamayan at kalikasan ay isinantabi kapalit ng pansariling kita.

4. Panglalamang sa Para-Hag-ot
Ang pag bagsak ng presyo ng abaka na maghapong pinaghirapan ng para hag-ot ay patunay na hindi sila makatao at mapagbigay. Dahil mas malaki pa ang kanilang nakukuhang pera sa panlalamanang kesa sa mga pakulo nilang pa raffle at pamimigay ng passes at tinapay. Kahit pa idahilan nila na marami ang buyer ng abaka sa isla, ang pamilya ng monopolistang pulitiko ang may pinaka malaking buy and sell business ng abaka, kaya nila imanipulate ang presyo para malaki ang kita nila samantala maliit ang kita ng para hag-ot.

5. Pagpapabaya sa Eastern Bicol Medical Center and mga district hospitals
Ang EBMC ay pangunahing ospital sa lalawigan, ngunit ang reklamo ng kakulangan sa kagamitan, serbisyo, ninakaw na mga libreng gamot, at pondo ay patunay na inuna nila ang kanilang sariling interes kesa sa kapakanan ng mga Catandunganon. Habang taon taon ang tios ng mga kasaladayan sa pangit na medical services sa isla, tuloy tuloy naman ang pag usbong, expansion at pag asenso ng kanilang mga negosyo. Taon taon nalang may bago silang negosyo.

6. Pagyaman ng Iilan, Pananatili ng Kahirapan ng Marami
Sa kabila ng dekada-dekadang panunungkulan, isang malinaw na tanong ang bumabangon: Bakit sila lang ang yumaman? Kung ang liderato ay tunay na naglilingkod, dapat ay may ebidensiya ng collective upliftment—mas maraming trabaho, mas mababang presyo ng bilihin lalo na ng gasolina, mas maayos na serbisyo hindi over delayed. Ang benepisyo ay napupunta lamang sa iilan, sa kanilang mga ward liders lamang sa eleksyon, malinaw na may mali sa sistema.
Kung talagang padaba tayo talaga diba dapat ang mga Catandunganon ang yumaman kasi public servant sila, dapat ang publiko ang kanilang pinag sisilbihan, inuuna sa lahat ng bagay.

Isa lang ang malinaw-
Ang mga Catandunganon ay biktima ng sistematikong kapabayaan, pag-abuso sa kapangyarihan sa gobyerno, at kawalan ng tunay na malasakit sa kapakanan ng mamamayan. Kaya't ang mensaheng "Mercy to the guilty is cruelty to the innocent" ay isang hamon: Huwag hayaang muling maloko ng mga matagal nang magnanakaw ng kinabukasan ng bayan. Huwag magpaloko sa perang pinambili nila ng boto, dahil ilang buwan lang bawi na nila yan sa dami ng kanilang negosyo at mahal na gasolina.

Ngayon Mayo 12, 2025 Independence day na tayo!

Negosyo o Kalayaan?
Bayan o Sarili? Catanduanes Pumili ka!

Plataporma ni Governor Doc Patrick Azanza Para sa Katarungan:1. Pag-ibayuhin ang pagkakaroon ng mga judges na naka-assig...
09/05/2025

Plataporma ni Governor Doc Patrick Azanza Para sa Katarungan:

1. Pag-ibayuhin ang pagkakaroon ng mga judges na naka-assign mismo sa isla ng Catanduanes.

2. Libreng legal aid para sa mga mahihirap sa tulong ng CatSU College of Law.

3. Libreng land acquisition at title registration para sa mga mahihirap upang maprotektahan ang kanilang karapatan sa ari-arian.

4. Suporta sa mga programa ng CatSU College of Law upang dumami ang mga abogado sa Catanduanes.

5. Suporta sa BJMP programs na layuning mapabuti ang kalagayan ng mga preso.

6. Labanan ang monopolyo sa negosyo at political dynasty sa isla.

------------------------------------------------------------------

HUSTISYA NA KAILANGAN NG MGA CATANDUNGANON:

a. Katarungan na accessible sa lahat, lalo na sa mga mahihirap.

b. Legal na tulong para sa mga walang kakayahang magbayad.

c. Proteksyon sa karapatang pantao ng mga preso.

d. Pagkakaroon ng mga lokal na huwes para sa mabilis na pagresolba ng kaso.

e. Pantay na oportunidad, hindi lamang para sa mayayaman o makapangyarihan.

f. Pagwakas sa monopolyo at dinastiyang pulitikal upang maging tunay na representasyon ng taumbayan ang pamahalaan.

Kapag ang isang tao na gumawa ng masama ay pinatawad o at hinayaan lamang ang kanilang kasalanan, ang mga inosente o walang kasalanan ang nagdurusa.

Ang pagbibigay ng labis na awa sa nagkasala ay hindi na makatarungan para sa mga taong hindi naman nagkasala.

Ang tunay na katarungan ay dapat para sa mga tunay na biktima ng monopolyo, pandarambong, panloloko sa kasaladayan at paglabis na pagmahal ng bilihin- sa mga Catandunganon!

Plataporma para sa Kabataan at Kababaihan ni Governor Doc Patrick Azanza – Padagos na Patanos!1. Libreng gamit at bag sa...
08/05/2025

Plataporma para sa Kabataan at Kababaihan ni Governor Doc Patrick Azanza – Padagos na Patanos!

1. Libreng gamit at bag sa paaralan – para sa mga mag-aaral sa elementarya mula sa mga pamilyang kapos sa kita.

2. Iskolarship para sa mga natatanging estudyante sa kolehiyo – sa mga mahahalagang larangan tulad ng abogasya, medisina, inhinyeriya, agrikultura, IT, at iba pa, bilang suporta sa pag-unlad ng Catanduanes.

3. Iskolarship para sa mga atleta – para sa mga kabataang mahusay sa pampook at pambansang kumpetisyon.

4. Tulong para sa Out-of-School Youth – sa pamamagitan ng Alternative Learning System upang mabigyan sila ng pagkakataong ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

5. Pinalawak na EduKain Feeding Program – upang tugunan ang pangangailangang pang-nutrisyon ng mga mag-aaral sa tulong ng pakikipagtulungan sa pamahalaan at pribadong sektor.

6. Oportunidad sa trabaho para sa mga estudyante – hikayatin ang mga lokal na establisyemento na tumanggap ng mga estudyanteng nais magkaroon ng part-time na trabaho upang kumita.

7. Mga programang pangkalusugan at dangal para sa kababaihan – nakatuon sa mga medikal, mental, at pinansyal na pangangailangan, kabilang ang:
a. Libreng screening para sa breast at cervical cancer
b. Libreng counseling at therapy sessions
c. Mga programang pangkabuhayan para sa mga maybahay

8. Suporta sa mental health ng kabataan – libreng konsultasyon sa psychiatrist at access sa mga therapy session.

9. Mga pansamantalang tahanan – para sa mga kababaihan at kabataang biktima ng domestic violence o sexual abuse, upang mabigyan sila ng ligtas na masisilungan.

#2 GOVERNOR PATRICK ALAIN T. AZANZA
Pag may bago, may pagbabago!

 #2 Governor Doc Pat Azanza Para sa pagbabago sa Isla!Ang hatid niya ay good governance na may transparency, integrity a...
06/05/2025

#2 Governor Doc Pat Azanza Para sa pagbabago sa Isla!

Ang hatid niya ay good governance na may transparency, integrity at accountability. Tama na ang korapsyon matagal ng tios ang isla. Magkakaroon ng pantay pantay na oportunidad para sa bawat isa.

🤝 Si Governor Doc Patrick Azanza ay:✔ May konkretong plano para sa kabuhayan ng mga Catandunganon.✔ Lumalaban sa monopol...
04/05/2025

🤝 Si Governor Doc Patrick Azanza ay:

✔ May konkretong plano para sa kabuhayan ng mga Catandunganon.
✔ Lumalaban sa monopolyo at nagsusulong ng social justice para sa mga inaapi.
✔ Tinitiyak na kasama sa pag-unlad ang mga kasaladayan, hindi iisang pamilya lang.
✔ Nakatuon sa sustainable development—renewable energy, digital access, at inclusive economy.

✅ Mga Plataporma ni Governor Doc Patrick Azanza para sa Kabuhayan:

1. Pagtayo ng government-owned gasoline stations
➤ Para labanan ang sobrang pagtaas ng presyo ng gasolina at mapagaan ang gastusin ng mga mamamayan.

2. Pagbabawal sa pagsasamantala (pagresiko) sa abaka
➤ Magkakaroon ng Abaca Buying Stations para sa patas at makatarungang presyo ng abaka.

3. Pagpapalakas sa Abaca Industry
➤ Sa pamamagitan ng mekanisasyon, puhunan, kooperatiba, at entrepreneurial training sa paggawa ng abaca products tulad ng tela.
4. Pagkontra sa monopolyo at pagbibigay ng equal business opportunities
➤ Para sa maliliit na negosyante, may mabilis na approval ng business licenses.

5. Pagpapatuloy ng Economic Zone sa CatSU
➤ Para magkaroon ng hanapbuhay ang mga Catandunganon at makahikayat ng business investors.

6. Pagsuporta at proteksyon sa karapatan ng mga TODA at van operators
➤ Upang masiguro ang pantay na trato at kabuhayan para sa transport sector.

7. Pagtatayo ng solar farms sa bawat bayan
➤ Para matugunan ang kakulangan sa kuryente at mapababa ang gastos sa kuryente.

8. Pagkakaroon ng maayos na internet sa bawat bayan
➤ Lalo na sa mga liblib na lugar, para sa edukasyon, negosyo, at komunikasyon sa panahon ng kalamidad.

9. Pagsusulong ng Friendship Bridge
➤ Isang tulay na mag-uugnay sa Catanduanes at mainland Bicol, para sa mas mabilis na kalakalan, transportasyon, at oportunidad.

Pag may bago, may pagbabago!
Panahon na para ang mga kasaladayan ang umasenso sa Catanduanes.
Gobyernong may puso, plano, at tunay na malasakit.

#2 Governor Patrick Alain T. Azanza

"Ang Kalagayan ng Kalusugan sa Catanduanes at ang Bagong Pagasa na dala ng Padagos na Patanos"Governor Doc Patrick Azanz...
29/04/2025

"Ang Kalagayan ng Kalusugan sa Catanduanes at ang Bagong Pagasa na dala ng Padagos na Patanos"
Governor Doc Patrick Azanza para sa gabos!

Sa dalawang dekada ramdaman ng mga taga-Catanduanes ang paglala ng kalagayan ng kanilang mga ospital. Ang Eastern Bicol Medical Center (EBMC), na dati’y tinitingala bilang maayos na hospital sa isla, ay napabayaan na dahil inuna ng mga politikong negosyante ang kanilang sariling pagyaman. Nawasak ang tiwala ng mga tao—dahil sa kakulangan ng pag asikaso, korapsyon at kapabayaan.

Dumadaing ang mga pasyente na kailangan pang tumawid ng dagat o bumiyahe ng malayo para lamang magpagamot. Walang sapat na gamot, sira ang ilang pasilidad, at kulang na kulang ang mga doktor at espesyalista. Ang mga district hospitals at barangay health centers ay tila mga gusaling nakatayo lang ngunit kulang sa gamot, gamit at serbisyo.

Si Aling Rosa na taga San Miguel, isang senior citizen na may diabetes, ay isa lamang sa libu-libong Catandunganon na umaasa sana sa libreng gamot at regular na check-up sa EBMC. Ngunit dahil sa kakulangan ng maintenance medicine, kinailangan niyang huminto sa gamutan—isang bagay na naging delikado sa kanyang kalusugan.
Si Mang Tonyo na taga Viga naman, isang construction worker, ay hindi na makapagpagamot ng high blood pressure dahil walang Health Card at hindi niya kayang bayaran ang hospital bills.

Habang tumatagal, tila napag-iiwanan ang isla sa larangan ng kalusugan. Ang mga medical mission ay bihira, ang blood bank ay wala, at ang mga doktor ay umaalis upang makahanap ng mas magandang oportunidad sa labas ng probinsya.

Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, may liwanag na unti-unting sumisilip. May bagong pagasa na dala si Governor Doc Patrick Azanza—pagasang ibabalik ang kaayusan ng EBMC, aayusin ang mga district hospital, at titiyaking walang Catandunganong mapapabayaan pagdating sa kalusugan.

Sa Catanduanes State University, nagpagawa si Gov Doc Patrick Azanza ng infirmary na nagagamit ng mga estudyante at mga empleyado, nag hire ng mga bagong doktor at nurses upang sakali may emergency, hindi na kailangan dalhin pa sa hospital ang estudyante sa campus pa lamang may medical attention na agad na maibibigay. Bumili ng bagong ambulansya na nagagamit tuwing may estudyanteng may emergency, mabilis nadadala sa infirmary o hospital. May medical clinic at medical mission na ini extend ang medikal na tulong ng CatSU hindi lang sa loob ng campus kundi pati narin ang mga malalyong lugar sa Catanduanes.

Ang mga infrastructure projects na nagawa niya ay patunay ng sinserong serbisyo sa tawo, dahil ang mga nakinabang niyan ay mga Catandunganon. Ano kaya kung sa buong isla naman magkaroon ng maayos sa kalusugan para sa lahat.

---------------------------------------------

Narito ang mga plataporma at plano ni Governor Doc Patrick Azanza para sa kalusugan ng Catanduanes batay sa larawan:

1. Pagbabalik ng Eastern Bicol Medical Center (EBMC) sa pamamahala ng DOH, at pagsasaayos ng mga district hospitals at barangay health centers.

2. Pagsasaayos ng procurement at distribution ng mga gamot at medical supplies sa lahat ng pampublikong pagamutan.

3. Pagkakaloob ng Health Card para sa libreng maintenance na gamot sa mga mahihirap at senior citizens na may chronic diseases tulad ng:
Hypertension
High cholesterol
Diabetes

4. Medical Benefit Card para sa zero balance billing ng mga mahihirap sa mga pampublikong ospital.

5. Pakikipag-ugnayan sa Red Cross para makapagtayo ng blood bank sa EBMC.

6. Pagdadala ng mobile healthcare clinic at laboratory services at regular na mga outreach medical missions sa malalayong lugar.

7. Pagtitibay ng mga programang naka-focus sa mental health, at kalusugan ng kababaihan at kabataan.

8. Paghikayat sa mga ahensya ng gobyerno at pribadong sektor na tutukan ang health and wellness ng kanilang mga empleyado.

9. Pag-eempleyo ng mas maraming medical specialists sa EBMC para sa mas malawak na pagtugon sa pangangailangang medikal.
Bigyan ng maayos na employment package ang mga doktor upang hikayatin silang manatili sa isla.

PADAGOS NA PATANOS!
#2 GOVERNOR PATRICK AZANZA

Address

Legislative Bldg., Capitol Compound
Virac
4800

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bagong Catanduanes Uya na posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category