04/09/2026
๐๐๐๐ ๐๐๐ญ๐๐ง๐๐ฎ๐๐ง๐๐ฌ, ๐๐๐ง๐ ๐ฎ๐ง๐ ๐ฎ๐ง๐ ๐ฌ๐ ๐๐จ๐ ๐
๐๐ข๐ซ
๐๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐๐ก๐๐ ๐ข ๐ง๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ง๐๐จ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ฎ๐ฅ๐จ
Pangungunahan ng Provincial Government of Catanduanes, sa pamumuno ni Governor Patrick Alain T. Azanza, ang ๐๐๐๐ ๐๐๐ง๐๐จ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ฎ๐ฅ๐จ ๐๐จ๐ ๐
๐๐ข๐ซ (๐๐๐๐๐: ๐๐๐๐๐โ๐ ๐๐๐๐ ๐ ๐ ๐ถ๐๐ก๐๐๐๐ข๐๐๐ข๐๐ฬ๐) na gaganapin sa Provincial Capitol Lobby, Provincial Capitol Building, Francia, Virac, Catanduanes, ngayong darating na Setyembre 14, 2026.
Ang naturang job fair ay isa sa mga magiging pangunahing tampok sa lalawigan ng sabay-sabay at malawakang pagdiriwang ng ๐๐๐๐ ๐๐๐ง๐๐จ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ฎ๐ฅ๐จ sa buong bansa.
Sa direktiba ni Gov. Azanza, inorganisa ang aktibidad ng ๐๐ฎ๐๐ฅ๐ข๐ ๐๐ฆ๐ฉ๐ฅ๐จ๐ฒ๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐๐๐ซ๐ฏ๐ข๐๐ ๐๐๐๐ข๐๐ (PESO) at ๐๐ซ๐จ๐ฏ๐ข๐ง๐๐ข๐๐ฅ ๐๐จ๐ฎ๐ญ๐ก ๐๐๐ฏ๐๐ฅ๐จ๐ฉ๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐๐๐๐ข๐๐ (PYDO), katuwang ang ๐๐๐ฉ๐๐ซ๐ญ๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐จ๐ ๐๐๐๐จ๐ซ ๐๐ง๐ ๐๐ฆ๐ฉ๐ฅ๐จ๐ฒ๐ฆ๐๐ง๐ญ (๐๐๐๐) ๐๐๐ญ๐๐ง๐๐ฎ๐๐ง๐๐ฌ ๐๐ซ๐จ๐ฏ๐ข๐ง๐๐ข๐๐ฅ ๐๐๐๐ข๐๐ at ๐๐๐ฉ๐๐ซ๐ญ๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐จ๐ ๐๐ข๐ ๐ซ๐๐ง๐ญ ๐๐จ๐ซ๐ค๐๐ซ๐ฌ (๐๐๐) ๐๐๐ ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐๐๐ข๐๐ ๐๐จ. ๐.
Ipo-post at ilalabas ang opisyal na talaan ng mga job vacancy matapos makalap at mapagsama-sama ang mga demand mula sa mga kalahok na lokal na kompanya, pati na rin sa mga lisensyadong agency na otorisado ng DMW para sa overseas employment opportunities.
Nag-aanyaya ang pamunuan ng pamahalaang panlalawigan sa lahat ng mga nagnanais makahanap ng trabahoโlalo na ang mga kabataang Catandunganonโna makilahok at magdala ng kanilang mga kinakailangang pre-employment document sa araw ng okasyon.
Bukod sa mga lokal at overseas job vacancies, magbibigay din ng mga pre-employment service ang Provincial Public Employment Service Office, at ang mga partner agency na kinabibilangan ng Pag-IBIG Fund, Philippine Statistics Authority (PSA), PhilHealth, Social Security System (SSS), at DICT upang mas mabilis na makumpleto ng mga aplikante ang kanilang mga kinakailangang dokumento.
Bilang bahagi ng paghahanda sa overseas employment, magsasagawa rin ang Department of Migrant Workers (DMW) ng Pre-Departure Orientation Services (PDOS) para sa mga nagbabalak magtrabaho sa ibang bansa. Kasama rin dito ang ang OWWA Catanduanes Field Office para magbigay rin ng impormasyon ukol sa OFW welfare and reintegration service.
Ang โHandog ng Pangulo: Serbisyong Sapat Para sa Lahatโ ay isang inisyatibo na unang inilunsad ng Tanggapan ng Pangulo noong 2024 upang ilapit ang mga pangunahing serbisyo, programa, at tulong ng pamahalaan sa mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng mas pinatibay na kooperasyon ng mga pambansang ahensya (NGAs) at mga lokal na pamahalaan (LGUs).
Noong 2025 Handog ng Pangulo nationwide event, pinangunahan ni Gov. Azanza dito sa Catanduanes, kasama si DSWD Usec. Diana Rose S. Cajipe, ang pamamahagi ng iba't ibang tulong, serbisyo, at programang pangkabuhayan ng pamahalaan.
Para sa taong 2026, idaraos ang Handog ng Pangulo 2026 Simultaneous Nationwide Culminating Event sa Setyembre 14, 2026.
Batay sa Memorandum Circular No. 2026-045 at Addendum No. 2026-049 na inilabas ng Department of the Interior and Local Government (DILG), inaatasan ang lahat ng mga pamahalaang panlalawigan at pambayang pamahalaan na pangunahan at suportahan ang pagsasagawa ng serbisyo sa kani-kanilang mga nasasakupan. #