Catanduanes Provincial Information Office

Catanduanes Provincial Information Office Official page of the Catanduanes Government's information arm managed by the Governor's Office Information Unit.

๐—œ๐—ก ๐—ฃ๐—›๐—ข๐—ง๐—ข๐—ฆ: Employees of the Provincial Government of Catanduanes gathered for the regular Flag Raising Ceremony and the ...
07/09/2026

๐—œ๐—ก ๐—ฃ๐—›๐—ข๐—ง๐—ข๐—ฆ: Employees of the Provincial Government of Catanduanes gathered for the regular Flag Raising Ceremony and the signing of the Commitment Wall as part of the observance of the 126th Philippine Civil Service Anniversary (PCSA).

Anchored on this yearโ€™s theme, โ€œBawat Kawani, Lingkod Bayani: Puso, Dangal, at Galing Para sa Bayan,โ€ government officials and employees affixed their signatures to the Commitment Wall, symbolizing their collective pledge to uphold integrity, accountability, and excellence in public service.

The activity forms part of the nationwide celebration recognizing the vital role and contributions of civil servants in nation-building and in delivering responsive services to the Filipino people.

The Provincial Government of Catanduanes, under the leadership of Governor Patrick Alain T. Azanza, joins the observance in honoring the dedication of its public servants and their continuing role in serving the people of Catanduanes.

๐•๐„๐’๐’๐„๐‹๐’ ๐Ž๐… ๐‡๐Ž๐๐„ | โ€œ๐๐€๐๐†๐Š๐€ ๐๐† ๐๐€๐†-๐€๐’๐€โ€ ๐Œ๐€๐‹๐€๐๐ˆ๐“ ๐๐€๐๐† ๐Œ๐€๐Š๐”๐Œ๐๐‹๐„๐“๐ŽMalapit nang makumpleto ang paggawa ng mga bangka o sibid-s...
07/09/2026

๐•๐„๐’๐’๐„๐‹๐’ ๐Ž๐… ๐‡๐Ž๐๐„ | โ€œ๐๐€๐๐†๐Š๐€ ๐๐† ๐๐€๐†-๐€๐’๐€โ€ ๐Œ๐€๐‹๐€๐๐ˆ๐“ ๐๐€๐๐† ๐Œ๐€๐Š๐”๐Œ๐๐‹๐„๐“๐Ž

Malapit nang makumpleto ang paggawa ng mga bangka o sibid-sibid na ipagkakaloob sa mga mangingisdang nasiraan ng kanilang mga gamit sa pangingisda dahil sa nagdaang super typhoon.

Bahagi ito ng pagsisikap na matulungan ang mga apektadong mangingisda na makabangon at muling makapaghanapbuhay sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng kagamitan na magagamit sa kanilang pangunahing kabuhayan.

Ang inisyatiba ay nakaangkla sa Kโ€“Kabuhayan, isa sa mga pangunahing haligi ng 5K Core Vision ni Governor Patrick Alain Azanza, na naglalayong lumikha at magpanatili ng mga oportunidad sa kabuhayan para sa mga pamilyang Catandunganon, kabilang ang mga magsasaka at mangingisda.

Personal na pondo ang ginamit para sa paggawa ng mga bangka at walang pondong mula sa pamahalaan ang ginamit para sa proyekto.

Sa pagkumpleto ng mga sibid-sibid, inaasahang mas maraming mangingisda ang muling makakabalik sa dagat at makapagsisimulang makabangon mula sa pinsalang iniwan ng bagyo.

  | ๐“๐ˆ๐„๐™๐€, ๐“๐ˆ๐๐€๐‹๐€๐Š๐€๐˜ ๐€๐๐† โ‚ฑ๐Ÿ“๐ŸŽ-๐Œ ๐“๐Ž๐”๐‘๐ˆ๐’๐Œ ๐๐‘๐Ž๐‰๐„๐‚๐“๐’ ๐’๐€ ๐‚๐€๐“๐€๐๐ƒ๐”๐€๐๐„๐’Nakipagpulong si Governor Patrick Alain T. Azanza kay Tour...
06/09/2026

| ๐“๐ˆ๐„๐™๐€, ๐“๐ˆ๐๐€๐‹๐€๐Š๐€๐˜ ๐€๐๐† โ‚ฑ๐Ÿ“๐ŸŽ-๐Œ ๐“๐Ž๐”๐‘๐ˆ๐’๐Œ ๐๐‘๐Ž๐‰๐„๐‚๐“๐’ ๐’๐€ ๐‚๐€๐“๐€๐๐ƒ๐”๐€๐๐„๐’

Nakipagpulong si Governor Patrick Alain T. Azanza kay Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) Chief Operating Officer Mark Lapid noong September 3 upang talakayin ang mga bagong tourism infrastructure projects na isinusulong para sa Catanduanes.

Kabilang sa mga inihain ng Provincial Government ang โ‚ฑ30-milyong Tourism Activity Center sa Pandan at โ‚ฑ20-milyong Floating Dock sa Caramoran, na kapwa isinusulong para sa posibleng pagpopondo ng TIEZA.

Isasailalim sa talakayan ng TIEZA Board ngayong September Board meeting ang mga kahilingan. Kapag naaprubahan, agad na isasagawa ang ocular inspection bilang paghahanda sa posibleng implementasyon sa huling quarter ng 2026, kung aabot sa itinakdang timeline.

Samantala, ipinahayag din ni Governor Azanza ang pasasalamat sa TIEZA para sa Tourism Rest Area (TRA) project na pinondohan ng ahensya at itinatayo sa tabi ng Provincial Tourism Office sa Catanduanes.

Inimbitahan din ni Governor Azanza si COO Lapid at ang kanyang official team na dumalo sa Catandungan Festival sa October 27, sakaling maisingit ito sa kanilang schedule.

Bukod sa mga nabanggit na proyekto, may inihain ding kahilingan para sa surfing site sa Baras, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng Provincial Government ng mga proyektong magpapalakas sa tourism infrastructure at magpapalawak sa mga destinasyong panturismo sa Catanduanes.

  | ๐‚๐€๐“๐€๐๐ƒ๐”๐€๐๐„๐’, ๐Š๐ˆ๐๐ˆ๐‹๐€๐‹๐€ ๐๐ˆ๐‹๐€๐๐† โ€œ๐Œ๐Ž๐’๐“ ๐ˆ๐Œ๐๐‘๐Ž๐•๐„๐ƒ ๐‹๐†๐”โ€ ๐’๐€ ๐๐”๐“๐‘๐ˆ๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐๐‘๐Ž๐†๐‘๐€๐ŒLEGAZPI CITY โ€” Kinilala ang Catanduanes bilang ...
05/09/2026

| ๐‚๐€๐“๐€๐๐ƒ๐”๐€๐๐„๐’, ๐Š๐ˆ๐๐ˆ๐‹๐€๐‹๐€ ๐๐ˆ๐‹๐€๐๐† โ€œ๐Œ๐Ž๐’๐“ ๐ˆ๐Œ๐๐‘๐Ž๐•๐„๐ƒ ๐‹๐†๐”โ€ ๐’๐€ ๐๐”๐“๐‘๐ˆ๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐๐‘๐Ž๐†๐‘๐€๐Œ

LEGAZPI CITY โ€” Kinilala ang Catanduanes bilang โ€œMost Improved LGU in the Implementation and Management of Nutrition Program,โ€ isang pagkilalang sumasalamin sa patuloy na pagpapalakas ng mga programa ng lalawigan para sa nutrisyon at kalusugan, partikular para sa mga bata.

Higit sa isang parangal, itinuturing itong pagkilala sa mga programang direktang nakatutulong sa mga batang napagsisilbihan at nabibigyan ng mas maayos na nutrisyon at pangangalagang pangkalusugan.

Samantala, malugod ding binabati si Provincial Nutrition Officer, Ms. Marites Curativo, na tinanghal na First Runner-Up, Regional Outstanding Nutrition Action Officer, at si Ms. Mary Joy T. Arcilla ng Palnab del Sur, na kinilala bilang Outstanding Barangay Nutrition Scholar (BNS) of Catanduanes.

Isasagawa ang awarding ceremonies sa September 24, 2026 sa Legazpi City, sa pangunguna ng DOHโ€“National Nutrition Council Bicol.

Ang mga pagkilalang ito ay patunay ng mahalagang ambag ng mga nutrition workers, barangay nutrition scholars, at mga katuwang ng pamahalaan sa patuloy na pagsusulong ng mas malusog na mga pamayanan sa Catanduanes.

๐…๐‘๐ˆ๐„๐๐ƒ๐’๐‡๐ˆ๐ ๐๐‘๐ˆ๐ƒ๐†๐„: โ€œ๐Œ๐Ž๐•๐ˆ๐๐† ๐’๐‹๐Ž๐–๐‹๐˜ ๐๐”๐“ ๐’๐”๐‘๐„๐‹๐˜โ€ โ€” ๐๐‹๐†๐” ๐‚๐€๐“๐€๐๐ƒ๐”๐€๐๐„๐’ ๐๐”๐’๐‡๐„๐’ ๐๐„๐– ๐๐€๐“๐‡ ๐“๐Ž๐–๐€๐‘๐ƒ ๐‘๐„๐€๐‹๐ˆ๐™๐€๐“๐ˆ๐Ž๐โ€œAno na daw ang nangy...
05/09/2026

๐…๐‘๐ˆ๐„๐๐ƒ๐’๐‡๐ˆ๐ ๐๐‘๐ˆ๐ƒ๐†๐„: โ€œ๐Œ๐Ž๐•๐ˆ๐๐† ๐’๐‹๐Ž๐–๐‹๐˜ ๐๐”๐“ ๐’๐”๐‘๐„๐‹๐˜โ€ โ€” ๐๐‹๐†๐” ๐‚๐€๐“๐€๐๐ƒ๐”๐€๐๐„๐’ ๐๐”๐’๐‡๐„๐’ ๐๐„๐– ๐๐€๐“๐‡ ๐“๐Ž๐–๐€๐‘๐ƒ ๐‘๐„๐€๐‹๐ˆ๐™๐€๐“๐ˆ๐Ž๐

โ€œAno na daw ang nangyari sa Friendship Bridge?โ€

Ito ang tanong na patuloy na sinasagot ng Pamahalaang Panlalawigan ng Catanduanes habang nagsisikap ito na isulong ang isa sa pinakaambisyosong pangmatagalang pangarap sa imprastraktura ng lalawigan.

Sa halip na hayaang manatili na lamang bilang isang pangarap ang proyekto, tinutuklas ng PLGU ang isang bagong landas pasulongโ€”tinatahak ang mga kinakailangang proseso, pakikipagtulungan, at mga paunang paghahanda upang maisakatuparan ang matagal nang pinapangarap na koneksyon.

Para kay Governor Patrick Alain T. Azanza, hindi isang proyektong maaaring maisakatuparan sa isang iglap ang Friendship Bridge. Mahaba ang proseso, maraming kailangang pag-aralan at aprubahan, at higit sa lahat, kinakailangan ang matibay na financial foundation.

Ngunit isang bagay ang malinaw: ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ข๐ญ๐จ ๐๐š๐ฉ๐š๐ญ ๐ญ๐ข๐ ๐ข๐ฅ๐š๐ง.

โ€œ๐Œ๐š๐ก๐š๐›๐š๐ง๐  ๐ฉ๐ซ๐จ๐ฌ๐ž๐ฌ๐จ ๐ข๐ญ๐จ ๐š๐ญ ๐ข๐ฌ๐š๐ง๐  ๐ฅ๐จ๐ง๐ -๐ญ๐ž๐ซ๐ฆ ๐ฉ๐ซ๐จ๐ฃ๐ž๐œ๐ญ, ๐ฉ๐ž๐ซ๐จ ๐ค๐š๐ข๐ฅ๐š๐ง๐ ๐š๐ง ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ญ๐ข๐ง๐ข๐ญ๐ข๐ ๐ข๐ฅ๐š๐ง ๐š๐ญ ๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ-๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐…๐ž๐š๐ฌ๐ข๐›๐ข๐ฅ๐ข๐ญ๐ฒ ๐’๐ญ๐ฎ๐๐ฒ, ๐๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐๐š๐ -๐š๐ฌ๐š.โ€

Isa sa pinakamahalagang pinakabagong hakbang ng Gobernador ang kanyang follow-up sa Department of Public Works and Highways (DPWH) kaugnay ng bidding para sa Revised Feasibility Study ng Friendship Bridge.

Mahalaga ang bagong pag-aaral dahil hindi pumasa sa kinakailangang economic viability threshold ang unang feasibility study. Batay sa naunang pag-aaral, umabot lamang sa -7.8% ang Economic Internal Rate of Return (EIRR), malayo sa 10% o higit pang threshold na kinakailangan para sa investment evaluation.

Dahil dito, kinailangan ang isang panibagong feasibility study.

At dito pumapasok ang isang mahalagang development.

Ayon sa liham ni DPWH Secretary Vince Dizon kay Governor Azanza, may inilaan na โ‚ฑ86.8 milyon para sa bagong feasibility study sa ilalim ng National Expenditure Program (NEP).

Mahalagang linawin, ayon sa Gobernador, na ang NEP ay nagmumula sa Executive Branch, at hindi isang proposal na nagmula sa Kongreso.

At ang magandang balita: ๐ง๐š๐ข๐ฌ๐š๐ฆ๐š ๐ง๐š ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐จ๐ง๐๐จ ๐ฌ๐š ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” ๐†๐ž๐ง๐ž๐ซ๐š๐ฅ ๐€๐ฉ๐ฉ๐ซ๐จ๐ฉ๐ซ๐ข๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ ๐€๐œ๐ญ (๐†๐€๐€).

Ngunit para sa Gobernador, hindi sapat na magkaroon lamang ng pondo para sa feasibility study. Ang mas mahalagang tanong ay: ๐๐š๐š๐ง๐จ ๐ง๐š๐ญ๐ข๐ง ๐ฆ๐š๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข๐ ๐ฎ๐ซ๐จ ๐ง๐š ๐ข๐›๐š ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ ๐ข๐ ๐ข๐ง๐  ๐ซ๐ž๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐ญ๐š ๐ง๐  ๐›๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ -๐š๐š๐ซ๐š๐ฅ?

๐Ÿ‘๐‚ ๐“๐ซ๐ข๐š๐ง๐ ๐ฅ๐ž ๐ƒ๐ž๐ฏ๐ž๐ฅ๐จ๐ฉ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ: ๐๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐Š๐จ๐ง๐ฌ๐ž๐ฉ๐ญ๐จ, ๐๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐€๐ฉ๐ฉ๐ซ๐จ๐š๐œ๐ก
Dito niya itinulak ang konsepto ng 3C Triangle Development Modelโ€”isang development strategy na nag-uugnay sa Catanduanes, Camarines Sur at Camarines Norte.

Agad na nakipagpulong si Governor Azanza kina Camarines Sur Governor LRay Villafuerte at Camarines Norte Governor D**g Padilla upang iharap at pag-usapan ang konsepto.

Para sa Gobernador, mahalaga ang kanilang suporta dahil ang economic benefits ng Friendship Bridge ay kailangang tingnan hindi lamang mula sa perspektiba ng Catanduanes, kundi bilang bahagi ng mas malawak na regional connectivity at economic development.

Kung pareho lamang ang approach sa unang pag-aaral, ani Azanza, mahirap asahang magiging iba ang resulta.

โ€œ๐Š๐ฎ๐ง๐  ๐ฐ๐š๐ฅ๐š๐ง๐  ๐›๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐ค๐จ๐ง๐ฌ๐ž๐ฉ๐ญ๐จ, ๐ก๐จ๐ฐ ๐œ๐š๐ง ๐ฐ๐ž ๐ž๐ฑ๐ฉ๐ž๐œ๐ญ ๐š ๐๐ข๐Ÿ๐Ÿ๐ž๐ซ๐ž๐ง๐ญ ๐ซ๐ž๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐ญ?โ€

Kaya naman malaking bagay ang agarang pagtanggap at suporta nina Governors Villafuerte at Padilla sa 3C concept.

Dahil dito, naitaas ang konsepto sa Bicol Regional Development Council (RDC), sa ilalim ng pamumuno ni Albay Governor Noel Rosal, kung saan naisama ang Friendship Bridge bilang isa sa mga priority projects.

๐ˆ๐ง๐ฌ๐ฉ๐ข๐ซ๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š ๐ฌ๐š ๐’๐จ๐ซ๐ฌ๐จ๐ ๐จ๐งโ€“๐๐จ๐ซ๐ญ๐ก๐ž๐ซ๐ง ๐’๐š๐ฆ๐š๐ซ ๐๐ซ๐ข๐๐ ๐ž
Isa rin sa mga tinitingnang modelo ng kasalukuyang administrasyon ang Sorsogonโ€“Northern Samar Bridge, na nagkaroon ng mataas na EIRR na naiulat na umabot sa 42% sa isinagawang pag-aaral ng TY Lin, isang engineering firm based in San Francisco, USA.

Para kay Governor Azanza, mahalagang pag-aralan kung ano ang mga salik at development assumptions na nagbigay-daan sa positibong resulta ng nasabing proyekto.

Hindi lamang ito tungkol sa pangarap.
๐‘๐ž๐ฌ๐ž๐š๐ซ๐œ๐ก. ๐€๐ง๐š๐ฅ๐ฒ๐ฌ๐ข๐ฌ. ๐…๐จ๐ฅ๐ฅ๐จ๐ฐ-๐ญ๐ก๐ซ๐จ๐ฎ๐ ๐ก.
Ito ang approach na nais niyang gamitin upang palakasin ang kaso ng Friendship Bridge.

๐‡๐ข๐ง๐๐ข ๐๐š๐ญ๐š๐ญ๐š๐ฉ๐จ๐ฌ ๐ฌ๐š ๐…๐ž๐š๐ฌ๐ข๐›๐ข๐ฅ๐ข๐ญ๐ฒ ๐’๐ญ๐ฎ๐๐ฒ ๐š๐ง๐  ๐‹๐š๐›๐š๐ง
Ngunit kahit makapasa ang Friendship Bridge sa EIRR, may isa pang malaking hamon: ๐ฉ๐จ๐ง๐๐จ ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ข๐ฌ๐ฆ๐จ๐ง๐  ๐ค๐จ๐ง๐ฌ๐ญ๐ซ๐ฎ๐ค๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง.

At ito, ayon kay Governor Azanza, ang isa sa pinakamahalagang bahagi ng kanyang kasalukuyang ginagawa.

Hindi sapat na sabihin lamang na kailangan ng Friendship Bridge at hilingin sa National Government o Kongreso na ilagay ang multi-billion-peso project sa national budget.

Kailangang tumulong ang Provincial Government na maghanap ng posibleng funding sources.

Maaaring manggaling ang financing sa Official Development Assistance (ODA), international development banks, Public-Private Partnership (PPP), Build-Operate-Transfer arrangements, o iba pang financing mechanisms sa ilalim ng RA 11966 o PPP Code.

โ€œ๐’๐€๐ˆ๐ ๐Œ๐€๐Š๐ˆ๐“๐Š๐ˆ๐“ ๐๐ˆ๐ ๐๐Ž๐๐ƒ๐Ž ๐“๐€ ๐‹๐ˆ๐Œ๐ˆ๐“๐€๐ƒ๐Ž ๐Œ๐€๐ ๐€๐ ๐Š๐€๐ ๐†๐Ž๐๐˜๐„๐‘๐๐Ž?โ€ โ€” ito ang praktikal na tanong.

At ang sagot ng Gobernador: ๐“๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ ๐ก๐š๐ง๐š๐ฉ ๐ง๐  ๐ฉ๐จ๐ง๐๐จ.

๐Š๐จ๐ซ๐ž๐š๐ง ๐„๐ฑ๐ข๐ฆ๐›๐š๐ง๐ค: ๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐๐ข๐ง๐ญ๐ฎ๐š๐ง
Sa pinakahuling development, nakipagpulong ang Provincial Government sa mga kinatawan ng Korean Eximbank upang talakayin ang posibilidad ng financing support para sa Friendship Bridge.

Timing ang paglapit dahil kasalukuyang naghahanda ang Korean funding agency ng mga proyektong maaaring pondohan para sa 2027.

At ang unang magandang senyales?
Pumayag silang makipag-usap at pag-aralan ang proyekto.
Para kay Governor Azanza, mahalaga na mayroong mga institusyong handang makinig at suriin ang proposal.

Hindi ito garantiya ng pondoโ€”ngunit isa itong mahalagang hakbang patungo sa posibleng funding opportunity.

Bakit Korean Bridge Technology?

May partikular na dahilan kung bakit Korean technology at financing institutions ang isa sa mga ine-explore ng Provincial Government.

Ang Korea ay may karanasan sa malalaking infrastructure projects, kabilang ang mga bridge projects na gumagamit ng development approach na may pagkakahawig sa 3C Triangle Model.

Isa rito ang Panayโ€“Guimarasโ€“Negros (PGN) Island Bridges, isang proyekto na personal ding nakita at pinag-aralan ng Gobernador.

Kaya para kay Governor Azanza, hindi basta ideyang โ€œtaking lang sa hanginโ€ ang 3C concept.

May mga umiiral na proyekto sa Pilipinas na maaaring magsilbing reference at pag-aralan bilang bahagi ng pagbuo ng mas matibay na proposal para sa Friendship Bridge.

๐Œ๐ฎ๐ฅ๐š ๐ฌ๐š ๐€๐ƒ๐ ๐„๐ฑ๐ฉ๐ž๐ซ๐ข๐ž๐ง๐œ๐ž ๐๐š๐ญ๐ฎ๐ง๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐‚๐š๐ญ๐š๐ง๐๐ฎ๐š๐ง๐ž๐ฌ
May isa pang dahilan kung bakit hands-on ang Gobernador sa usapin ng economic viability at project financing.

Bago pa man siya naging gobernador, nagsilbi siyang international consultant ng Asian Development Bank (ADB).

Bahagi ng kanyang dating trabaho ang pag-compute ng EIRR, pagsusuri ng project proposals para sa financing, at pagtulong sa iba't ibang bahagi ng project implementation.

Na-assign din siya noon sa isang ADB project sa Central Asia.

Ngayon, nais niyang gamitin ang kaalaman at karanasang iyon para sa sariling probinsya.

Hindi lamang upang makapaglatag ng proyekto, kundi upang *matutunan kung paano ito maisusulong hanggang sa posibleng financing at implementation.

โ€œ๐‡๐š๐ซ๐ ๐–๐จ๐ซ๐คโ€ โ€” ๐‡๐ข๐ง๐๐ข โ€œ๐๐š-๐ฉ๐ข๐œ๐ญ๐ฎ๐ซ๐žโ€
Sa gitna ng mga tanong at pagdududa, simple ang mensahe ng Gobernador:

Ang Friendship Bridge ay nangangailangan ng hard work, research, tiyaga, koordinasyon at pakikipag-usap sa mga tamang institusyon.

Hindi ito proyekto na makukuha sa isang press conference o isang photo opportunity.

Kailangan itong ipaglaban sa feasibility studies, economic evaluation, regional development planning, government approvals atโ€”pinakamahalagaโ€”funding discussions.

At dito, nais ng Gobernador na maging malinaw:

๐‡๐ข๐ง๐๐ข ๐ฉ๐š ๐ญ๐š๐ฉ๐จ๐ฌ ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐ซ๐จ๐ฌ๐ž๐ฌ๐จ. ๐๐ž๐ซ๐จ ๐ ๐ฎ๐ฆ๐š๐ ๐š๐ฅ๐š๐ฐ ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐ซ๐จ๐ฌ๐ž๐ฌ๐จ.

๐‚๐ซ๐ž๐๐ข๐ญ ๐–๐ก๐ž๐ซ๐ž ๐‚๐ซ๐ž๐๐ข๐ญ ๐ˆ๐ฌ ๐ƒ๐ฎ๐ž
Sa lahat ng hakbang na ito, hindi rin inaangkin ng kasalukuyang administrasyon ang orihinal na ideya ng Friendship Bridge.

Paulit-ulit na binibigyang-kredito ni Governor Azanza ang dating gobernador na si former Governor Manay Cely Wong, na siyang nagpasimula ng konsepto ng proyekto.

Ang kontribusyon ng kasalukuyang administrasyon, ayon sa Gobernador, ay ang pagpapatuloy at paghanap ng mga bagong paraan upang maisulong itoโ€”kabilang ang 3C Triangle Development Model, pakikipag-ugnayan sa RDC, DepDev at DPWH, pagsusulong hanggang sa investment evaluation process, at paghahanap ng posibleng funding partners.

๐Œ๐จ๐ฏ๐ข๐ง๐  ๐’๐ฅ๐จ๐ฐ๐ฅ๐ฒ, ๐๐ฎ๐ญ ๐’๐ฎ๐ซ๐ž๐ฅ๐ฒ
Sa ngayon, wala pang tulay na makikita sa dagat.

Wala pang groundbreaking.

Wala pang bilyong pisong construction contract.

Ngunit mayroon nang bagong feasibility study na may pondong โ‚ฑ86.8 milyon, isang bagong development framework, suporta mula sa dalawang kalapit na gobernador, regional prioritization, at mga bagong pag-uusap sa posibleng international funding partner.

At marahil, ito ang pinakamahalagang sagot sa tanong na:

โ€œAno na daw ang nangyari sa Friendship Bridge?โ€

๐Œ๐จ๐ฏ๐ข๐ง๐  ๐ฌ๐ฅ๐จ๐ฐ๐ฅ๐ฒโ€”๐›๐ฎ๐ญ ๐ฌ๐ฎ๐ซ๐ž๐ฅ๐ฒ.

Hindi man mabilis, ngunit tuloy-tuloy.

โ€œ๐‘ƒ๐‘–๐‘”๐‘Ž-๐‘Ž๐‘˜๐‘ ๐‘ฆ๐‘ข๐‘›๐‘Ž๐‘› ๐‘˜๐‘œ ๐‘–๐‘›๐‘– ๐‘ก๐‘Ž ๐‘˜๐‘ข๐‘›๐‘” ๐‘ก๐‘ข๐‘˜๐‘Ž๐‘ค๐‘Ž๐‘› ๐‘˜๐‘œ, ๐‘™๐‘Ž๐‘™๐‘œ๐‘›๐‘” ๐‘‘๐‘Ž๐‘’ ๐‘š๐‘Ž๐‘ข๐‘ ๐‘ค๐‘Ž๐‘” ๐‘ก๐‘Ž ๐‘‘๐‘Ž๐‘’ ๐‘š๐‘Ž๐‘› ๐‘Ž๐‘˜๐‘œ ๐‘›๐‘Žโ„Ž๐‘–๐‘™๐‘–๐‘›๐‘” ๐‘›๐‘Ž ๐‘ก๐‘Ž๐‘™๐‘Ž๐‘”๐‘Ž๐‘›๐‘” ๐‘”๐‘Ž๐‘ก๐‘Ÿ๐‘Ž๐‘๐‘Žโ„Ž๐‘œ ๐‘๐‘Ž๐‘Ÿ๐‘Ž ๐‘‘๐‘–๐‘”๐‘‘๐‘– ๐‘›๐‘–๐‘› ๐‘ก๐‘œ๐‘ก๐‘œโ„Ž๐‘Ž๐‘›๐‘Ž๐‘›.โ€

At para sa isang proyektong nangangailangan ng bilyun-bilyong piso, matinding technical evaluation at international financing, maaaring ang pinakamahalagang bagay ngayon ay hindi ang bilis ng pagtakbo โ€” ๐ค๐ฎ๐ง๐๐ข ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐ง๐š ๐ฉ๐š๐ -๐ฎ๐ฌ๐š๐ ๐ฌ๐š ๐ญ๐š๐ฆ๐š๐ง๐  ๐๐ข๐ซ๐ž๐ค๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง.


  | ๐‚๐€๐“๐€๐๐ƒ๐”๐€๐๐„๐’, ๐Š๐ˆ๐๐ˆ๐‹๐€๐‹๐€ ๐’๐€ ๐Ÿ“๐ŸŽ๐“๐‡ ๐†๐€๐–๐€๐ƒ ๐’๐€๐Š๐€ ๐€๐–๐€๐‘๐ƒ๐’PILI, CAMARINES SUR โ€” Pinarangalan ang Catanduanes sa 50th Gawad Saka...
04/09/2026

| ๐‚๐€๐“๐€๐๐ƒ๐”๐€๐๐„๐’, ๐Š๐ˆ๐๐ˆ๐‹๐€๐‹๐€ ๐’๐€ ๐Ÿ“๐ŸŽ๐“๐‡ ๐†๐€๐–๐€๐ƒ ๐’๐€๐Š๐€ ๐€๐–๐€๐‘๐ƒ๐’

PILI, CAMARINES SUR โ€” Pinarangalan ang Catanduanes sa 50th Gawad Saka Awards ng Department of Agriculture (DA), matapos kilalanin ang Provincial Local Government Unit (PLGU) bilang Regional Best Implementer sa kategoryang Outstanding Kadiwa ng Pangulo (KNP) Provincial Program Implementerโ€“Local Government Unit.

Iginawad ang parangal noong Agosto 27, 2026 sa Regional Rice Training and Convention Hall ng DA Regional Field Office V sa Pili, Camarines Sur.

Bukod sa pagkilala bilang regional best implementer, napabilang din ang PLGU Catanduanes bilang National Finalist sa parehong Kadiwa ng Pangulo category.

Ipinakita ng pagkilalang ito ang mahusay na pagpapatupad ng lalawigan sa Kadiwa ng Pangulo, isang programa na naglalayong ilapit sa mga mamimili ang mga produktong agrikultural, palakasin ang merkado para sa mga lokal na magsasaka at producer, at makatulong sa pagpapanatili ng abot-kayang presyo ng mga produktong pagkain.

Sa pamamagitan ng Kadiwa ng Pangulo, nabibigyan ng mas direktang pagkakataon ang mga magsasaka, kooperatiba at lokal na producer na maipagbili ang kanilang mga produkto sa mga mamimili, habang nakatutulong naman ito sa pagpapalawak ng access ng publiko sa sariwa at abot-kayang pagkain.

Ang patuloy na pagpapatupad ng programa sa Catanduanes ay bahagi ng mga hakbang na umaayon sa layunin ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin ang lokal na produksyon, suportahan ang sektor ng agrikultura, at gawing mas accessible at abot-kaya ang mga produktong pagkain para sa mga mamimili.

Ang pagkilala sa Catanduanes bilang Regional Best Implementer at pagkakapili nito bilang National Finalist ay nagpapakita ng patuloy na pagsisikap ng lalawigan na palakasin ang sektor ng agrikultura at lumikha ng mas maraming oportunidad para sa mga lokal na magsasaka at producer.

๐๐„๐Ž๐๐‹๐„โ€™๐’ ๐ƒ๐€๐˜ ๐‡๐„๐€๐‹๐“๐‡ ๐‚๐€๐‘๐€๐•๐€๐, ๐๐€๐†๐‡๐€๐“๐ˆ๐ƒ ๐๐† ๐‹๐ˆ๐๐‘๐„๐๐† ๐’๐„๐‘๐๐ˆ๐’๐˜๐Ž๐๐† ๐๐€๐๐†๐Š๐€๐‹๐”๐’๐”๐†๐€๐ ๐’๐€ ๐‹๐ˆ๐‚๐“๐ˆ๐, ๐’๐€๐ ๐€๐๐ƒ๐‘๐„๐’LICTIN, SAN ANDRES, CATAN...
04/09/2026

๐๐„๐Ž๐๐‹๐„โ€™๐’ ๐ƒ๐€๐˜ ๐‡๐„๐€๐‹๐“๐‡ ๐‚๐€๐‘๐€๐•๐€๐, ๐๐€๐†๐‡๐€๐“๐ˆ๐ƒ ๐๐† ๐‹๐ˆ๐๐‘๐„๐๐† ๐’๐„๐‘๐๐ˆ๐’๐˜๐Ž๐๐† ๐๐€๐๐†๐Š๐€๐‹๐”๐’๐”๐†๐€๐ ๐’๐€ ๐‹๐ˆ๐‚๐“๐ˆ๐, ๐’๐€๐ ๐€๐๐ƒ๐‘๐„๐’

LICTIN, SAN ANDRES, CATANDUANES โ€” Umabot sa 172 residente ang nakinabang sa libreng serbisyong medikal sa isinagawang Peopleโ€™s Day Health Caravan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Catanduanes sa Barangay Lictin, San Andres ngayong Setyembre 4, 2026.

Nagbigay rin ang caravan ng libreng serbisyong dental sa 25 residente, chest X-ray sa lima, Mental Health and Psychosocial Support Services (MHPSS) sa apat, at DigiHealth assistance sa 18 benepisyaryo.

Samantala, 185 residente ang nakinabang sa PhilHealth YAKAP services, habang 25 residente naman ang natulungan ng Philippine Statistics Authority (PSA) para sa National ID registration at iba pang kaugnay na serbisyo.

Pinangunahan ng Provincial Health Office (PHO) sa ilalim ng pamumuno ni Dr. Hazel Palmes ang mga serbisyong pangkalusugan na inilapit sa mga residente ng barangay.

Sa dental services, tatlong residente ang sumailalim sa consultation, isa sa fluoridization, at 21 naman ang sumailalim sa tooth extraction.

Naglaan din ng libreng gamot para sa mga pasyenteng na-check-up at nabigyan ng reseta. Umabot sa 172 benepisyaryo ang nakatanggap ng gamot.

Kasabay ng PHO sa aktibidad ang PSA, na nagsagawa ng National ID registration at nagbigay ng PhilSys National ID sa paper format, upang mailapit din sa komunidad ang mahalagang serbisyo ng ahensya.

Bahagi ang Peopleโ€™s Day Health Caravan ng patuloy na paghahatid ng Pamahalaang Panlalawigan ng mga pangunahing serbisyong pangkalusugan at iba pang serbisyo ng pamahalaan nang mas malapit sa mga Catandunganon.

๐—œ๐—ก ๐—ฃ๐—›๐—ข๐—ง๐—ข๐—ฆ: The Provincial Government of Catanduanes joined the kick-off celebration of the 126th Philippine Civil Servic...
03/09/2026

๐—œ๐—ก ๐—ฃ๐—›๐—ข๐—ง๐—ข๐—ฆ: The Provincial Government of Catanduanes joined the kick-off celebration of the 126th Philippine Civil Service Anniversary on September 2, 2026, held in Pandan, Catanduanes, marking a milestone as the celebration was hosted in the municipality for the first time.

The celebration commenced with a Holy Mass at the Parish of St. Ignatius of Loyola, followed by the Parada ng mga Lingkod Bayani and an opening program attended by public servants from various government agencies.

Representing Governor Patrick Alain T. Azanza, Acting Provincial Board Member Joy Tamayo reminded fellow public servants to remain guided by the principles of public service and to faithfully uphold the mandates and responsibilities entrusted to them.

Anchored on the theme, โ€œBawat Kawani, Lingkod Bayani: Puso, Dangal, at Galing Para sa Bayan,โ€ the activity formally marked the start of this yearโ€™s celebration honoring the dedication and invaluable service of every government employee.



Part 2 of 2

๐—œ๐—ก ๐—ฃ๐—›๐—ข๐—ง๐—ข๐—ฆ: The Provincial Government of Catanduanes joined the kick-off celebration of the 126th Philippine Civil Servic...
03/09/2026

๐—œ๐—ก ๐—ฃ๐—›๐—ข๐—ง๐—ข๐—ฆ: The Provincial Government of Catanduanes joined the kick-off celebration of the 126th Philippine Civil Service Anniversary on September 2, 2026, held in Pandan, Catanduanes, marking a milestone as the celebration was hosted in the municipality for the first time.

The celebration commenced with a Holy Mass at the Parish of St. Ignatius of Loyola, followed by the Parada ng mga Lingkod Bayani and an opening program attended by public servants from various government agencies.

Representing Governor Patrick Alain T. Azanza, Acting Provincial Board Member Joy Tamayo reminded fellow public servants to remain guided by the principles of public service and to faithfully uphold the mandates and responsibilities entrusted to them.

Anchored on the theme, โ€œBawat Kawani, Lingkod Bayani: Puso, Dangal, at Galing Para sa Bayan,โ€ the activity formally marked the start of this yearโ€™s celebration honoring the dedication and invaluable service of every government employee.



Part 1 of 2

๐—–๐—”๐—Ÿ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š ๐—”๐—Ÿ๐—Ÿ ๐—ค๐—จ๐—œ๐—ญ ๐—•๐—˜๐—˜ ๐—˜๐—ก๐—ง๐—›๐—จ๐—ฆ๐—œ๐—”๐—ฆ๐—ง๐—ฆ ๐—ข๐—™ ๐—ง๐—›๐—˜ ๐—–๐—”๐—ง๐—”๐—ก๐——๐—จ๐—”๐—ก๐—˜๐—ฆ ๐—š๐—ข๐—ฉ๐—˜๐—ฅ๐—ก๐— ๐—˜๐—ก๐—ง ๐—–๐—ข๐— ๐— ๐—จ๐—ก๐—œ๐—ง๐—ฌ!Are you ready to test your knowledge, bring pri...
03/09/2026

๐—–๐—”๐—Ÿ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š ๐—”๐—Ÿ๐—Ÿ ๐—ค๐—จ๐—œ๐—ญ ๐—•๐—˜๐—˜ ๐—˜๐—ก๐—ง๐—›๐—จ๐—ฆ๐—œ๐—”๐—ฆ๐—ง๐—ฆ ๐—ข๐—™ ๐—ง๐—›๐—˜ ๐—–๐—”๐—ง๐—”๐—ก๐——๐—จ๐—”๐—ก๐—˜๐—ฆ ๐—š๐—ข๐—ฉ๐—˜๐—ฅ๐—ก๐— ๐—˜๐—ก๐—ง ๐—–๐—ข๐— ๐— ๐—จ๐—ก๐—œ๐—ง๐—ฌ!

Are you ready to test your knowledge, bring pride to your agency, and rise to the challenge?

In celebration of the 126th Philippine Civil Service Anniversary, the Provincial Government of Catanduanes invites government agencies and their employees to put their knowledge, critical thinking, and teamwork to the test in the FIRST-EVER INTER-AGENCY QUIZ BEE!

Anchored on this yearโ€™s PCSA theme, โ€œBawat Kawani, Lingkod Bayani: Puso, Dangal, at Galing Para sa Bayan,โ€ the activity brings together public servants in a friendly competition that celebrates not only knowledge and excellence, but also camaraderie, teamwork, and the shared commitment to public service.

Gather your brightest minds and represent your agency in this ultimate clash of wits!

๐Ÿ—“๏ธ PRELIMINARY ROUNDS
๐Ÿ“ September 7, 2026 | 1:00 PM - JO/COS Employees
๐Ÿ“ September 14, 2026 | 1:00 PM - Permanent Non-HRM Employees
๐Ÿ“ September 21, 2026 | 1:00 PM - Permanent HRM Employees

๐Ÿ† FINAL ROUND
๐Ÿ“… September 30, 2026 | 9:00 AM

๐Ÿ“ Venue: Capitol Dome

Three overall winners will receive cash prizes and certificates, while finalists will also receive certificates of recognition.

๐Ÿ“– Quiz Bee Mechanics: https://tinyurl.com/PCSAQuizBeeMechanicsUpdated

๐Ÿ“ Register your team here: https://tinyurl.com/2026PCSAQuizBee

Who will rise above the challenge, bring honor to their agency, and emerge as the first-ever Inter-Agency Quiz Bee Champions?

Form your team and let the battle of minds begin!

Address

Capitol Building, Capitol Compound, Brgy. Francia
Virac
4800

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Catanduanes Provincial Information Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share