Sangguniang Bayan of Virac

Sangguniang Bayan of Virac ๐—ง๐—ต๐—ถ๐˜€ ๐—ถ๐˜€ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—ผ๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ๐—น ๐—™๐—ฎ๐—ฐ๐—ฒ๐—ฏ๐—ผ๐—ผ๐—ธ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฒ ๐—ผ๐—ณ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐˜‚๐—ป๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐—ผ๐—ณ ๐—ฉ๐—ถ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฐ, the legislative body of the LGU Viracโ€” managed by the Office of the Vice Mayor.

๐—ง๐—ต๐—ถ๐˜€ ๐—ถ๐˜€ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—ผ๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ๐—น ๐—™๐—ฎ๐—ฐ๐—ฒ๐—ฏ๐—ผ๐—ผ๐—ธ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฒ ๐—ผ๐—ณ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐˜‚๐—ป๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐—ผ๐—ณ ๐—ฉ๐—ถ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฐ, the legislative body of the LGU Virac. Managed by the Office of the Vice Mayor, this page serves as a channel for transparent governance, timely legislative updates, and active public engagement -- all in service of every Viracnon.

COMMITTEE MEETING | August 5, 2026Idinaos ng Sangguniang Bayan ng Virac ang Committee Meeting noong Agosto 5, 2026, sa S...
06/08/2026

COMMITTEE MEETING | August 5, 2026

Idinaos ng Sangguniang Bayan ng Virac ang Committee Meeting noong Agosto 5, 2026, sa SB Session Hall, kung saan masusing tinalakay ng iba't ibang komite ang kani-kanilang mga panukala at mga usaping nakapaloob sa kanilang hurisdiksyon.

Sa pagpupulong ng Committee on Education and Culture, tinalakay ang hiling ng Department of Education โ€“ Catanduanes kaugnay ng implementasyon ng Project 6Bs (Bawat Batang Bikolano Bihasang Bumasa at Bumilang). Pinag-usapan ang mga kinakailangang suporta upang matiyak ang maayos na pagpapatupad ng programa. Bilang resulta ng deliberasyon, napagkasunduang ang Local School Board ang maghahain ng kaukulang resolusyon sa Sangguniang Bayan para sa kaukulang pag-apruba.

Samantala, sa Committee on Peace and Order and Public Safety, tinalakay ang isyung inihain ni Konsehal Lyle Benson R. Cabrera hinggil sa mga insidente ng kaguluhan na may kaugnayan sa operasyon ng mga night bar at iba pang entertainment establishments.

Sa pakikipagpulong sa mga kinauukulang ahensya, bar owners, at mga opisyal na dumalo, napagkasunduan ang ilang hakbang upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng publiko. Kabilang dito ang pagdaragdag ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP), paglalagay ng mga CCTV camera sa mga estratehikong lokasyon, mandatoryong pagtalaga ng mga security personnel sa mga naturang establisimyento, at iba pang kaukulang hakbang.

Bukod sa mga nabanggit, nagsagawa rin ng kani-kanilang pagpupulong ang Committee on Barangay Affairs, Committee on Games and Amusement, at Committee on Tourism, Sisterhood and Town Twinning upang talakayin ang iba pang mga panukala at usaping may kaugnayan sa kanilang mga komite.

31ST REGULAR SESSIONSa isinagawang Ika-31 Regular na Sesyon ng Sangguniang Bayan kahapon, Agosto 4, 2026,  inihain ni Ko...
05/08/2026

31ST REGULAR SESSION

Sa isinagawang Ika-31 Regular na Sesyon ng Sangguniang Bayan kahapon, Agosto 4, 2026, inihain ni Konsehal Alexander S. Abundo, sa kaniyang privilege speech, ang panukalang ordinansa na naglalayong magkaloob ng exemption sa mga lokal na buwis at iba pang kaukulang singilin para sa mga Barangay Micro Business Enterprises (BMBEs), alinsunod sa Republic Act No. 9178 o Barangay Micro Business Enterprises (BMBEs) Act of 2002. Ang panukala ay iniendorso sa unang pagbasa.

Sa ilalim naman ng Urgent Business, inaprubahan ng konseho ang badyet para sa implementasyon ng ikatlong tranche ng updated salary schedule para sa mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Virac. Inaprubahan din ang pag-interpose ng No Objection para sa Virac Town Center Development Projects, isang hakbang na inaasahang magpapalakas sa lokal na ekonomiya at higit pang magpapasigla sa investment promotion ng bayan.

Bukod dito, inihain ni Konsehal Anthony A. Arcilla ang dalawang panukalang ordinansa. Ang una ay naglalayong magtatag ng Death Aid Program na magbibigay ng pinansiyal na tulong sa mga indigent at near-indigent na naulilang pamilya upang makatulong sa gastusin sa pagpapalibing. Ang ikalawang panukala naman ay naglalayong magkaloob ng death aid assistance sa mga elected at appointed na opisyal ng Lokal na Pamahalaan ng Virac sakaling sila ay pumanaw habang nanunungkulan. Ang parehong panukala ay naglalayong makatulong sa pag-ibsan ng gastusin sa funeral at burial expenses ng mga benepisyaryo.

Nagsagawa ng isang En Banc Hearing ang Sangguniang Bayan ng Virac kahapon, Agosto 3, 2026, sa SB Session Hall.Layunin ng...
04/08/2026

Nagsagawa ng isang En Banc Hearing ang Sangguniang Bayan ng Virac kahapon, Agosto 3, 2026, sa SB Session Hall.

Layunin ng naturang pagdinig na masusing talakayin ang reklamong inihain laban sa ilang mga Barangay Kagawad at Sangguniang Kabataan Chairperson kaugnay ng umano'y dereliction of duty, misconduct, at abuse of authority. Isinagawa ang pagdinig bilang bahagi ng pagsunod sa itinakdang proseso at upang matiyak ang paggalang sa karapatan ng lahat ng panig alinsunod sa due process.

ONGOING: The Sangguniang Bayan of Virac is presently conducting its 31st Regular Session today, August 4, 2026, at the S...
04/08/2026

ONGOING: The Sangguniang Bayan of Virac is presently conducting its 31st Regular Session today, August 4, 2026, at the SB Session Hall.

Nakibahagi ang Sangguniang Bayan ng Virac, at si Vice Mayor Lemuel P. Surtida sa 2nd Quarterly Continuing Local Legislat...
31/07/2026

Nakibahagi ang Sangguniang Bayan ng Virac, at si Vice Mayor Lemuel P. Surtida sa 2nd Quarterly Continuing Local Legislative Education Program (CLLEP) ng Philippine Councilors League (PCL) kahapon, Hulyo 30, 2026, sa Iloilo City Convention Center.

Bilang bahagi ng tatlong araw na programa, dumalo ang mga opisyal sa iba't ibang workshops, policy discussions, plenary sessions, at iba pang mga gawaing naglalayong higit pang mapaunlad ang kanilang kaalaman at kakayahan sa pagbuo ng mga polisiya at ordinansa para sa mas epektibo at mahusay na pamamahala.

30TH REGULAR SESSIONIlang mga ordinansa at resolusyon ang inaprubahan ng Sangguniang Bayan ng Virac sa isinagawang ika-3...
28/07/2026

30TH REGULAR SESSION

Ilang mga ordinansa at resolusyon ang inaprubahan ng Sangguniang Bayan ng Virac sa isinagawang ika-30 Regular Session nito kahapon, Hulyo 27, 2026.

Kabilang sa mga ito ang ordinansang inakda ni Konsehal Anthony A. Arcilla na naglalayong palakasin ang sexual health ng komunidad, gayundin ang pagpigil sa pagkalat ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) at iba pang sexually transmitted diseases (STDs) sa pamamagitan ng pag-aatas sa mga accommodation establishment na maglaan ng condom at mga impormasyon hinggil sa sexual health.

Sa usapin naman ng badyet, pinagtibay ng konseho ang taunang badyet ng Barangay Capilihan, gayundin ang Supplemental Budget No. 1 ng mga Barangay Valencia at Tubaon. Ang mga panukalang ito ay inakda ni Konsehal Ariel G. Molina.

Samantala, muling isinangguni sa Committee on Women, Family, Health and Sanitation ang panukalang ordinansa na inakda ni Konsehal Angelo Piolo M. Laynes na naglalayong maisabatas ang Sanitation Code ng Bayan ng Virac upang maisailalim pa ito sa mas masusing pag-aaral.

Bukod dito, ilang panukala rin ang ipinasa sa unang pagbasa at inendorso sa mga kinauukulang komite para sa masusing pagtalakay sa susunod na Committee Meeting.

ONGOING: The 30th Regular Session of the  Sangguniang Bayan of Virac is commencing today, July 27, 2026, at the SB Sessi...
27/07/2026

ONGOING: The 30th Regular Session of the Sangguniang Bayan of Virac is commencing today, July 27, 2026, at the SB Session Hall.

COMMITTEE MEETING | July 22, 2026Nagsagawa ng Committee Meeting ang Sangguniang Bayan kahapon, Hulyo 22, 2026, sa SB Ses...
23/07/2026

COMMITTEE MEETING | July 22, 2026

Nagsagawa ng Committee Meeting ang Sangguniang Bayan kahapon, Hulyo 22, 2026, sa SB Session Hall, kung saan tinalakay ng Committee on Market and Slaughterhouse ang mga usaping may kaugnayan sa operasyon ng Virac Slaughterhouse o Abattoir, batay sa concern na inihain ni Konsehal Anthony A. Arcilla.

Sa talakayan, inilahad ni Officer-in-Charge ng Slaughterhouse Operation na si Mr. Joseph Micko Prieto ang ilang isyung kinahaharap ng pasilidad. Kabilang dito ang pangangailangan ng wastong calibration ng mga kagamitan upang mapanatili ang episyente at maayos na operasyon ng abattoir, gayundin ang naiulat na pagkawala ng ilang internal organs ng mga kinatay na baboy, at iba pang kaugnay na usapin.

Bilang tugon, napagkasunduan ng Sangguniang Bayan na maghahanda ng mga naaangkop na hakbang na lehislatibo upang matugunan ang mga naturang isyu. Magsasagawa rin ang komite ng isang dayalogo kasama ang mga personnel ng abattoir at mga hog owners upang mapakinggan ang kanilang mga pananaw at makabuo ng angkop na mga solusyon.

Samantala, inendorso naman para sa ikalawa at pinal na pagbasa sa susunod na Regular Session ang mga pan-taunang badyet ng Barangay Capilihan, gayundin ang Supplemental Budget No. 1 ng mga Barangay Valencia at Tubaon.

Sa Committee on Games and Amusement naman, inaprubahan para sa ikalawa at pinal na pagbasa ang mga resolusyong nagbibigay ng pahintulot sa pagsasagawa ng mga palaro sa bayan.

29TH REGULAR SESSIONNgayong araw, Hulyo 22, 2026, tinalakay at ipinasa ng Sangguniang Bayan ng Virac ang ilang mga resol...
22/07/2026

29TH REGULAR SESSION

Ngayong araw, Hulyo 22, 2026, tinalakay at ipinasa ng Sangguniang Bayan ng Virac ang ilang mga resolusyon at ordinansa sa ginanap na ika-29 Regular Session.

Kabilang sa mga naaprubahang panukala ang ordinansang inakda ni Vice Mayor Lemuel P. Surtida na nagre-regula sa paggamit ng mga face-concealing gear sa mga pampublikong gusali ng pamahalaan, mga komersyal na establisimyento, at iba pang pampublikong lugar at mga aktibidad na saklaw ng naturang ordinansa. Layunin nito na mapalakas ang pampublikong kaligtasan, makatulong sa pag-iwas sa krimen, at mapadali ang pagkilala sa mga posibleng suspek sa panahon ng imbestigasyon.

Naaprubahan rin ang ordinansang isinulong nina Konsehal Angelo Piolo M. Laynes at Konsehal Fredeswindo A. Gianan, Jr. na nag-aapruba sa Barangay Ordinance ng Barangay Dugui Too na nag-iinstitutionalize ng taunang pagdiriwang ng Dugui Too Supnit Festival, na idaraos tuwing ikatlong linggo ng buwan ng Mayo. Layunin ng ordinansa na mapanatili at mapahalagahan ang kultura, tradisyon, at natatanging pagkakakilanlan ng Barangay Dugui Too.

Samantala, inaprubahan rin ng Sangguniang Bayan ang mga urgent resolution na nagbibigay-pugay sa mga natatanging Viracnon na nagbigay ng karangalan sa bayan sa kani-kanilang larangan.

Kabilang dito ang pagbibigay-pagkilala kay Lysa Rose S. Omadto ng Christian Polytechnic Institute of Catanduanes International Academy, Inc. dahil sa kaniyang natatanging tagumpay sa larangan ng chess, na nagbunsod sa kaniyang pagkakuwalipika para sa Palarong Pambansa. Kinilala rin sa naturang resolusyon ang kaniyang coach na si Shara May S. Omadto bilang pagkilala sa kaniyang dedikasyon at paggabaysa paghubog ng kakayahan ng atleta.

Nagpasa rin ang konseho ng isang urgent resolution na nagbibigay-pugay kay Ms. Marinelle Mikylla โ€œYellaโ€ Magtangob ng Catanduanes State University Laboratory Schools sa kaniyang natatanging tagumpay bilang kauna-unahang ballerina mula sa Catanduanes na nagkuwalipika para sa finals ng Asian Grand Prix International Ballet Competition, isang prestihiyosong pandaigdigang kompetisyon.

Sa Privilege Hour, inihain ni Konsehal Hazel C. Isidoro ang dalawang panukalang ordinansa na naglalayong iregula ang pagpasok, pananatili, at pagtatrabaho ng mga menor de edad sa mga entertainment establishment tulad ng mga bar, nightclub, beerhouse, karaoke bar, at iba pang establisimyentong para lamang sa mga nasa wastong gulang. Inihain din niya ang isang panukalang ordinansa na nagtatakda ng mga patakaran sa pagpaparehistro, operasyon, at paggamit ng mga electric bicycle, electric tricycle, at iba pang Light Electric Vehicles (LEVs) sa loob ng Bayan ng Virac.

Samantala, naghain din si Konsehal Angelo Piolo M. Laynes ng panukalang ordinansa na naglalayong amyendahan ang Childrenโ€™s Welfare Code of Virac. Inihain din niya ang isang Municipal Committee Resolution na nag-aapruba sa pagtanggap ng donasyon na binubuo ng 17 yunit ng beam balance para sa mga piling paaralan sa North at South District ng Virac. Ang lahat ng nasabing panukala ay inendorso sa unang pagbasa.

Bukod dito, ilang panukala rin ang inendorso sa mga kaukulang komite ng Sangguniang Bayan para sa mas masusing pagtalakay, pagsusuri, at pagbuo ng kaukulang rekomendasyon bago isalang sa pinal na pagtalakay at pagpapasya ng konseho.

ONGOING: The Sangguniang Bayan of Virac is currently holding the 29th Regular Session this Tuesday, July 21, 2026, at th...
21/07/2026

ONGOING: The Sangguniang Bayan of Virac is currently holding the 29th Regular Session this Tuesday, July 21, 2026, at the SB Session Hall.

Address

Brgy. Salvacion
Virac

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Bayan of Virac posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share