PPA PMO Zamboanga Baseport

PPA PMO Zamboanga Baseport This is the OFFICIAL FB Page of the Philippine Ports Authority ZAMBOANGA

TRIP ADVISORY | For everyone's information.
03/08/2026

TRIP ADVISORY | For everyone's information.

PORT UPDATE | PPA-PMO Zamboanga at Philippine Coast Guard Veterinary Services Nagsagawa ng Coordination MeetingNagsagawa...
30/07/2026

PORT UPDATE | PPA-PMO Zamboanga at Philippine Coast Guard Veterinary Services Nagsagawa ng Coordination Meeting

Nagsagawa ng coordination at courtesy meeting ang Philippine Coast Guard (PCG) Veterinary Services at ang Philippine Ports Authority – Port Management Office (PMO) Zamboanga noong Hulyo 29, 2026, ganap na alas-2:00 ng hapon sa Tanggapan ng Port Manager.

Pinangunahan ng Commanding Officer ng Field Veterinary Unit–Southwestern Mindanao, Lt. Leo Nathaniel G. Nievez, PCG, at Commanding Officer ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, Lt. Kevin B. Ragasa, PCG, ang courtesy call kay Port Manager Engr. Arcidi S. Jumaani.
Tinalakay sa pulong ang mga posibleng programa at inisyatibong maaaring isagawa sa pamamagitan ng pagtutulungan ng dalawang ahensya, kabilang ang pagpapalakas ng koordinasyon at mga susunod na collaborative activities na may kaugnayan sa kaligtasan, seguridad, at kapakanan ng mga port users at stakeholders.

Ang naturang pagpupulong ay nagsilbing hakbang upang higit pang mapagtibay ang ugnayan ng PPA-PMO Zamboanga at Philippine Coast Guard Veterinary Services sa pagsusulong ng mas epektibo at maayos na serbisyo sa loob ng pantalan.






β€œπ‘Ίπ’‚ π’‘π’“π’π’ˆπ’“π’†π’”π’Šπ’ƒπ’π’π’ˆ 𝑷𝒂𝒏𝒕𝒂𝒍𝒂𝒏, 𝒂𝒂𝒔𝒆𝒏𝒔𝒐 π’‚π’π’ˆ π’ƒπ’‚π’šπ’‚π’.”
Facebook:
X:
Youtube:
Instagram:
Tiktok:

PORT UPDATE | PPA-PMO Zamboanga Pinarangalan ng Zamboanga City Medical CenterPinarangalan ang Philippine Ports Authority...
29/07/2026

PORT UPDATE | PPA-PMO Zamboanga Pinarangalan ng Zamboanga City Medical Center

Pinarangalan ang Philippine Ports Authority – Port Management Office (PMO) Zamboanga ng Zamboanga City Medical Center (ZCMC) sa ginanap na Annual Recognition Ceremony bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Blood Donors Month na may temang β€œOne Drop of Humanity, Give Blood, Save Lives” noong Hulyo 23, 2026 sa Convention Hall B, KCC Mall de Zamboanga.

Tinanggap ng PPA-PMO Zamboanga ang Plaque of Distinction for Public Service for Life Award at Plaque of Recognition bilang pagkilala sa patuloy nitong suporta, aktibong pakikilahok sa mga blood donation activities, at matatag na pakikipagtuwang sa Zamboanga City Medical Center.

Dumalo sa naturang seremonya si Ms. Ma. Naty Mariano, Senior Administrative Officer ng Administrative Division,
bilang kinatawan ng PPA-PMO Zamboanga sa pagtanggap ng mga parangal.

Ang pagkilalang ito ay sumasalamin sa patuloy na dedikasyon ng PPA-PMO Zamboanga sa mga programang nagtataguyod ng boluntaryong pagdo-donate ng dugo at sa pakikiisa nito sa mga gawaing nagliligtas ng buhay at nagsisilbi sa kapakanan ng komunidad.






β€œπ‘Ίπ’‚ π’‘π’“π’π’ˆπ’“π’†π’”π’Šπ’ƒπ’π’π’ˆ 𝑷𝒂𝒏𝒕𝒂𝒍𝒂𝒏, 𝒂𝒂𝒔𝒆𝒏𝒔𝒐 π’‚π’π’ˆ π’ƒπ’‚π’šπ’‚π’.”
Facebook:
X:
Youtube:
Instagram:
Tiktok:

PORT UPDATE | PMO Zamboanga Nagsagawa ng Zumba at Volleyball Activity Bilang Pagtatapos ng Pagdiriwang ng Ika-52 Anibers...
22/07/2026

PORT UPDATE | PMO Zamboanga Nagsagawa ng Zumba at Volleyball Activity Bilang Pagtatapos ng Pagdiriwang ng Ika-52 Anibersaryo ng PPA

Bilang pangwakas na aktibidad sa pagdiriwang ng ika-52 anibersaryo ng Philippine Ports Authority (PPA), nagsagawa ang Philippine Ports Authority – Port Management Office (PMO) Zamboanga ng Zumba Activity at Volleyball Friendly Game para sa mga kawani ng tanggapan.

Idinaos ang mga aktibidad sa Multi-Purpose Court ng PPA Administration Building, Port Area, kung saan aktibong nakiisa ang mga empleyado ng PMO Zamboanga sa iba't ibang gawaing nagtataguyod ng kalusugan, pagkakaisa, at camaraderie sa loob ng organisasyon.

Layunin ng naturang aktibidad na hikayatin ang mga kawani na pangalagaan ang kanilang kalusugan at palakasin ang samahan sa pamamagitan ng sports at physical fitness bilang bahagi ng pagdiriwang ng anibersaryo ng ahensya.

Sa pagtatapos ng selebrasyon, muling pinagtibay ng PMO Zamboanga ang kahalagahan ng pagkakaisa, malasakit, at pagtutulungan ng bawat kawani sa patuloy na paghahatid ng mahusay, ligtas, at maaasahang serbisyo para sa publiko.






β€œπ‘Ίπ’‚ π’‘π’“π’π’ˆπ’“π’†π’”π’Šπ’ƒπ’π’π’ˆ 𝑷𝒂𝒏𝒕𝒂𝒍𝒂𝒏, 𝒂𝒂𝒔𝒆𝒏𝒔𝒐 π’‚π’π’ˆ π’ƒπ’‚π’šπ’‚π’.”
Facebook:
X:
Youtube:
Instagram:

PORT UPDATE | PPA-PMO Zamboanga Nagsagawa ng Bloodletting Activity Bilang Bahagi ng Ika-52 Anibersaryo ng PPABilang baha...
22/07/2026

PORT UPDATE | PPA-PMO Zamboanga Nagsagawa ng Bloodletting Activity Bilang Bahagi ng Ika-52 Anibersaryo ng PPA

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-52 anibersaryo ng Philippine Ports Authority (PPA), nagsagawa ang Philippine Ports Authority – Port Management Office (PMO) Zamboanga ng isang Bloodletting Activity noong Hulyo 15, 2026, mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali sa Conference Room ng PPA Administration Building.

Isinagawa ang aktibidad sa pakikipagtulungan sa Zamboanga City Medical Center Blood Bank bilang suporta sa patuloy na pangangailangan ng ligtas at sapat na suplay ng dugo para sa mga pasyente sa lungsod.

Nakiisa sa blood donation ang mga kawani ng PMO Zamboanga, gayundin ang mga stakeholder at partner agencies, bilang pagpapakita ng kanilang malasakit at boluntaryong pagtulong sa komunidad.

Sa pamamagitan ng gawaing ito, muling ipinakita ng PPA-PMO Zamboanga ang kanilang pangako sa corporate social responsibility at patuloy na pakikilahok sa mga programang naglalayong makapagligtas ng buhay at makapagbigay ng makabuluhang serbisyo sa publiko.






β€œπ‘Ίπ’‚ π’‘π’“π’π’ˆπ’“π’†π’”π’Šπ’ƒπ’π’π’ˆ 𝑷𝒂𝒏𝒕𝒂𝒍𝒂𝒏, 𝒂𝒂𝒔𝒆𝒏𝒔𝒐 π’‚π’π’ˆ π’ƒπ’‚π’šπ’‚π’.”
Facebook:
X:
Youtube:
Instagram:
Tiktok:

Congratulations, PMO Zamboanga awardees!
17/07/2026

Congratulations, PMO Zamboanga awardees!

To our passengers (Senior Citizens, Patients, PWDs, Pregnant Women) requiring special/medical arrangements at the Port o...
13/07/2026

To our passengers (Senior Citizens, Patients, PWDs, Pregnant Women) requiring special/medical arrangements at the Port of Zamboanga, you may reach our Quick Response Desk at this number:
0968-437-7911





β€œπ‘Ίπ’‚ π’‘π’“π’π’ˆπ’“π’†π’”π’Šπ’ƒπ’π’π’ˆ 𝑷𝒂𝒏𝒕𝒂𝒍𝒂𝒏, 𝒂𝒂𝒔𝒆𝒏𝒔𝒐 π’‚π’π’ˆ π’ƒπ’‚π’šπ’‚π’.”
Facebook:
X:
Youtube:
Instagram:
Tiktok:

Address

RT Lim Boulevard
Zamboanga City
7000

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PPA PMO Zamboanga Baseport posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to PPA PMO Zamboanga Baseport:

Shortcuts

Share