13/09/2026
π’ BARANGAY ANNOUNCEMENT
Para sa lahat ng residente ng Barangay Sta. Barbara, Distrito 1.
Magandang araw po sa ating mga kabarangay!
Ipinapaalam po ng Office of the Punong Barangay, Hon. Junaid M. Musa, na WALA PA PONG ITINAKDANG PETSA sa kasalukuyan kung kailan isasagawa sa Barangay Sta. Barbara, Distrito 1 ang pamamahagi ng 25-kilong sakong bigas para sa mga kwalipikadong mahihirap na pamilyang Pilipino, bilang bahagi ng Handog ng Pangulong Ferdinand βBongbongβ Marcos Jr. para sa taong 2026.
π PAUNAWA:
Sa kasalukuyan, ang mga Barangay sa Distrito 2 ang unang batch na nakatakdang mabigyan. Hinihiling po namin sa ating mga residente na maghintay sa opisyal na anunsyo hinggil sa schedule ng pamamahagi para sa Distrito 1.
β οΈ Mahalagang Paalala:
Hindi po nangangahulugan na lahat ng households sa Barangay Sta. Barbara ay makatatanggap ng 25-kilong bigas.
Ang bilang ng mga household na mabibigyan ay nakadepende sa alokasyon at target na bilang na itatakda ng City Government of Zamboanga City, at pangunahing tinututukan ang mga kabilang sa very poor sector / pinaka-nangangailangang pamilya.
Samakatuwid, ang pamamahagi ay nakabatay sa kwalipikasyon, target beneficiaries, at available allocation, at hindi garantiya na bawat household ay makatatanggap.
π€ Hinihiling po namin ang inyong pang-unawa, pasensya, at pakikiisa habang hinihintay ang opisyal na schedule at listahan ng mga kwalipikadong benepisyaryo.
π£ Huwag po tayong maniwala sa mga hindi opisyal na impormasyon. Ang Barangay Government of Sta. Barbara ang magbibigay ng kaukulang anunsyo sa sandaling matanggap ang opisyal na schedule at guidelines mula sa kinauukulang tanggapan.
Para sa tamang impormasyon, manatiling nakatutok sa official page ng Barangay Sta. Barbara.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa.
Mula sa Tanggapan ng Punong Barangay
Hon. Junaid M. Musa
Barangay Sta. Barbara, Zamboanga City
Magsukol! π€²