19/08/2026
𝐄𝐧𝐯𝐢𝐫𝐨𝐧𝐦𝐞𝐧𝐭𝐚𝐥 𝐒𝐮𝐦𝐦𝐢𝐭 𝐚𝐧𝐝 𝐈𝐧𝐯𝐞𝐬𝐭𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐅𝐨𝐫𝐮𝐦 𝟐𝟎𝟐𝟔
Fuego-Fuego/Boulevard, Isabela City
Agosto 18–20, 2026
Matagumpay na isinagawa noong Agosto 18, 2026 sa Fuego-Fuego/Boulevard, Isabela City ang unang araw ng Environmental Summit and Investment Forum 2026, na may temang “Closing the Loop: Strengthening Solid Waste Management through Innovation and Partnership.” Dumalo sa aktibidad si STIDS Helen Mae Hamid ng Industry Development Division, kasama ang iba pang mahahalagang opisyal at stakeholders. Sinimulan ang summit sa pamamagitan ng Welcome Remarks ng Alkalde ng LGU Isabela, na sinundan ng isang fluvial parade na tampok ang mga sea sweeper at mangingisda, bilang pagpapakita sa natatanging inisyatiba ng LGU sa solid waste management (SWM).
Binigyang-diin din sa aktibidad ang isang simple ngunit makabuluhang pagkilala sa mga taong may mahalagang papel sa pangangalaga ng kapaligiran. Tampok dito ang Recognition and Awarding of LGU Isabela SWM Frontliners, kung saan kinilala at pinarangalan ang mga komunidad at frontline stakeholders na aktibong nakikibahagi sa pangangalaga ng kalinisan at kapaligiran. Ipinakita rin ng aktibidad ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagtutulungan tungo sa mas maayos at napapanatiling pamamahala ng solid waste.