27/07/2026
Health Services, Mas Ilalapit sa Mamamayan; Initial Planning para sa “Purok Pangkalusugan” Program Isinagawa
July 17, 2026 | Barangay Zambowood — Patuloy na pinalalakas ng Barangay Zambowood ang mga programa sa kalusugan sa pamamagitan ng isang initial planning meeting para sa nalalapit na paglulunsad ng “Purok Pangkalusugan” Program.
Pinangunahan ito ng Vice-Chairperson on Health, Kagawad Jann Jann Calma, kasama ang ating masipag na Barangay Midwife Ma’am Jennifer Malicay Diaz at District Nurse Miss Ann, upang pagplanuhan ang mas epektibong paghahatid ng mga serbisyong pangkalusugan sa bawat purok ng barangay.
Ang Purok Pangkalusugan ay isang community-based health initiative na naglalayong ilapit ang basic health services, health education, at preventive healthcare programs sa bawat purok ng Barangay Zambowood. Layunin nitong matiyak na mas maraming residente ang mabibigyan ng agarang access sa mga serbisyong pangkalusugan at impormasyon na makatutulong sa pagpapanatili ng isang malusog na komunidad.
Ayon kay Kagawad Jann Jann Calma, mahalagang mailapit ang mga programa ng barangay sa bawat mamamayan upang mas maging mabilis, episyente, at inclusive ang pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Barangay Health Workers, Health Center personnel, at ng buong Barangay Council, inaasahang magiging matagumpay ang implementasyon ng Purok Pangkalusugan, bilang isa pang hakbang tungo sa isang mas malusog, mas ligtas, at mas matatag na Barangay Zambowood.