22/09/2026
𝐑𝐋𝐒𝐈, 𝐍𝐚𝐠𝐭𝐚𝐥𝐚 𝐧𝐠 𝟒.𝟖𝟓 𝐑𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝟐𝟎𝟐𝟔 𝐌𝐢𝐝-𝐘𝐞𝐚𝐫 𝐏𝐞𝐫𝐟𝐨𝐫𝐦𝐚𝐧𝐜𝐞 𝐀𝐬𝐬𝐞𝐬𝐬𝐦𝐞𝐧𝐭 (𝐌𝐘𝐏𝐀)
Kasalukuyang isinasagawa ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education – Technical Education and Skills Development (MBHTE–TESD) ang 2026 Mid-Year Performance Assessment (MYPA) para sa iba’t ibang tanggapan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Ang assessment ay ginaganap sa Dahilayan Forest Park, Bukidnon, at nakatakdang magpatuloy hanggang September 25, 2026.
Nakamit ng Regional Language Skills Institute (RLSI) ang 4.85 rating sa isinagawang assessment noong September 22, 2026, na nagpapakita ng mahusay na pagganap at patuloy na pagsisikap sa mga gawain ng tanggapan.
Ang mataas na rating ay patunay ng mahusay na pamumuno ni Mr. Abdulhakim T. Sauti Jr., OIC-Center Administrator, na patuloy na gumagabay sa RLSI tungo sa mas mahusay na pagpapatupad ng mga programa at serbisyo, kasama ang dedikasyon at pagsisikap ng buong RLSI team.
Patuloy na pinagtitibay ng RLSI ang kalidad ng mga programa at serbisyo lalo na para sa mga Bangsamoro learners.