05/08/2026
πππππππππ ππππ πππππ πππππππ ππ πππππππππππ ππππππ ππ πππππ ππππ
π
ππππππ
Ang Zamboanga City Jail Male Dormitory (ZCJMD), sa ilalim ng pangangasiwa ni JCSUPT AMADO A CONCEPCION JR, CESE, Direktor ng Panrehiyong Tanggapan, at pamumuno ni JSUPT JONAIRY FLORO SITCHON, Jail Warden, kasama ang Zamboanga City Jail Female Dormitory (ZCJFD), sa pamumuno ni JCINSP MELCAH T QUIPSE, Jail Warden, ay nakiisa sa Stakeholders' Conference on Combating Trafficking in Persons and OSAEC-CSAEM na ginanap noong ika-4, 2026.
Ang kumperensya, ay pinangunahan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) bilang bahagi ng paggunita sa World Day Against Trafficking in Persons, na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa iba't ibang ahensya ng pamahalaan at mga katuwang na organisasyon upang higit pang palakasin ang kampanya laban sa human trafficking at pang-aabuso sa mga bata.
Sa isinagawang aktibidad, tinalakay ang mga umiiral na batas laban sa human trafficking, mga kasalukuyang banta at pamamaraan ng pag-iwas, gayundin ang kahalagahan ng pagtutulungan ng iba't ibang ahensya sa paglaban sa Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC) at Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (CSAEM).
Sa pamamagitan ng pakikilahok sa naturang kumperensya, higit na napalawak ang kaalaman ng mga namumuno sa piitan at muling pinagtibay ang suporta ng pasilidad sa mga programang nagtataguyod ng karapatang pantao, pangangalaga sa mga bata, at paglaban sa human trafficking sa pamamagitan ng mas matibay na pakikipagtulungan sa iba't ibang ahensya.
========
For more updates, don't forget to FOLLOW, LIKE, and SHARE our PAGE.
https://www.facebook.com/BJMPZamboangaCityJailMaleDormitoryOfficial
Muchisimas Gracias!