DOH Zamboanga Peninsula CHD

DOH Zamboanga Peninsula CHD The official page of Department of Health Zamboanga Peninsula-Center for Health Development

Bulletin of Procurement Opportunities (Invitation to Bid) of the DOH Zamboanga Peninsula CHD Bids and Awards Committee f...
06/08/2026

Bulletin of Procurement Opportunities (Invitation to Bid) of the DOH Zamboanga Peninsula CHD Bids and Awards Committee for the following project/s :

For more bidding opportunities, please visit the DOH Zamboanga Peninsula Procurement Page
https://doh.gov.ph/procurement
or the PhilGEPS website.
https://notices.philgeps.gov.ph/

Matagumpay na isinagawa ang 𝐅𝐚𝐦𝐢𝐥𝐲 𝐏𝐥𝐚𝐧𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐊𝐢𝐜𝐤𝐨𝐟𝐟 𝐂𝐞𝐥𝐞𝐛𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝟐𝟎𝟐𝟔 noong Agosto 5, 2026 sa Ipil Capitol, Zamboanga Sib...
06/08/2026

Matagumpay na isinagawa ang 𝐅𝐚𝐦𝐢𝐥𝐲 𝐏𝐥𝐚𝐧𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐊𝐢𝐜𝐤𝐨𝐟𝐟 𝐂𝐞𝐥𝐞𝐛𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝟐𝟎𝟐𝟔 noong Agosto 5, 2026 sa Ipil Capitol, Zamboanga Sibugay Province. Sa temang “𝑨𝒏𝒈 𝑺𝑴𝑨𝑹𝑻 𝒏𝒂 𝑷𝒂𝒎𝒊𝒍𝒚𝒂, 𝑷𝒂𝒏𝒂𝒍𝒐; 𝑻𝒂𝒓𝒂! 𝑼𝒔𝒂𝒑 𝑻𝒂𝒚𝒐 𝒔𝒂 𝑭𝒂𝒎𝒊𝒍𝒚 𝑷𝒍𝒂𝒏𝒏𝒊𝒏𝒈,” binigyang-diin ang kahalagahan ng tamang kaalaman, bukas na komunikasyon, at responsableng pagpapasya sa pagpapamilya.

Ang aktibidad ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng 𝐏𝐫𝐨𝐯𝐢𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐚𝐭 𝐏𝐫𝐨𝐯𝐢𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 𝐨𝐟 𝐙𝐚𝐦𝐛𝐨𝐚𝐧𝐠𝐚 𝐒𝐢𝐛𝐮𝐠𝐚𝐲, 𝐃𝐎𝐇 𝐙𝐚𝐦𝐛𝐨𝐚𝐧𝐠𝐚 𝐏𝐞𝐧𝐢𝐧𝐬𝐮𝐥𝐚 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐞𝐫 𝐟𝐨𝐫 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐃𝐞𝐯𝐞𝐥𝐨𝐩𝐦𝐞𝐧𝐭, 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐢𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐨𝐧 𝐏𝐨𝐩𝐮𝐥𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐚𝐧𝐝 𝐃𝐞𝐯𝐞𝐥𝐨𝐩𝐦𝐞𝐧𝐭, 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐙𝐚𝐦𝐛𝐨𝐚𝐧𝐠𝐚 𝐒𝐢𝐛𝐮𝐠𝐚𝐲, 𝐚𝐭 𝐃𝐫. 𝐆𝐞𝐨𝐫𝐠𝐞 𝐓. 𝐇𝐨𝐟𝐞𝐫 𝐌𝐞𝐦𝐨𝐫𝐢𝐚𝐥 𝐌𝐞𝐝𝐢𝐜𝐚𝐥 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐞𝐫.

Naging bukas din para sa publiko ang 𝒍𝒊𝒃𝒓𝒆𝒏𝒈 𝒎𝒆𝒅𝒊𝒄𝒂𝒍 𝒄𝒐𝒏𝒔𝒖𝒍𝒕𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏, 𝒈𝒂𝒎𝒐𝒕, 𝒇𝒂𝒎𝒊𝒍𝒚 𝒑𝒍𝒂𝒏𝒏𝒊𝒏𝒈 𝒄𝒐𝒖𝒏𝒔𝒆𝒍𝒊𝒏𝒈, 𝒉𝒆𝒂𝒍𝒕𝒉 𝒑𝒓𝒐𝒎𝒐𝒕𝒊𝒐𝒏 𝒔𝒆𝒓𝒗𝒊𝒄𝒆𝒔 𝒂𝒕 𝒏𝒖𝒕𝒓𝒊𝒕𝒊𝒐𝒏 𝒄𝒐𝒖𝒏𝒔𝒆𝒍𝒊𝒏𝒈 𝒂𝒏𝒅 𝒔𝒆𝒓𝒗𝒊𝒄𝒆𝒔. Tampok din sa programa ang mga mensahe ng suporta, pledge of commitment, at pagkilala sa mga family planning promotional video.

Sa sama-samang pagkilos ng pamahalaan, mga katuwang na ahensya, at komunidad, patuloy nating isinusulong ang mas malusog, planado, at maunlad na pamilyang Pilipino. Tara, usap tayo sa Family Planning. Dahil ang SMART na pamilya, panalo!

Sa bawat sandali ng pagpapasuso, hindi lang si baby ang lumalakas, nabubuo rin ang isang matatag na pundasyon para sa ka...
06/08/2026

Sa bawat sandali ng pagpapasuso, hindi lang si baby ang lumalakas, nabubuo rin ang isang matatag na pundasyon para sa kanyang malusog na kinabukasan! ✨

Gawing prayoridad ang pagpapasuso:
👶 Exclusive breastfeeding lamang sa unang 6 na buwan.
🥣 Pagsapit ng ika-6 na buwan, simulan ang complementary feeding habang patuloy ang pagpapasuso hanggang 2 taon o higit pa.
🚫 Iwasan ang formula milk at iba pang breastmilk substitutes.
🤝 Suportahan si mommy sa kanyang breastfeeding journey!

Isang hakab, isang yakap, isang mas malusog na kinabukasan! Kaisa ang Philippine Multisectoral Nutrition Project o PMNP sa pagdiriwang ng . Breastfeeding for a Sustainable Start in Life: Strengthen What Works!


Pujalte: TB procurement review protects patients and public fundsFull details in the comment section.
06/08/2026

Pujalte: TB procurement review protects patients and public funds

Full details in the comment section.

Alagaan ang mga mata para sa maliwanag na kinabukasan! Ngayong Sight Saving Month, paalala ng DOH na huwag balewalain an...
05/08/2026

Alagaan ang mga mata para sa maliwanag na kinabukasan!

Ngayong Sight Saving Month, paalala ng DOH na huwag balewalain ang mga senyales tulad ng panlalabo, pamumula, pagluluha, o mga "floaters" sa paningin.

Huwag hintaying lumala! Magpatingin sa espesyalista kahit isang beses kada taon. Bisitahin ang inyong lokal na health center para sa tamang pagsusuri.

Tara, Usap Tayo sa Family Planning! Ngayong buwan ng Agosto, ipinagdiriwang natin ang National Family Planning Month. Pa...
05/08/2026

Tara, Usap Tayo sa Family Planning!

Ngayong buwan ng Agosto, ipinagdiriwang natin ang National Family Planning Month. Paalala ng DOH na ang planadong pamilya ay ligtas, malusog, at may magandang kinabukasan.

Magtungo sa pinakamalapit na health center para kumonsulta sa family planning method na swak sa inyong pangangailangan. Libre, ligtas, at epektibo ito!

Tandaan, Ang S.M.A.R.T na Pamilya, Panalo!

05/08/2026

Same Day Edit | 2026 Family Planning Kick-Off Celebration

Send a message to learn more

The Department of Health Zamboanga Peninsula Center for Health Development, in partnership with the Zamboanga City Healt...
05/08/2026

The Department of Health Zamboanga Peninsula Center for Health Development, in partnership with the Zamboanga City Health Office, successfully observed 𝐃𝐢𝐚𝐛𝐞𝐭𝐞𝐬 𝐀𝐰𝐚𝐫𝐞𝐧𝐞𝐬𝐬 𝐖𝐞𝐞𝐤 2026 on July 31, 2026, at the City Health Office Conference Room in Zamboanga City.

Guided by the theme, “Hawak Kamay Nating Tugunan ang Hamon ng Diabetes,” the activity highlighted the importance of early detection, proper diabetes management, healthy eating, regular physical activity, and timely medical consultation in preventing complications.

Through stronger partnerships and well-informed communities, we can help build a healthier future with fewer cases and complications of diabetes.

Know today. Live tomorrow. Early action. Better care. Brighter future.

Matagumpay na naisagawa ng DOH – Zamboanga Peninsula Center for Health Development (DOH ZPCHD) ang 𝐖𝐞𝐥𝐥𝐧𝐞𝐬𝐬 𝐖𝐞𝐞𝐤, isang ...
04/08/2026

Matagumpay na naisagawa ng DOH – Zamboanga Peninsula Center for Health Development (DOH ZPCHD) ang 𝐖𝐞𝐥𝐥𝐧𝐞𝐬𝐬 𝐖𝐞𝐞𝐤, isang week-long initiative na nag-promote ng holistic health at wellness para sa kanilang employees at sa community.

Nagkaroon ng iba't ibang activities tulad ng blood pressure at blood sugar checks, blood donation, free medical consultation at gamot, free dental services, feeding program, acupuncture, blind massage, at team-building activities. Layunin nitong hikayatin ang healthy lifestyle, self-care, at work-life balance, lalo na para sa mga health workers.

Sa pamamagitan ng community outreach at awareness campaigns, naiparating din ang kahalagahan ng wellness sa mas maraming tao. Pinatunayan ng Wellness Week ang commitment ng DOH ZPCHD sa pagbuo ng isang healthy, resilient, at productive workforce, na nagreresulta sa mas mahusay na serbisyong pangkalusugan para sa publiko.

𝐏𝐑𝐄𝐒𝐒 𝐑𝐄𝐋𝐄𝐀𝐒𝐄DOH-ZAMBOANGA PENINSULA, NAGBABALA SA POSIBLENG PAGTAAS NG DENGUE NGAYONG TAG-ULAN; TAOB, TAKTAK, TUYO, TAK...
02/08/2026

𝐏𝐑𝐄𝐒𝐒 𝐑𝐄𝐋𝐄𝐀𝐒𝐄

DOH-ZAMBOANGA PENINSULA, NAGBABALA SA POSIBLENG PAGTAAS NG DENGUE NGAYONG TAG-ULAN; TAOB, TAKTAK, TUYO, TAKIP, PAIGTINGIN

Hinihikayat ng Department of Health (DOH) Zamboanga Peninsula ang publiko na paigtingin ang mga hakbang sa pag-iwas sa dengue ngayong panahon ng tag-ulan, kung kailan mas mataas ang posibilidad ng pagdami ng mga lamok na nagdadala ng sakit. Bilang paghahanda, pinalalakas ng Kagawaran ang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at iba pang katuwang upang higit pang mapalakas ang mga hakbang sa dengue prevention at response sa mga komunidad.

Pinapaalalahanan ang bawat tahanan at komunidad na regular na suriin at linisin ang kanilang kapaligiran upang maalis ang mga posibleng pamugaran ng lamok. Mahalaga ring isagawa ang Taob, Taktak, Tuyo, at Takip (4Ts) bilang pangunahing hakbang upang mapigilan ang pagdami ng mga kiti-kiti. Pinapayuhan din ang publiko na gumamit ng mosquito repellent at magsuot ng damit na may mahahabang manggas at pantalon upang maiwasan ang panganib ng kagat ng lamok.

Hinihikayat din ng DOH ang mga komunidad na suportahan ang mga targeted fogging operation sa mga lugar na kinakailangan, alinsunod sa rekomendasyon ng mga awtoridad sa kalusugan. Bagama’t nakakatulong ang fogging sa pagbawas ng adult na lamok, nanatiling pinakamahalaga ang regular na pag-alis ng mga pinamumugaran ng lamok at ang aktibong pakikilahok ng komunidad upang mapigilan ang pagkalat ng dengue.

Pinapayuhan ng Kagawaran ang sinumang makararanas ng mga sintomas ng dengue, tulad ng mataas na lagnat, matinding pananakit ng ulo, pananakit ng kalamnan at kasu-kasuan, pantal sa balat, panghihina, at sa ilang pagkakataon, pagduduwal, pagsusuka, o pagtatae, na agad magpakonsulta sa pinakamalapit na health center o ospital upang matiyak ang maagap na pagsusuri at tamang gamutan. Ang maagang pagpapakonsulta ay mahalaga upang maiwasan ang paglala ng sakit at mga posibleng komplikasyon.

Nananawagan ang DOH-Zamboanga Peninsula sa mga komunidad, lokal na pamahalaan, at mga katuwang na ahensya na magkaisa sa pagpapatupad ng mga hakbang sa pag-iwas at pagkontrol sa dengue. Ang sama-samang pagkilos ng bawat tahanan at komunidad ay nananatiling mahalaga upang maiwasan ang pagkalat ng dengue at mapangalagaan ang kalusugan at kapakanan ng bawat Pilipino.

Address

Upper Calarian
Zamboanga City
7000

Opening Hours

Monday 7am - 6pm
Tuesday 7am - 12am
Wednesday 7am - 6pm
Thursday 7am - 6pm

Telephone

+63629830314

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DOH Zamboanga Peninsula CHD posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to DOH Zamboanga Peninsula CHD:

Shortcuts

Share