FO IX - Project LAWA at BINHI

FO IX - Project LAWA at BINHI ProjectLAWAatBINHI
BawatBuhayMahalagasaDSWD

๐‹๐Ž๐Ž๐Š | 479 ๐Š๐ข๐ฅ๐จ ๐ง๐  ๐Š๐š๐ฅ๐š๐›๐š๐ฌ๐š ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š ๐ฌ๐š ๐๐ซ๐ ๐ฒ. ๐’๐š๐ง ๐•๐ข๐œ๐ž๐ง๐ญ๐ž, ๐“๐ฎ๐ง๐ ๐š๐ฐ๐š๐ง, ๐™๐š๐ฆ๐›๐จ๐š๐ง๐ ๐š ๐’๐ข๐›๐ฎ๐ ๐š๐ฒIsang masaganang ani ang ipinagdiwang ...
03/09/2026

๐‹๐Ž๐Ž๐Š | 479 ๐Š๐ข๐ฅ๐จ ๐ง๐  ๐Š๐š๐ฅ๐š๐›๐š๐ฌ๐š ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š ๐ฌ๐š ๐๐ซ๐ ๐ฒ. ๐’๐š๐ง ๐•๐ข๐œ๐ž๐ง๐ญ๐ž, ๐“๐ฎ๐ง๐ ๐š๐ฐ๐š๐ง, ๐™๐š๐ฆ๐›๐จ๐š๐ง๐ ๐š ๐’๐ข๐›๐ฎ๐ ๐š๐ฒ

Isang masaganang ani ang ipinagdiwang ng mga Project LAWA at BINHI partner-beneficiaries mula sa LAWA at BINHI SUCAMMAO SLPA at San Vicente Farmers Association sa Brgy. San Vicente, Tungawan, Zamboanga Sibugay.

Sa tuloy-tuloy na pag-aalaga ng kanilang mga taniman at sama-samang pagkilos, nakapag-ani sila ng kabuuang 479 kilo ng kalabasa.

Ang bawat kilo ng ani ay bunga ng kanilang sipag, tiyaga, at pag-asaโ€”patunay na kapag may pagkakataon, kaalaman, at pagtutulungan, ang maliit na taniman ay maaaring maging simula ng mas masaganang pagkain at mas matatag na kabuhayan para sa pamilya at komunidad.

Sa Project LAWA at BINHI, bawat pagtatanim ay pag-asa, at bawat ani ay bunga ng sama-samang pagsisikap.



LOOK | Matagumpay na isinagawa ang pay-out para sa mga partner-beneficiaries ng Project LAWA at BINHI mula sa mga bayan ...
03/09/2026

LOOK | Matagumpay na isinagawa ang pay-out para sa mga partner-beneficiaries ng Project LAWA at BINHI mula sa mga bayan ng Sergio Osmeรฑa, Sindangan, at Kalawit, Zamboanga del Norte.

Natanggap ng mga partner-beneficiaries ang halagang โ‚ฑ8,280 para sa kanilang 20 araw na Cash-for-Work at Cash-for-Training, kasama ang suporta at pakikipagtulungan ng Municipal Social Welfare and Development Office, Office of the Provincial Agriculturist, Municipal Agriculture Office, at Local Disaster Risk Reduction and Management Office.

Ang pay-out ay bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng Project LAWA at BINHI, na naglalayong suportahan ang mga partner-beneficiaries habang aktibong nakikilahok sa mga gawain ng proyekto. Sa pamamagitan nito, kinikilala ang kanilang oras, sipag, at kontribusyon sa pagtataguyod ng food security at climate resilience sa kanilang mga komunidad.



๐™‡๐™Š๐™Š๐™† | ๐˜ผ๐™ฃ๐™ž ๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™œ๐™จ๐™ž๐™จ๐™ž๐™ ๐™–๐™ฅ ๐™จ๐™– ๐˜ฝ๐™ง๐™œ๐™ฎ. ๐™Ž๐™–๐™ฃ ๐˜ผ๐™ฃ๐™ฉ๐™ค๐™ฃ๐™ž๐™ค, ๐™.๐™. ๐™‡๐™ž๐™ข, ๐™•๐™–๐™ข๐™—๐™ค๐™–๐™ฃ๐™œ๐™– ๐™Ž๐™ž๐™—๐™ช๐™œ๐™–๐™ฎBunga ng kanilang tiyaga at sama-samang pagkil...
02/09/2026

๐™‡๐™Š๐™Š๐™† | ๐˜ผ๐™ฃ๐™ž ๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™œ๐™จ๐™ž๐™จ๐™ž๐™ ๐™–๐™ฅ ๐™จ๐™– ๐˜ฝ๐™ง๐™œ๐™ฎ. ๐™Ž๐™–๐™ฃ ๐˜ผ๐™ฃ๐™ฉ๐™ค๐™ฃ๐™ž๐™ค, ๐™.๐™. ๐™‡๐™ž๐™ข, ๐™•๐™–๐™ข๐™—๐™ค๐™–๐™ฃ๐™œ๐™– ๐™Ž๐™ž๐™—๐™ช๐™œ๐™–๐™ฎ

Bunga ng kanilang tiyaga at sama-samang pagkilos, matagumpay na nakapag-ani ang mga partner-beneficiaries ng Project LAWA at BINHI sa Brgy. San Antonio, R.T. Lim, Zamboanga Sibugay ng kanilang mga itinanim na talong at atsรกl.

Nakalikom sila ng 84 kilo ng talong at 99 kilo ng atsรกl, na may kabuuang ani na 183 kilo.

Ang masaganang ani na ito ay patunay ng kanilang dedikasyon sa pag-aalaga ng gulayan at pagsisikap na mapalakas ang suplay ng pagkain para sa kanilang pamilya at komunidad.

Saludo sa ating masisipag na partner-beneficiaries! Nawaโ€™y patuloy pang umunlad at mamunga ang inyong mga gulayan.



๐™‡๐™Š๐™Š๐™† | ๐™ˆ๐™ช๐™ก๐™– ๐™จ๐™– ๐™‚๐™ช๐™ก๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ, ๐˜ผ๐™ฃ๐™ž ๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™œ-๐™–๐™จ๐™–: ๐™‹๐™–๐™ง๐™ฉ๐™ฃ๐™š๐™ง-๐˜ฝ๐™š๐™ฃ๐™š๐™›๐™ž๐™˜๐™ž๐™–๐™ง๐™ž๐™š๐™จ ๐™ฃ๐™œ ๐˜ฝ๐™ง๐™œ๐™ฎ. ๐˜ฝ๐™–๐™ก๐™ช๐™ฃ๐™ค, ๐™„๐™จ๐™–๐™—๐™š๐™ก๐™– ๐˜พ๐™ž๐™ฉ๐™ฎ, ๐˜ฝ๐™–๐™จ๐™ž๐™ก๐™–๐™ฃPatuloy na namumunga...
24/08/2026

๐™‡๐™Š๐™Š๐™† | ๐™ˆ๐™ช๐™ก๐™– ๐™จ๐™– ๐™‚๐™ช๐™ก๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ, ๐˜ผ๐™ฃ๐™ž ๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™œ-๐™–๐™จ๐™–: ๐™‹๐™–๐™ง๐™ฉ๐™ฃ๐™š๐™ง-๐˜ฝ๐™š๐™ฃ๐™š๐™›๐™ž๐™˜๐™ž๐™–๐™ง๐™ž๐™š๐™จ ๐™ฃ๐™œ ๐˜ฝ๐™ง๐™œ๐™ฎ. ๐˜ฝ๐™–๐™ก๐™ช๐™ฃ๐™ค, ๐™„๐™จ๐™–๐™—๐™š๐™ก๐™– ๐˜พ๐™ž๐™ฉ๐™ฎ, ๐˜ฝ๐™–๐™จ๐™ž๐™ก๐™–๐™ฃ

Patuloy na namumunga ang sipag at tiyaga ng mga partner-beneficiaries ng Project LAWA at BINHI mula sa Brgy. Baluno, Isabela City, Basilan. Sa kanilang masigasig na pangangalaga sa communal vegetable garden, nakapag-ani sila ng ibaโ€™t ibang gulay na umabot sa kabuuang 757 kilo.

Kabilang sa kanilang mga naaning gulay ang 118 kilo ng okra, 183 kilo ng upo, 135 kilo ng kalabasa, 35 kilo ng kamatis, 128 kilo ng talong, 133 kilo ng ampalaya, at 25 kilo ng atsรกl.

Higit pa sa simpleng pag-aani, ang bawat gulay ay sumasalamin sa kanilang pagpupunyagi, pagkakaisa, at dedikasyon na mapanatili at mapalago ang kanilang proyekto. Ang mga ani ay nagsisilbing karagdagang pagkain para sa kanilang pamilya at maaaring maging dagdag na kita para sa mga benepisyaryo.

Bilang bahagi ng kanilang pakikilahok sa Environmental Summit sa Brgy. Binuangan, Isabela City, nakapag display din ang mga partner-beneficiaries ng kanilang mga sariwang ani.

Mula sa isang simpleng binhing itinanim, unti-unting umuusbong ang mas malaking bungaโ€”hindi lamang sa kanilang mga taniman, kundi maging sa kanilang kabuhayan, komunidad, at pag-asa para sa mas sustainable at food-secure na kinabukasan.



20/08/2026
16/08/2026

Project LAWA at BINHI: Growing Food, Hope, and Community

Ruben Tumimbang, President of the partner-beneficiary group in Imelda, Zamboanga Sibugay, shares how Project LAWA at BINHI has helped their group expand their production, provide food for their families, and share their harvest with the local school feeding program.

For Ruben, the project is not only a source of support but also an opportunity to give back to the community.

โ€œMalaking bagay talaga sa amin ang Project LAWA at BINHI. Sana po ay magpatuloy lamang ang programang ito. Maraming salamat po.โ€

Music used in this video belongs to its respective owner. No copyright infringement intended.



14/08/2026

LOOK | Tilapia Harvest sa Brgy. Lumbog, Imelda, Zamboanga Sibugay ๐ŸŸ๐ŸŒฑ

Sa isinagawang site visit, nakapaghanda at nakapag-ani ng kanilang tilapia ang mga partner-beneficiaries ng Brgy. Lumbog, Imelda, Zamboanga Sibugay, na umabot sa kabuuang 6 kilo ng isda.

Ang ani ay bunga ng kanilang patuloy na pag-aalaga at pangangalaga sa kanilang LAWA at BINHI project, na nagsisilbing dagdag na mapagkukunan ng pagkain at potensyal na kita para sa kanilang mga pamilya.

Patunay ito na sa pamamagitan ng sipag, tiyaga, at sama-samang pagkilos, unti-unting nagbubunga ang mga inisyatiba tungo sa mas matatag at food-secure na komunidad.



LOOK | Nagsagawa ng Site Visit at Assessment ang Project LAWA at BINHI sa Imelda, Zamboanga SibugayNagsagawa ang RRP CCA...
14/08/2026

LOOK | Nagsagawa ng Site Visit at Assessment ang Project LAWA at BINHI sa Imelda, Zamboanga Sibugay

Nagsagawa ang RRP CCAM Project LAWA at BINHI team, kasama ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), Municipal Agriculture Office (MAO), at Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO), ng site visit at assessment sa Brgy. Bolungisan, Upper Baluran, Sta. Barbara, Balugo, at Little Baguio, Imelda, Zamboanga Sibugay.

Sa isinagawang pagbisita, nagkaroon ng kamustahan session kasama ang mga partner-beneficiaries kung saan ibinahagi nila ang kalagayan ng kanilang mga gulayan, mga naaning produkto, at kita mula sa kanilang mga ani. Naibahagi rin nila ang mga hamon at iba pang suliraning kanilang kinakaharap sa pagpapatuloy at pangangalaga ng kanilang mga tanim.

Bilang bahagi ng assessment, nagbigay ang team ng mga rekomendasyon at gabay upang makatulong sa mga partner-beneficiaries na mapabuti, mapanatili, at higit pang mapaunlad ang kanilang mga gulayan at iba pang livelihood initiatives.

Sa pamamagitan ng patuloy na monitoring at pagtutulungan ng DSWD at mga katuwang na tanggapan ng LGU, patuloy na isinusulong ng Project LAWA at BINHI ang seguridad sa pagkain, napapanatiling kabuhayan, at katatagan ng mga komunidad.



LOOK | Patuloy ang Ani ng mga Partner-Beneficiaries sa Brgy. Baluno, Isabela City, Basilan Patuloy na inaani ng mga part...
10/08/2026

LOOK | Patuloy ang Ani ng mga Partner-Beneficiaries sa Brgy. Baluno, Isabela City, Basilan

Patuloy na inaani ng mga partner-beneficiaries ng Project LAWA at BINHI mula sa Brgy. Baluno, Isabela City, Basilan ang kanilang mga pinagyamang tanim na talong, upo, pipino, okra, at ampalaya.

Ang bawat ani ay bunga ng kanilang sipag, tiyaga, at patuloy na pangangalaga sa kanilang gulayan, na nagbibigay ng dagdag na pagkain para sa kanilang pamilya at potensyal na karagdagang kita.

Mula sa pagtatanim hanggang sa pag-aani, bawat bunga ay patunay na ang sipag at pagtutulungan ay nagbubunga ng pag-asa.



Address

Gen Vicente Alvarez Street Zone 4
Zamboanga City
7000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when FO IX - Project LAWA at BINHI posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share