Land Transportation Zamboanga Peninsula Office

Land Transportation Zamboanga Peninsula Office The Official Page of LTO Regional Digital Media - Public Assistance Office IX

05/08/2026

๐Œ๐€๐๐€๐๐†๐€๐๐ˆ๐ ๐๐€ ๐๐€๐†๐’๐€๐’๐€๐Š๐€๐˜ ๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐๐€๐’๐€๐‡๐„๐‘๐Ž ๐’๐€ ๐‚๐€๐‘๐†๐Ž ๐๐„๐ƒ, ๐ˆ๐๐ˆ๐’๐˜๐”๐‡๐€๐ ๐๐† ๐’๐‚๐Ž ๐๐† ๐‹๐“๐Ž; ๐‹๐ˆ๐’๐„๐๐’๐˜๐€ ๐๐† ๐ƒ๐‘๐€๐˜๐๐„๐‘ ๐’๐”๐’๐๐„๐๐ƒ๐ˆ๐ƒ๐Ž, ๐’๐€๐’๐€๐Š๐˜๐€๐ ๐ˆ๐๐€๐‹๐€๐‘๐Œ๐€

Muling naglabas ang Land Transportation Office (LTO) ng Show Cause Order (SCO) laban sa rehistradong may-ari at drayber ng isang sasakyan matapos kumalat ang isang video na nagpapakita na ang naturang sasakyan ay bumibiyahe sa pampublikong kalsada na may maraming pasaherong nakasakay sa bukas na cargo bed, isang gawaing mahigpit na ipinagbabawal dahil sa panganib na idinudulot nito sa kaligtasan ng mga sakay.

Sa direktiba ni LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, agad nagsagawa ng imbestigasyon ang Intelligence and Investigation Division (IID) upang matukoy ang sangkot na sasakyan at alamin ang mga posibleng paglabag na maaaring kaharapin ng rehistradong may-ari at drayber nito.

Dahil dito, inaatasan sila na humarap sa tanggapan ng IID sa itinakdang pagdinig at magsumite ng sinumpaang paliwanag at mga kaukulang dokumento upang ipaliwanag kung bakit hindi dapat managot ang drayber sa mga posibleng paglabag sa Republic Act No. 4136, kabilang ang Reckless Driving at Hitching to a Vehicle, at kung bakit hindi siya dapat ideklarang Improper Person to Operate a Motor Vehicle, na maaaring magresulta sa pagkakasuspinde o pagbawi ng kanyang lisensya sa pagmamaneho.

Habang isinasagawa ang pagdinig, isasailalim sa 90-araw na preventive suspension ang driver's license ng sangkot na drayber at inatasang agad itong isuko sa IID. Inilagay na rin sa alarm status ang naturang sasakyan.

"Ang bawat paglabag sa batas-trapiko ay may kaakibat na panganib na maaaring maiwasan kung magiging responsable ang bawat motorista. Hindi dapat maging normal, at lalong hindi dapat tularan ang pagsasakay ng mga pasahero sa paraang hindi ligtas at labag sa umiiral na mga regulasyon," pahayag ni Asec. Lacanilao.

Bilang bahagi ng patuloy na kampanya para sa mas ligtas na mga lansangan, mananatiling mahigpit ang LTO sa pagpapatupad ng mga batas-trapiko at sa pagpapanagot sa mga lumalabag. Ang pagsunod sa batas-trapiko at pagtiyak sa kaligtasan ng lahat ng gumagamit ng kalsada ay hindi lamang obligasyon kundi tungkulin ng bawat motorista. Hinihikayat din ng ahensya ang publiko na maging katuwang sa kampanyang ito sa pamamagitan ng pag-uulat ng mga kahalintulad na insidente. Kung may masaksihang paglabag, maaaring magsumite ng ulat sa opisyal na page na Ireport mo kay LTO Chief o sa website na https://ireportmokayltochief.ph/ upang agad na maimbestigahan at maisagawa ang kaukulang aksyon.

31/07/2026

๐—˜๐—บ๐—ฝ๐—ผ๐˜„๐—ฒ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐——๐—ฟ๐—ฒ๐—ฎ๐—บ๐˜€, ๐—•๐˜‚๐—ถ๐—น๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฅ๐—ฒ๐˜€๐—ฝ๐—ผ๐—ป๐˜€๐—ถ๐—ฏ๐—น๐—ฒ ๐——๐—ฟ๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€

Every week, the Land Transportation Ipil District Office continues to invest in the future of road safety by providing its Free Theoretical Driving Course (TDC) Scholarship Program to aspiring drivers who dream of obtaining a driver's license but may not have the financial means to enroll in private driving schools.

This flagship program is more than just a free seminarโ€”it is an investment in human lives. By equipping future motorists with the knowledge, discipline, and values of responsible driving, LTO Ipil is helping create safer roads, more responsible road users, and a stronger culture of traffic discipline in Zamboanga Sibugay.

Through the unwavering support and visionary leadership of Land Transportation Zamboanga Peninsula Office Regional Director Dr. Nordjiana Lucman Dipatuan-Ducol, DPA, and the dedicated guidance of SvTRO Jose Maria M. Gonzales, MPA, Chief of the LTO Ipil District Office, together with the hardworking men and women of LTO Ipil, hundreds of aspiring drivers continue to receive quality driver education every weekโ€”proving that public service is at its best when it creates opportunities, changes lives, and protects lives.

๐‘จ๐’• ๐‘ณ๐‘ป๐‘ถ ๐‘ฐ๐’‘๐’Š๐’, ๐’˜๐’† ๐’…๐’๐’'๐’• ๐’‹๐’–๐’”๐’• ๐’Š๐’”๐’”๐’–๐’† ๐’…๐’“๐’Š๐’—๐’†๐’“'๐’” ๐’๐’Š๐’„๐’†๐’๐’”๐’†๐’”โ€”๐’˜๐’† ๐’†๐’…๐’–๐’„๐’‚๐’•๐’† ๐’Ž๐’Š๐’๐’…๐’”, ๐’”๐’‰๐’‚๐’‘๐’† ๐’“๐’†๐’”๐’‘๐’๐’๐’”๐’Š๐’ƒ๐’๐’† ๐’…๐’“๐’Š๐’—๐’†๐’“๐’”, ๐’‚๐’๐’… ๐’‰๐’†๐’๐’‘ ๐’”๐’‚๐’—๐’† ๐’๐’Š๐’—๐’†๐’”, ๐’๐’๐’† ๐’”๐’„๐’‰๐’๐’๐’‚๐’“ ๐’‚๐’• ๐’‚ ๐’•๐’Š๐’Ž๐’†๐Ÿš—๐Ÿ’™

08/07/2026
LTO Region IX Conducts Management Committee ConferenceLast July 6, 2026, the Land Transportation Office Region IX conduc...
07/07/2026

LTO Region IX Conducts Management Committee Conference

Last July 6, 2026, the Land Transportation Office Region IX conducted its Management Committee (MANCOM) Conference under the leadership of Regional Director Nordjiana D. Ducol, DPA.

The conference brought together Regional Office officials, Division Chiefs, District and Extension Office Heads, and key personnel to discuss priority programs, assess operational performance, and strengthen coordination in the delivery of efficient and quality public service.

Held under the guidance of LTO Assistant Secretary Markus V. Lacanilao and DOTr Secretary Giovanni Z. Lopez, the conference reaffirmed LTO Region IXโ€™s commitment to responsive governance, organizational excellence, and the continuous improvement of services for the riding and motoring public.





LAND TRANSPORTATION OFFICE IX ATTENDED PROVINCIAL PEACE AND ORDER COUNCIL MEETING OF PROVINCE OF ZAMBOANGA DEL SURThe Pr...
04/07/2026

LAND TRANSPORTATION OFFICE IX ATTENDED PROVINCIAL PEACE AND ORDER COUNCIL MEETING OF PROVINCE OF ZAMBOANGA DEL SUR

The Provincial Local Government Unit of Zamboanga del Sur invited the Land Transportation Office IX and New Regional Director Nordjiana Lucman Dipatuan-Ducol, DPA and LTO Pagadian District Office Chief Allan Macabangkit to attend the 3rd Quarter Meeting of Provincial Peace and Order Council of Zamboanga del Sur yesterday 03 July 2026.

The Council Meeting was attended by several national line agencies from regional and provincial levels and other stakeholders. Before the meeting commenced, the dynamic and good Provincial Governor of Zamboanga del Sur Honorable Divina Grace C. Yu personally acknowledged and recognized Regional Director Nordjiana Lucman Dipatuan-Ducol and her team.

The Regional Office expressed its commitment to support the Provincial Local Government Unit of Zamboanga del Sur to provide effective and efficient delivery of public service to the people of the province and the region as a whole.

LAND TRANSPORTATION OFFICE REGION IX ATTENDED STATE OF PROVINCE ADDRESS OF ZAMBOANGA SIBUGAY PROVINCIAL GOVERNOR HON. AN...
02/07/2026

LAND TRANSPORTATION OFFICE REGION IX ATTENDED STATE OF PROVINCE ADDRESS OF ZAMBOANGA SIBUGAY PROVINCIAL GOVERNOR HON. ANN K. HOFER

The Land Transportation Office Region IX attended the State of Province Address (SOPA) of Zamboanga Sibugay Provincial Governor Honorable Ann K. Hofer last 30June 2026 at Provincial Capitol Atrium, Municipality of Ipil, Zamboanga Sibugay.

The Regional Office delegation was led by Regional Director Nordjiana Lucman Dipatuan-Ducol, DPA, Chief Jose Maria Gonzales of LTO Ipil District, Chief Abdul Rauf Mutin of LTO Buug District Office and regional staff.

The Land Transportation Office Region IX applaud the accomplishments and achievements of the Provincial Local Government Unit of Zamboanga Sibugay and its people. The LTO Region IX commit to support and promote efficient and effective delivery of public service in the Province of Zamboanga Sibugay and the entire Region IX.

26/06/2026

๐€๐๐€๐Š ๐๐† ๐๐ˆ๐’๐„-๐€๐‹๐Š๐€๐‹๐ƒ๐„ , ๐ˆ๐๐ˆ๐’๐˜๐”๐‡๐€๐ ๐๐† ๐’๐‚๐Ž ๐๐† ๐‹๐“๐Ž ๐Œ๐€๐“๐€๐๐Ž๐’ ๐Œ๐€๐’๐€๐๐†๐Š๐Ž๐“ ๐’๐€ ๐๐€๐Š๐€๐Œ๐€๐Œ๐€๐“๐€๐˜ ๐๐€ ๐๐€๐๐†๐†๐€๐€๐ ๐๐€ ๐ˆ๐Š๐ˆ๐๐€๐’๐€๐–๐ˆ ๐๐† ๐ˆ๐’๐€๐๐† ๐Œ๐Ž๐“๐Ž๐‘๐ˆ๐’๐“๐€; ๐‹๐ˆ๐’๐„๐๐’๐˜๐€ ๐’๐”๐’๐๐„๐๐ƒ๐ˆ๐ƒ๐Ž, ๐’๐€๐’๐€๐Š๐˜๐€๐ ๐ˆ๐๐€๐‹๐€๐‘๐Œ๐€

Hindi nag-atubiling maglabas ng Show Cause Order (SCO) ang Land Transportation Office (LTO), sa ilalim ng pamumuno ni LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, laban sa rehistradong may-ari at drayber ng isang SUV, na anak ng isang bise-alkalde, kaugnay ng viral na insidente ng banggaan sa Marikina City na ikinasawi ng isang rider.

Agad na nagsagawa ng imbestigasyon ang LTO matapos makarating sa ahensya ang viral na video ng insidente. Batay sa imbestigasyon ng Marikina Police Station, naganap ang insidente bandang madaling araw noong Hunyo 13, 2026 sa Barangay Concepcion Dos, Marikina City, kung saan nasangkot sa banggaan ang drayber ng naturang SUV at isang rider ng Yamaha Mio Aerox matapos umanong lumiko pakaliwa ang motorsiklo. Idineklara ang pagkasawi ng rider ng motorsiklo dahil sa matinding pinsalang tinamo nito sa insidente.

Isinailalim din ang drayber ng SUV sa Alcohol Breath Analyzer (ABA) test, kung saan lumabas na mayroon itong Blood Alcohol Concentration (BAC) na 0.410%, na indikasyon na ito ay nasa ilalim ng impluwensya ng alak sa oras ng insidente.

Dahil dito, inatasan ng LTO ang rehistradong may-ari at drayber ng sangkot na SUV na humarap sa pagdinig ng Intelligence and Investigation Division (IID) sa Hulyo 8, 2026, at magsumite ng beripikado o sinumpaang paliwanag, kasama ang mga kaukulang dokumento, upang ipaliwanag kung bakit hindi siya dapat managot sa mga kasong Reckless Driving, Driving While Under the Influence of Alcohol or Narcotic Drug, at kung bakit hindi maaaring suspendihin o bawiin ang lisensya ng sangkot na drayber dahil sa pagiging Improper Person to Operate a Motor Vehicle.

Kasabay nito, agad na isinailalim sa 90 araw na preventive suspension ang lisensya ng drayber at inatasang isuko ito sa Intelligence and Investigation Division (IID). Inilagay rin sa alarm ang naturang sasakyan habang nagpapatuloy ang masusing imbestigasyon.

โ€œWala tayong sinisino. Ang sinumang lumalabag sa batas ay mananagot, anuman ang kanyang katayuan sa buhay o koneksyon. Hindi natin hahayaang may buhay na kapalit ang kawalang-disiplina sa kalsada. Pantay ang pagpapatupad ng batas para sa lahat,โ€ pahayag ni Assistant Secretary Lacanilao.

Pinaaalalahanan ng LTO ang lahat ng motorista na huwag magmaneho sa ilalim ng impluwensya ng alak. Ang isang maling desisyon sa kalsada ay maaaring magdulot ng panganib hindi lamang sa sarili kundi maging sa ibang gumagamit ng lansangan. Mananatiling mahigpit ang LTO sa pagpapatupad ng batas-trapiko at hindi mag-aatubiling papanagutin ang sinumang lalabag. Sa bawat pagmamaneho, laging unahin ang disiplina, kaayusan, at higit sa lahat, ang kaligtasan ng bawat isa.

25/06/2026
21/06/2026

๐‡๐š๐ฉ๐ฉ๐ฒ ๐…๐š๐ญ๐ก๐ž๐ซ'๐ฌ ๐ƒ๐š๐ฒ

The Land Transportation Office proudly honors all fathers for their love, dedication, and sacrifices. Thank you for being a source of strength, guidance, and inspiration to your families and communities.


18/06/2026

๐ˆ๐๐ˆ๐๐€๐†-๐”๐“๐Ž๐’ ๐๐ˆ ๐‹๐“๐Ž ๐‚๐‡๐ˆ๐„๐… ๐€๐๐† ๐๐€๐†๐’๐€๐’๐€๐†๐€๐–๐€ ๐๐† ๐„๐๐“๐‘๐€๐๐Œ๐„๐๐“ ๐Ž๐๐„๐‘๐€๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐‹๐€๐๐€๐ ๐’๐€ ๐’๐ˆ๐˜๐€๐Œ (๐Ÿ—) ๐๐€ ๐Œ๐ˆ๐˜๐„๐Œ๐๐‘๐Ž ๐๐† ๐‘๐„๐†๐ˆ๐Ž๐๐€๐‹ ๐‹๐€๐– ๐„๐๐…๐Ž๐‘๐‚๐„๐Œ๐„๐๐“ ๐’๐„๐‚๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐๐„๐‘๐’๐Ž๐๐๐„๐‹ ๐๐† ๐‹๐“๐Ž ๐‚๐€๐‘๐€๐†๐€ ๐ƒ๐€๐‡๐ˆ๐‹ ๐’๐€ ๐„๐—๐“๐Ž๐‘๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐’๐€ ๐€๐†๐”๐’๐€๐ ๐ƒ๐„๐‹ ๐๐Ž๐‘๐“๐„

Agad na ipinag-utos ni Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao ang pagsasagawa ng entrapment operation laban sa siyam (9) na miyembro ng Regional Law Enforcement Section (RLES) ng LTO CARAGA kaugnay ng reklamong natanggap laban sa mga nasabing personnel hinggil sa umano'y panghihingi ng pera sa mga driver ng truck sa Buenavista, Agusan del Norte.

Isinagawa ang "Anti-Kutong Operation" (Anti-Kotong Operation) noong Hunyo 18, 2026 sa Barangay Alubijid, Buenavista, Agusan del Norte sa pamamagitan ng joint operation ng LTO Central Office, Regional Intelligence Division ng Philippine National Police Regional Office 13 (PRO 13), Regional Intelligence Unit 13 (RIU 13), Regional Mobile Force Battalion 13 (RMFB 13), at Buenavista Municipal Police Station (MPS).

Batay sa paunang ulat, nahuli sa akto ang siyam na personnel habang umano'y tumatanggap at nangongolekta ng pera mula sa mga driver habang nagsasagawa ng kanilang opisyal na tungkulin. Sa isinagawang operasyon, nakarekober ang mga awtoridad ng marked money, iba't ibang halaga ng salapi, handheld radios, cellular phones, traffic apprehension forms, at iba pang ebidensyang may kaugnayan sa kaso.

Ang mga naarestong personnel ay dinala sa Buenavista Municipal Police Station at kasalukuyang inihahanda ang pagsasampa ng mga kasong Direct Bribery at paglabag sa Republic Act No. 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act laban sa mga sangkot sa Office of the Provincial Prosecutor.

"Malinaw ang ating polisiya sa LTO na walang puwang ang katiwalian sa hanay ng ating mga kawani. Ang sinumang mapatutunayang lumabag sa batas at sa tiwalang ipinagkaloob ng publiko ay mananagot sa administratibo at kriminal na aspeto. Hindi natin kukunsintihin ang anumang uri ng pang-aabuso sa kapangyarihan at patuloy nating lilinisin ang hanay ng ating mga tauhan upang mapanatili ang integridad ng ahensya," pahayag ni Lacanilao.

Kasunod ng operasyon, agad ding ipinag-utos ni Assistant Secretary Lacanilao ang pagsasagawa ng kaukulang administrative sanction laban sa mga nasabing personnel, bukod pa sa mga kasong kriminal na isasampa laban sa kanila. Tiniyak din niya ang buong pakikipagtulungan ng LTO sa mga law enforcement agencies upang matiyak ang maayos, patas, at mabilis na pag-usad ng kaso.

Muling binibigyang-diin ng LTO sa ilalim ng pamumuno ni Assistant Secretary Lacanilao ang matatag nitong paninindigan laban sa anumang uri ng katiwalian, pangongotong, at pang-aabuso sa kapangyarihan. Ang matagumpay na operasyong ito ay patunay na walang sinuman sa ahensya ang exempted sa batas at na ang integridad at pananagutan sa serbisyo publiko ay mananatiling pangunahing prayoridad ng LTO.

Address

Veterans Avenue
Zamboanga City
7000

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Land Transportation Zamboanga Peninsula Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share