29/06/2026
๐จ๐ช๐ป๐ฐ๐ฝ๐ถ ๐ฑ๐ถ๐ฝ๐ฌ๐ต๐ฌ๐ ๐ซ๐ฌ ๐ช๐ผ๐น๐ผ๐จ๐ต,
๐จ๐ช๐ป๐ฐ๐ฝ๐ถ ๐ฉ๐จ๐น๐จ๐ต๐ฎ๐จ๐ ๐ช๐ผ๐น๐ผ๐จ๐ต
๐๐๐จ-๐๐๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก
๐๐ถ๐ฏ๐ฟ๐ฒ๐ป๐ด ๐๐ฐ๐ต๐ผ๐ผ๐น ๐๐๐ฝ๐ฝ๐น๐ถ๐ฒ๐, ๐ถ๐ป๐ถ๐ต๐ฎ๐ป๐ฑ๐ผ๐ด ๐ป๐ด ๐๐๐ฟ๐๐ฎ๐ป ๐ฆ๐ ๐๐ฎ ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ด-๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐น
Naghandog ng libreng gamit sa paaralan ang Sangguniang Kabataan (SK) ng Barangay Curuan sa ilang mag-aaral ng Curuan National High School, nito lang ika-21 ng Hunyo, 2026, sa Curuan Barangay Hall.
Umabot sa mahigit 120 na mag-aaral, partikular ang mga nasa antas ng sekundarya ang nakatanggap ng libreng ayuda.
Target naman nilang sunod bigyan at tulungan ay ang mga mag-aaral sa kolehiyo o ang mga nasa ilalim ng Commission on Higher Education (CHED).
Samantala sa kalagitnaan ng sesyon ay nagplano rin ang SK para sa iba pang mga susunod na aktibidad na gagawin nila.
Isa na rito ang paglulunsad ng Summer Youth Camp, na balak nilang ipalaganap pagkatapos ng unang semestre ng taong panuruan. Layunin nitong maghatid ng kasiyahan at magsilbing mental health break para sa mga mag-aaral at iba pang kabataan.
Kaya't masigasig na hinihikayat ng SK ang mga kabataan na dumalo at makibahagi sa proyektong ito upang magkaroon ng masaya at memorableng karanasan bago matapos ang kanilang termino.
Sa kabuuan, ang pamamahagi ng libreng school supplies at ang mga nakalinyang aktibidad ng SK ay patunay ng kanilang patuloy na pagsuporta sa edukasyon at kapakanan ng mga kabataan sa kanilang nasasakupan.
Sulat ni: Kirk James Celiz
Layout: Bernadette Gregorio