06/10/2020
"BAKIT PO MAY KEY TO CORRECTION ANG MODULES? ICO-COPY LANG PO NAMIN ANG ANSWERS KUNG GANUN."
CTTO
πAng module ay isang Self-Learning Material, hindi isang form ng assessment. Sa paggamit ng modules, magsisimula ito sa pagsagot ng Pre-Test upang malaman kung may prior knowledge na ang bata tungkol sa lesson. Mayrron din itong discussions at activities at Post-Test upang malaman kung may natutunan ang bata. Naka-attach ang answer key sa likod upang magkakaroon ng feedback-giving sa mga katanungang nais malaman since wala ang teacher para magprovide sa kanya. Malalaman ng bata kung tama o mali ang kanyang sagot dahil siya lamang ang magkakapagproseso nito.
Paano kung walang answer key ang module?
Mammislead ang bata sa pagkatuto nya dahil hindi masasagot ang katanungan sa isip nya. Paano maeevaluate ng bata o ng magulang ang performance nya kung walang answers?
Sa panahon ngayon, hindi na mahalaga ang KOMPETISYON, ang iniisip ng Deped ay MATUTO ang mga bata sa kahit anong pamamaraan man yan. Dito matututo ang bata na maging HONEST at ang mga magulang na maging RESPONSABLE para sa kanilang mga anak.