Konsi MELO Ka-Barangay

Konsi MELO  Ka-Barangay poetry and music
and PUBLIC SERVICE

09/04/2026

𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐆𝐈𝐓𝐈𝐍𝐆𝐀𝐍 🇵🇭 | April 9, 2026

Ngayong araw, ating ginugunita ang kagitingan, katapangan, at sakripisyo ng ating mga bayani na lumaban para sa kalayaan ng ating bayan.

Ang Araw ng Kagitingan ay paalala ng di-matatawarang tapang ng mga Pilipino, lalo na ng mga sundalong nagbuwis ng buhay noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, upang ipaglaban ang ating kalayaan at dangal bilang isang bansa.

Nawa’y magsilbi itong inspirasyon sa bawat isa lalo't higit sa ating mga kabataan na ipagpatuloy ang diwa ng pagkakaisa, katatagan, at pagmamahal sa bayan.

Pagpupugay sa ating mga bayani, noon at ngayon.

𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐒𝐚𝐧𝐭𝐚 𝐂𝐫𝐮𝐳, 𝐒𝐞𝐧𝐭𝐫𝐨 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠-𝐔𝐧𝐥𝐚𝐝!

10/02/2026

Madam president

      📢GET READY!      E-BIKE REGISTRATION!      Ito Po Ang paraan at mga kailangan para sa pagpaparehistro ng inyong mg...
05/02/2026



📢GET READY!
E-BIKE REGISTRATION!
Ito Po Ang paraan at mga kailangan para sa pagpaparehistro ng inyong mga E-BIKE, E-TRIKE at E-CAB..
Paabiso mula sa Sangguniang Barangay ng Gatid at Kapitan Eric Panisan Ambrocio , SALAMAT PO.
PLS. SHARE

03/02/2026

Happy birthday bok charlie Dela Cruz🎂🍰🍻

03/02/2026

Ikaw pa rin ‘yung batang sabik sa krayola.

Ingat na ingat, ayaw sanang mapudpod. Ngunit sa mga payak na araw, tatawagin ka nito’t bibigyan ng kalayaan. Hahayaan mong mabuhay ang isang blankong papel. Bundok na may araw sa gitna, bukirin, at bahay-kubo ang mga paborito mo.

Hanggang sa matutunan mong gumuhit ng tao. Kaya mo nang bumuo ng pamilya sa tabi ng bahay-kubo. Mga nakangiti, pero hindi gano’n ka-detalyado. Hirap kang lumikha ng kamay at paa, kaya’t mistulang mga sanga lang ng puno.

Hanggang sa hirap ka nang gumuhit ng kahit anong bagay. May mga kailangan nang unahin sa buhay. Pinilit ka ng mundong limutin ang mga hugis, linya’t kulay. Puti na lamang sa umaga at itim sa gabi ang naging bahid ng pag-iral.

Ngunit ikaw pa rin ‘yung batang sabik sa krayola.
Nahihiya mang bumalik. Takot na baka ‘di na tanggapin.
Lagi ka pa ring hinihintay ng sining.


Ron Canimo
roncanimoph
MTAT shop:
https://vt.tiktok.com/ZMhfNLCrw/?page=TikTokShop

03/02/2026


02/02/2026

Isang mapagpalang araw ng linggo, kasabay ng pagbubukas ng bagong buwan ating salubugin ito ng puno ng pasasalamat sa mga poong may kapal.

Panginoon, sa pagtatapos ng buwang ito, kami’y nagpapasalamat sa Iyong walang sawang paggabay. Ipagkaloob Mo po sa amin ang kapayapaan, lakas, at pananampalataya sa mga darating na araw. Amen.

Welcome February, Have a blessed Sunday 🙏

Endereço

Santa Cruz

Website

Notificações

Seja o primeiro a receber as novidades e deixe-nos enviar-lhe um email quando Konsi MELO Ka-Barangay publica notícias e promoções. O seu endereço de email não será utilizado para qualquer outro propósito, e pode cancelar a subscrição a qualquer momento.

Compartilhar