SMNI Singapore

SMNI Singapore A true alternative network that broadcasts the uncompromising message of truth!

25/08/2026
24/08/2026

'HINDI 'YAN BAWAL'

Naninindigan ang testigong si dating OVP Special Disbursing Officer (SDO) Gina Acosta na hindi required o walang utos sa Joint Circular na kailangan ilagay ang totoong pangalan ng mga recipient ng Confidential and Intelligence Funds (CIF).

Pumalag si Acosta kay Senator-Judge Erwin Tulfo nang sabihin nitong bawal umano sa Joint Circular ang paggamit ng alyas.

Depensa pa ni Acosta, base sa kanyang nabasa sa JC, tanggap ang paggamit ng mga naturang dokumento kahit pa kuwestiyunable ang mga pangalan ng tumanggap.

24/08/2026

'WALANG NINAKAW SI VP SARA'

Binigyang-diin ng testigong si dating OVP Special Disbursing Officer (SDO) Gina Acosta na walang kinuha ni isang sentimo si Vice President Sara Duterte mula sa confidential funds.

Ayon sa testigo, hindi kailanman nahawakan o nakita ni VP Sara ang mga pondong ito, at tanging ang OVP Security Head na si Col. Dante Lachica ang namamahala rito.

24/08/2026

FAKE NEWS

Pinabulaanan ng defense team ni Vice President Sara Duterte ang mga ulat na nag-request umano ang Bise Presidente ng private meeting kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Defense Team Spokesperson Atty. Michael Poa, pinili na lamang nilang huwag bigyang-pansin ang naturang balita dahil batid nilang wala itong katotohanan.

24/08/2026

SAPAT BA ANG ₱1-M?

Pinagmulta ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ng ₱1 milyon ang isang lisensyadong online gaming company matapos itong maglunsad ng promosyon sa pamamagitan ng aktres na si Ivana Alawi nang walang kaukulang permiso mula sa ahensya.
Sa nasabing advertisement, nangako si Alawi na mamimigay ng 100 iPhone 17, ngunit kailangan munang mag-subscribe o mag-like ang mga manonood sa online gambling platform, na umano’y lumabag sa mga panuntunan ng PAGCOR.

Ani PAGCOR Chairman at CEO Alejandro Tengco, “We fined the online gaming company 1 million pesos and together with that gave them a stern warning na hindi na dapat maulit ito.”

'HINDI NAGNAKAW SI VP SARA DUTERTE'Buong kumpiyansang iginiit ng testigong si dating OVP Special Disbursing Officer (SDO...
24/08/2026

'HINDI NAGNAKAW SI VP SARA DUTERTE'

Buong kumpiyansang iginiit ng testigong si dating OVP Special Disbursing Officer (SDO) Gina Acosta na walang kahit isang sentimo mula sa confidential funds ang kinuha, inangkin, o inagaw ni Vice President Sara Duterte.

Ang naturang pondo ang sentro ng Article 1 ng Articles of Impeachment laban sa Bise Presidente.

LOST IN TRANSLATIONSinaway ni Presiding Officer Chiz Escudero si Private Prosecutor Atty. Amando Ligutan matapos nitong ...
24/08/2026

LOST IN TRANSLATION

Sinaway ni Presiding Officer Chiz Escudero si Private Prosecutor Atty. Amando Ligutan matapos nitong gamitin ang salitang "kasuklam-suklam" bilang salin sa Tagalog ng "unconscionable" sa pagdinig.

Ayon kay Escudero, ang mas angkop na kahulugan o salin nito ay "mahirap tanggapin" at hindi direktang tumutukoy sa salitang ginamit ng abogado.

Nag-ugat ang insidente habang inuusisa ng prosekusyon ang ilang detalye sa ginawang paggastos sa confiidential funds ng Office of the Vice President (OVP).

BACQUEL VS. LIGUTANNagpalitan ng banat sina Defense Counsel Atty. Lindon Bacquel at Private Prosecutor Atty. Amando Ligu...
24/08/2026

BACQUEL VS. LIGUTAN

Nagpalitan ng banat sina Defense Counsel Atty. Lindon Bacquel at Private Prosecutor Atty. Amando Ligutan matapos banggitin ni Bacquel ang tila paulit-ulit na sagot ng testigo, na aniya’y resulta umano ng paulit-ulit ding pagtatanong ng prosekusyon.

Agad naman itong tinutulan ni Ligutan, na iginiit na “vague” o malabo ang tanong.

ONLY 'BISAYA' KNOWSMakailang beses na napa-"sorry" ang testigong si dating OVP Special Disbursing Officer (SDO) Gina Aco...
24/08/2026

ONLY 'BISAYA' KNOWS

Makailang beses na napa-"sorry" ang testigong si dating OVP Special Disbursing Officer (SDO) Gina Acosta kay Private Prosecutor Atty. Amando Ligutan nang mabigkas niya nang mali ang apelyido nito habang isinasagawa ang direct examination.

'HINDI NA MAHIRAP, SO MAYAMAN NA BA?'Ipinagmalaki ng Philippine Statistics Authority (PSA) na umabot sa 6.5 milyon ang b...
24/08/2026

'HINDI NA MAHIRAP, SO MAYAMAN NA BA?'

Ipinagmalaki ng Philippine Statistics Authority (PSA) na umabot sa 6.5 milyon ang bilang ng mga Pilipinong nakaahon umano sa kahirapan noong 2025, batay sa pinakahuling poverty statistics ng ahensya.

Ayon sa PSA, bumaba sa 9.7% ang poverty incidence noong 2025 mula 15.5% noong 2023, na siyang pinakamababang antas na naitala sa bansa.

Dahil dito, tatlong taon na mas maaga umanong nakamit ng Pilipinas ang single-digit poverty target na itinakda sa Philippine Development Plan.

Address

Singapore

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SMNI Singapore posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category