OWWA Singapore

OWWA Singapore OWWA was created because of the constitutional mandate to guarantee the protection of the rights of

On your appointment date, kindly bring the following:

โ€ข Proof of Active Employment (Valid Employment Contract, Latest Payslip or Certificate of Employment),
โ€ข Valid Passport,
โ€ข Valid Work Permit or IC
โ€ข Cash amounting to SGD36.00

๐Ÿค๐Œ๐š๐ฌ ๐๐ข๐ง๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐ค ๐ง๐š ๐๐ž๐ง๐ž๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐Ž๐…๐–๐ฌ ๐ฌ๐š ๐’๐ข๐ง๐ ๐š๐ฉ๐จ๐ซ๐ž! Patuloy na pinalalakas ng OWWA Singapore ang mga programang m...
14/07/2026

๐Ÿค๐Œ๐š๐ฌ ๐๐ข๐ง๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐ค ๐ง๐š ๐๐ž๐ง๐ž๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐Ž๐…๐–๐ฌ ๐ฌ๐š ๐’๐ข๐ง๐ ๐š๐ฉ๐จ๐ซ๐ž!

Patuloy na pinalalakas ng OWWA Singapore ang mga programang magbibigay ng higit na oportunidad at benepisyo para sa ating mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Noong 12 Hulyo 2026, matagumpay na isinagawa ang pagpapanibago ng Partnership Agreement sa pagitan ng OWWA Singapore at Edusphere College para sa OWWA eCard Program, bilang pagpapatuloy ng pagbibigay ng mga eksklusibong diskwento at benepisyo sa mga aktibong miyembro ng OWWA.

Kasabay nito, buong puso ring tinanggap ng OWWA Singapore ang Lumax Academy bilang bagong OWWA eCard Partner, na magbibigay ng mas maraming oportunidad sa ating mga OFWs na makapag-aral, makapagpaunlad ng kanilang kasanayan, at makapagbukas ng mga bagong oportunidad para sa kanilang kinabukasan.

Ang kasunduan ay nilagdaan sa pangunguna ni OWWA Welfare Officer Florencio D. Teves III, kasama sina Mr. Dej Escasa, na kumatawan sa Edusphere College of Management and Technology Pte Ltd sa ngalan ni Mr. Samsudeen Mohamed Tahir, at Ms. Aiza Matira, na kumatawan sa Lumax Academy sa ngalan ni Ms.Murshidha Haji Noor Mohamed.

Ang partnership na ito ay patunay ng sama-samang hangarin ng OWWA Singapore at ng mga katuwang nitong institusyon na higit pang mapabuti ang kapakanan ng ating mga OFWs sa pamamagitan ng mga programang nakatuon sa edukasyon, kasanayan, at iba pang mahahalagang benepisyo.

Inaanyayahan ang lahat ng aktibong OWWA members na samantalahin ang mga benepisyong hatid ng OWWA eCard at abangan ang mas marami pang partnerships at programang inihahandog ng OWWA Singapore.

Sama-sama nating palawakin ang mga oportunidad para sa mas maunlad na kinabukasan ng bawat OFW!

๐Ÿ๐Ÿ ๐‡๐ฎ๐ฅ๐ฒ๐จ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” โ€“ Matagumpay na naisagawa ng OWWA Singapore, sa pangunguna ni OWWA Welfare Officer Florencio D. Teves III,...
14/07/2026

๐Ÿ๐Ÿ ๐‡๐ฎ๐ฅ๐ฒ๐จ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” โ€“ Matagumpay na naisagawa ng OWWA Singapore, sa pangunguna ni OWWA Welfare Officer Florencio D. Teves III, at sa pakikipagtulungan ng Lumax Academy, ang ๐๐š๐ซ๐ข๐ฌ๐ญ๐š ๐–๐จ๐ซ๐ค๐ฌ๐ก๐จ๐ฉ at ๐‚๐š๐ซ๐ž๐ ๐ข๐ฏ๐ข๐ง๐  ๐–๐จ๐ซ๐ค๐ฌ๐ก๐จ๐ฉ, na nilahukan ng 58 Overseas Filipino Workers (OFWs).

Layunin ng mga libreng pagsasanay na ito na mabigyan ang ating mga OFWs ng mga bagong kaalaman at kasanayan na maaari nilang magamit para sa personal na pag-unlad, at paghahanda sa kanilang planong pagbabalik at muling pagsisimula sa Pilipinas.

Lubos ang aming pasasalamat sa Lumax Academy sa kanilang patuloy na pakikipagtulungan at pagbabahagi ng kanilang kaalaman at kasanayan. Taos-puso rin naming pinasasalamatan ang lahat ng OFWs na naglaan ng oras upang matuto at paunlarin ang kanilang sarili sa kabila ng kanilang abalang iskedyul.
Naniniwala ang OWWA Singapore na ang bawat bagong kasanayang natututuhan ng ating mga kababayan ay isang mahalagang puhunan para sa kanilang kinabukasan. Sa pamamagitan ng mga programang tulad nito at sa suporta ng mga katuwang na institusyon gaya ng Lumax Academy, patuloy nating binibigyan ng pagkakataon ang ating mga OFWs na gawing makabuluhan ang kanilang araw ng pahinga sa pamamagitan ng paglinang ng mga kasanayang maaari nilang magamit sa hinaharap.

Patuloy na maghahandog ang OWWA Singapore ng mga programang nagbubukas ng mas maraming oportunidad para sa pag-unlad, kabuhayan, at mas magandang kinabukasan ng bawat OFW.

Thank you..Registration is closed.๐ŸŽ‰ ๐…๐‘๐„๐„ ๐’๐ค๐ข๐ฅ๐ฅ๐ฌ ๐“๐ซ๐š๐ข๐ง๐ข๐ง๐ ! ๐ŸŽ‰Looking to learn a new skill or explore new career opportunit...
06/07/2026

Thank you..Registration is closed.

๐ŸŽ‰ ๐…๐‘๐„๐„ ๐’๐ค๐ข๐ฅ๐ฅ๐ฌ ๐“๐ซ๐š๐ข๐ง๐ข๐ง๐ ! ๐ŸŽ‰

Looking to learn a new skill or explore new career opportunities?

Join our ๐…๐‘๐„๐„ workshops in collaboration with ๐ฟ๐‘ข๐‘š๐‘Ž๐‘ฅ ๐ด๐‘๐‘Ž๐‘‘๐‘’๐‘š๐‘ฆ on 12 July 2026 | Sunday!

โ˜• ๐๐š๐ซ๐ข๐ฌ๐ญ๐š ๐€๐ซ๐ญ ๐ƒ๐ž๐ฆ๐จ
๐Ÿ•› ๐Ÿ๐Ÿ:๐ŸŽ๐ŸŽ ๐๐Œ โ€“ ๐Ÿ:๐ŸŽ๐ŸŽ ๐๐Œ
๐Ÿ‘ฅ Limited slots available (First come, first served)

๐Ÿฉบ ๐‚๐š๐ซ๐ž๐ ๐ข๐ฏ๐ข๐ง๐  ๐–๐จ๐ซ๐ค๐ฌ๐ก๐จ๐ฉ
๐Ÿ•’ ๐Ÿ‘:๐ŸŽ๐ŸŽ ๐๐Œ โ€“ ๐Ÿ”:๐ŸŽ๐ŸŽ ๐๐Œ
๐Ÿ‘ฅ Limited slots available (First come, first served)

โœจ Don't miss this opportunity to gain practical skills, enhance your knowledge, and explore new career opportunitiesโ€”๐š๐ฅ๐ฅ ๐…๐‘๐„๐„ ๐จ๐Ÿ ๐œ๐ก๐š๐ซ๐ ๐ž!

๐Ÿ“Œ Seats are limited. Register now to secure your slot!

26/06/2026
Extended submission until June 30, 2026.
24/06/2026

Extended submission until June 30, 2026.

OWWA Singapore Supports East Shuttlers Badminton Tournament ๐ŸธLed by Welfare Officer Jay Teves, the OWWA Singapore Team p...
21/06/2026

OWWA Singapore Supports East Shuttlers Badminton Tournament ๐Ÿธ

Led by Welfare Officer Jay Teves, the OWWA Singapore Team proudly participated in and supported the East Shuttlers Badminton Tournament, bringing together Filipino professionals and domestic workers through friendly competition, teamwork, and sportsmanship.

Beyond the games, the event provided an opportunity for participants to connect with fellow Filipinos, promote a healthy and active lifestyle, and access OWWA services, including membership renewal and status verification.

We extend our sincere appreciation to the East Shuttlers organizers for a successful and enjoyable tournament, and congratulate all participants for their enthusiasm and outstanding sportsmanship.

We look forward to more activities that foster unity, wellness, and community spirit among Overseas Filipinos Workers in Singapore.

Photo credits: East Shuttlers Badminton Group

OWWA Overseas Workers Welfare Administration PY Caunan

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Migrant Workersโ€™ Day 2026, matagumpay na isinagawa noong ika-7 ng Hunyo 2026 ang โ€œHOME i...
08/06/2026

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Migrant Workersโ€™ Day 2026, matagumpay na isinagawa noong ika-7 ng Hunyo 2026 ang โ€œHOME in My Heartโ€ Basic Canvas Painting Workshop para sa mga migranteng manggagawang Pilipino sa Singapore.

Binuksan ang programa sa pamamagitan ng isang video message mula kay OWWA Administrator PY Caunan, na nagpahatid ng kanyang pagbati at pagkilala sa mahalagang ambag at sakripisyo ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Dinaluhan ang workshop ng mga propesyunal at domestic workers na nagtatarabaho sa singapore mula 2 hanggang mahigit dalawampung (20) taon. Pinangunahan ito ni Ms. Precious B. Nakpil, na boluntaryong nagsilbing trainer at gumabay sa mga kalahok sa kanilang malikhaing paglalakbay sa sining.

Sa pamamagitan ng pagpipinta, nabigyan ang mga kalahok ng pagkakataong maipahayag ang kanilang mga damdamin, alaala, pangarap, at pagmamahal para sa kanilang tahanan, pamilya, at bayan. Ang bawat likhang-sining ay nagsilbing salamin ng kanilang mga karanasan, sakripisyo, at pag-asa bilang mga migranteng manggagawa na malayo sa kanilang mga mahal sa buhay.

Layunin ng programa na itaguyod ang mental wellness at self-expression, palakasin ang pagkakaisa at pakikipagkapwa ng mga OFW, at kilalanin ang kanilang mahalagang kontribusyon sa kanilang mga pamilya, komunidad, at sa pag-unlad ng bansa. Higit sa lahat, naging makabuluhang paalala ang aktibidad na ang โ€œtahananโ€ ay nananatiling nasa puso ng bawat migranteng Pilipino saan man sila naroroon.

Address

20 Nassim Road
Singapore
258395

Opening Hours

Monday 09:00 - 17:00
Tuesday 09:00 - 17:00
Wednesday 09:00 - 17:00
Thursday 09:00 - 17:00
Friday 09:00 - 17:00

Telephone

+6590235601

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when OWWA Singapore posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to OWWA Singapore:

Shortcuts

Share