21/10/2026
CIBAC, ISINUSULONG ANG MAS MATATAG NA EDUKASYON PARA SA KABATAANG PILIPINO
Nakipagpulong si CIBAC Party-List Rep. Bro. Eddie Villanueva kina Senate President Win Gatchalian, Sen. Joel Villanueva, Education Secretary Sonny Angara, Bocaue Mayor JonJon Villanueva, at dating CIBAC Rep. Domeng Rivera upang talakayin ang mahahalagang usapin at mga proyektong naglalayong suportahan ang sektor ng edukasyon.
Patuloy na isinusulong ng CIBAC ang mga hakbang para sa kapakanan ng mga mag-aaral at kinabukasan ng kabataang Pilipino, alinsunod sa prinsipyong Diyos at Bayan.