MDRRMO-Bulan Municipal Disaster Risk Reduction & Management Office

  • Home
  • MDRRMO-Bulan Municipal Disaster Risk Reduction & Management Office

MDRRMO-Bulan Municipal Disaster Risk Reduction & Management Office Gordola, MDRRMC Chairman (2019-PRESENT)

KOMUNIDAD NA PREPARADO,
HARAYO SA PELIGRO; IF WE FAIL TO PREPARE, WE PREPARE TO FAIL


This is the Official Page of the MDRRMO-LGU-Bulan under the Administration of Honorable Mayor Romeo A.

12/06/2026
๐Œ๐ƒ๐‘๐‘๐Œ๐Ž ๐๐š๐ ๐ฌ๐ข๐ฅ๐›๐ข๐ง๐  ๐’๐ญ๐š๐ง๐๐›๐ฒ ๐‘๐ž๐ฌ๐ฉ๐จ๐ง๐ฌ๐ž ๐“๐ž๐š๐ฆ ๐ฌ๐š ๐ˆ๐ง๐๐ž๐ฉ๐ž๐ง๐๐ž๐ง๐œ๐ž ๐ƒ๐š๐ฒ ๐‘๐ฎ๐ง ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”, ๐‡๐ฎ๐ง๐ฒ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”Ngayong araw ng Biyernes, Hunyo 12, ...
12/06/2026

๐Œ๐ƒ๐‘๐‘๐Œ๐Ž ๐๐š๐ ๐ฌ๐ข๐ฅ๐›๐ข๐ง๐  ๐’๐ญ๐š๐ง๐๐›๐ฒ ๐‘๐ž๐ฌ๐ฉ๐จ๐ง๐ฌ๐ž ๐“๐ž๐š๐ฆ ๐ฌ๐š ๐ˆ๐ง๐๐ž๐ฉ๐ž๐ง๐๐ž๐ง๐œ๐ž ๐ƒ๐š๐ฒ ๐‘๐ฎ๐ง ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”, ๐‡๐ฎ๐ง๐ฒ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

Ngayong araw ng Biyernes, Hunyo 12, 2026, bandang alas-4:30 ng hapon, ay nagdeploy ang MDRRMO Emergency Operations Center (EOC) ng Emergency Response Team (ERT) sa pangangasiwa ni Mr. John Derick C. Grey, OIC-MDRRMO, at sa mandato ni Hon. Mayor Romeo A. Gordola, MDRRMC Chairman, upang magbigay ng medical assistance at emergency response support sa isinagawang "Independence Day Run 12KM" ng Team Kapulikat Multisportsโ€“Sorsogon Chapter katuwang ang Sorsogon 2nd PMFC. Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-128 Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas na may temang, "Run for Freedom, Run for the Nation." Nagsimula ang takbuhan sa Sorsogon 2nd PMFC Camp sa Brgy. Aquino, Bulan, Sorsogon, patungong Brgy. Fabrica bilang turning point. Nagstandby ang MDRRMO upang tiyakin ang kaligtasan ng mga kalahok at agarang makapagbigay ng tulong medikal kung kinakailangan. Patuloy na nakikiisa ang MDRRMO Bulan sa mga gawaing nagtataguyod ng kalusugan, pagkakaisa, at pagmamahal sa bayan.

๐๐ก๐จ๐ญ๐จ ๐‚๐จ๐ฎ๐ซ๐ญ๐ž๐ฌ๐ฒ ๐จ๐Ÿ: MDRRMO-Bulan Municipal Disaster Risk Reduction & Management Office







๐•€๐•Ÿ๐•”๐•’๐•ค๐•– ๐• ๐•— ๐•–๐•ž๐•–๐•ฃ๐•˜๐•–๐•Ÿ๐•”๐•ช ๐—ฝ๐—น๐—ฒ๐—ฎ๐˜€๐—ฒ ๐—ฐ๐—ผ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—ฐ๐˜ ๐˜‚๐˜€ ๐˜๐—ผ ๐— ๐——๐—ฅ๐—ฅ๐— ๐—ข ๐—•๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ป ๐—›๐—ผ๐˜๐—น๐—ถ๐—ป๐—ฒ:
๐—Ÿ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ฒ ๐—ก๐—ผ. (๐Ÿฌ๐Ÿฑ๐Ÿฒ) ๐Ÿฎ๐Ÿญ๐Ÿญ-๐Ÿณ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿด
๐— ๐—ผ๐—ฏ๐—ถ๐—น๐—ฒ ๐—ก๐—ผ. ๐Ÿฌ๐Ÿต๐Ÿญ๐Ÿฒ๐Ÿฒ๐Ÿณ๐Ÿฒ๐Ÿฑ๐Ÿฏ๐Ÿฑ๐Ÿฒ/๐Ÿฌ๐Ÿต๐Ÿฒ๐Ÿญ๐Ÿด๐Ÿฎ๐Ÿฏ๐Ÿฐ๐Ÿญ๐Ÿฏ๐Ÿฎ

12/06/2026
๐๐š๐ ๐๐ข๐ซ๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ง๐  ๐ข๐ค๐š-๐Ÿ๐Ÿ๐Ÿ– ๐ง๐š ๐€๐ง๐ข๐›๐ž๐ซ๐ฌ๐š๐ซ๐ฒ๐จ ๐ง๐  ๐€๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐Š๐š๐ฅ๐š๐ฒ๐š๐š๐ง, ๐‡๐ฎ๐ง๐ฒ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”Ngayong araw, Biyernes, Hunyo 12, 2026, ay akti...
12/06/2026

๐๐š๐ ๐๐ข๐ซ๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ง๐  ๐ข๐ค๐š-๐Ÿ๐Ÿ๐Ÿ– ๐ง๐š ๐€๐ง๐ข๐›๐ž๐ซ๐ฌ๐š๐ซ๐ฒ๐จ ๐ง๐  ๐€๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐Š๐š๐ฅ๐š๐ฒ๐š๐š๐ง, ๐‡๐ฎ๐ง๐ฒ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

Ngayong araw, Biyernes, Hunyo 12, 2026, ay aktibong nakibahagi ang mga kawani ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Bulan, sa pangunguna ni Mr. John Derick C. Grey, OIC-MDRRMO, bilang pakikiisa at pagpupugay sa pagdiriwang ng ika-128 Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas na ginanap sa Bulan Old Presidencia, Barangay Zone 4, Bulan Sorsogon. Ang pagdiriwang ngayong taon ay may temang "Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan." Nagsimula ang pagdiriwang sa pamamagitan ng Parada ng Kalayaan bandang alas-5:30 ng umaga, na pinangunahan ng Local Government Unit (LGU) ng Bulan sa pamumuno ni Hon. Mayor Romeo A. Gordola, MDRRMC Chairman kasama ilang lokal na opisyales ng Munisipalidad. Nakiisa rin sa parada ang mga kasapi ng iba't ibang uniformed personnel, mga lokal na opisyal mula sa 63 barangay, mga g**o, mag-aaral, kinatawan ng iba't ibang organisasyon, at iba pang sektor ng komunidad bilang pagpapakita ng pagkakaisa at pagmamahal sa bayan. Pinangunahan ng Municipal Tourism, Culture and Arts Office (MTCAO) sa pamumuno ni Mr. Ian Joel Guran, Tourism Officer, ang kabuuang daloy ng programa, habang si Mr. Sherwin Asaula, kawani ng MTCAO, ang nagsilbing host o tagapagdaloy ng programa. Bilang bahagi ng paggunita, isinagawa rin ang tradisyunal na 21-Gun Salute sa pangunguna ng mga kawani ng 22nd Infantry Battalion (22nd IB) bilang pagpupugay sa kagitingan at sakripisyo ng mga bayaning Pilipino na nagbuwis ng kanilang buhay para sa kalayaan ng bansa. Nagkaroon din ng pagkilala at pagbibigay-pugay sa mga lokal na bayani ng Bayan ng Bulan, kasabay ng pag-aalay ng mga bulaklak sa bantayog ng ating pambansang bayani, bilang paggunita sa kanilang mahalagang ambag sa kasaysayan at sa patuloy na pagpapaalala ng diwa ng pagmamahal sa bayan, pagkakaisa, at tunay na kahulugan ng kalayaan. Sa pamamagitan ng pagdiriwang na ito, muling pinagtibay ng sambayanan ang kahalagahan ng pag-alala sa ating kasaysayan at ang sama-samang pagkilos tungo sa isang mas maunlad, mapayapa, at makabayang kinabukasan para sa susunod na henerasyon ng mga Pilipino.

๐๐ก๐จ๐ญ๐จ ๐‚๐จ๐ฎ๐ซ๐ญ๐ž๐ฌ๐ฒ ๐จ๐Ÿ: MDRRMO-Bulan Municipal Disaster Risk Reduction & Management Office







๐•€๐•Ÿ๐•”๐•’๐•ค๐•– ๐• ๐•— ๐•–๐•ž๐•–๐•ฃ๐•˜๐•–๐•Ÿ๐•”๐•ช ๐—ฝ๐—น๐—ฒ๐—ฎ๐˜€๐—ฒ ๐—ฐ๐—ผ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—ฐ๐˜ ๐˜‚๐˜€ ๐˜๐—ผ ๐— ๐——๐—ฅ๐—ฅ๐— ๐—ข ๐—•๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ป ๐—›๐—ผ๐˜๐—น๐—ถ๐—ป๐—ฒ:
๐—Ÿ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ฒ ๐—ก๐—ผ. (๐Ÿฌ๐Ÿฑ๐Ÿฒ) ๐Ÿฎ๐Ÿญ๐Ÿญ-๐Ÿณ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿด
๐— ๐—ผ๐—ฏ๐—ถ๐—น๐—ฒ ๐—ก๐—ผ. ๐Ÿฌ๐Ÿต๐Ÿญ๐Ÿฒ๐Ÿฒ๐Ÿณ๐Ÿฒ๐Ÿฑ๐Ÿฏ๐Ÿฑ๐Ÿฒ/๐Ÿฌ๐Ÿต๐Ÿฒ๐Ÿญ๐Ÿด๐Ÿฎ๐Ÿฏ๐Ÿฐ๐Ÿญ๐Ÿฏ๐Ÿฎ

ULAT PANAHON PARA SA SLPRSDInilabas: 5:00 AM, 12 Hunyo 2026Bisa: Mula 5:00 AM ngayong araw hanggang 5:00 AM bukasKalagay...
12/06/2026

ULAT PANAHON PARA SA SLPRSD

Inilabas: 5:00 AM, 12 Hunyo 2026
Bisa: Mula 5:00 AM ngayong araw hanggang 5:00 AM bukas

Kalagayan ng Panahon:
Makakaranas ang Rehiyon ng Bicol, Northern Samar, Oriental Mindoro, Marinduque, at Romblon ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may paminsan-minsang pag-ulan o pagkulog at pagkidlat dulot ng mga localized thunderstorm.

โš ๏ธ Babala: Sa mga lugar na makararanas ng malalakas na thunderstorm, posible ang biglaang pagbaha (flash flood) at pagguho ng lupa (landslide) lalo na sa mga mababang lugar, tabing-ilog, at bulubunduking lugar.

๐Ÿ’จ Lagay ng Hangin: Mahina hanggang katamtamang lakas ng hangin mula sa timog-silangan hanggang timog.

๐ŸŒŠ Lagay ng Karagatan: Ang mga baybaying-dagat sa mga nabanggit na lugar ay magiging bahagyang maalon hanggang katamtamang pag-alon, kaya't pinapayuhan ang mga mangingisda at maliliit na sasakyang pandagat na mag-ingat sa paglalayag.

Paalala sa Publiko: Magdala ng payong o kapote kapag lalabas at patuloy na makinig sa mga opisyal na anunsyo para sa mga posibleng pagbabago sa lagay ng panahon. Ang pag-iingat ay mahalaga lalo na kung may pagkulog at pagkidlat sa inyong lugar.

๐Œ๐„๐๐‘๐Ž, ๐๐„๐๐‘๐Ž, ๐Œ๐ƒ๐‘๐‘๐Œ๐Ž ๐š๐ญ ๐ˆ๐›๐š ๐๐š๐ง๐  ๐€๐ก๐ž๐ง๐ฌ๐ฒ๐š, ๐๐š๐ ๐ฌ๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ง๐  ๐’๐ข๐ญ๐ž ๐ˆ๐ง๐ฌ๐ฉ๐ž๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ฌ๐š ๐๐ฎ๐ž๐ณ๐จ๐ง ๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐‡๐ข๐ ๐ก ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ ๐Š๐š๐ฎ๐ ๐ง๐š๐ฒ ๐ง๐  ๐๐š๐ข๐ฎ๐ฅ๐š๐ญ...
11/06/2026

๐Œ๐„๐๐‘๐Ž, ๐๐„๐๐‘๐Ž, ๐Œ๐ƒ๐‘๐‘๐Œ๐Ž ๐š๐ญ ๐ˆ๐›๐š ๐๐š๐ง๐  ๐€๐ก๐ž๐ง๐ฌ๐ฒ๐š, ๐๐š๐ ๐ฌ๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ง๐  ๐’๐ข๐ญ๐ž ๐ˆ๐ง๐ฌ๐ฉ๐ž๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ฌ๐š ๐๐ฎ๐ž๐ณ๐จ๐ง ๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐‡๐ข๐ ๐ก ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ ๐Š๐š๐ฎ๐ ๐ง๐š๐ฒ ๐ง๐  ๐๐š๐ข๐ฎ๐ฅ๐š๐ญ ๐ง๐š ๐๐ซ๐ž๐ฌ๐ž๐ง๐ฌ๐ฒ๐š ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐€๐ก๐š๐ฌ, ๐‡๐ฎ๐ง๐ฒ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

Bilang tugon sa request ng Quezon National High School hinggil sa naiulat na presensya ng mga ahas at iba pang posibleng wildlife sa loob ng paaralan, nagsagawa ng site inspection ang iba't ibang responsableng tanggapan ngayong Huwebes, Hunyo 11, 2026, upang masig**o ang kaligtasan ng mga mag-aaral, g**o, at kawani ng paaralan. Ang inspeksyon ay pinangunahan ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) sa pangunguna ni Ms. Kelly C. Tan. Kasama rin sa isinagawang aktibidad sina Mr. Enad Espenocilla, Sanitary Inspector I ng RHU II, Aaron Daniel Espenocilla bilang kinatawan ni Mr. John Derick C. Grey, OIC-MDRRMO, Mr. Domingo H. Enteria, School Principal III ng Quezon National High School, mga opisyal ng Barangay Quezon sa pamumuno ni Hon. Arnido Denso, Punong Barangay, at ilang kawani ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO). Ang naturang inspeksyon ay isinagawa matapos makatanggap ng ulat ang pamunuan ng paaralan ukol sa isang insidente kung saan ang isang utility personnel ay umano'y nakagat ng isang hayop na pinaghihinalaang ahas habang ginagampanan ang kanyang tungkulin sa loob ng storage room ng paaralan. Bukod dito, naiulat din ang ilang pagkakataon ng pagkakakita ng mga ahas sa iba't ibang bahagi ng campus na nagdulot ng pangamba sa komunidad ng paaralan. Sa isinagawang pagbisita, sinuri ng mga kinauukulang ahensya ang mga lugar na maaaring pamugaran o pinagtataguan ng mga ahas at iba pang wildlife. Nagbigay rin ng mga rekomendasyon upang mabawasan ang mga panganib at mapanatili ang isang ligtas na kapaligiran para sa lahat ng nasa loob ng paaralan. Bilang bahagi ng aktibidad, ang mga kinatawan ng PENRO ay nagsagawa rin ng orientation para sa mga g**o at kawani ng paaralan hinggil sa pagkilala sa mga venomous at non-venomous na ahas, mga wastong hakbang sa pag-iwas sa snakebite incidents, at tamang paunang lunas sakaling magkaroon ng kagat ng ahas. Ipinakita ng aktibidad ang kahalagahan ng koordinasyon at pagtutulungan ng mga lokal na pamahalaan, mga ahensya ng gobyerno, at ng sektor ng edukasyon upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga mag-aaral at kawani ng paaralan. Patuloy namang hinihikayat ang publiko na agad na iulat sa mga kinauukulang tanggapan ang anumang insidente o pagkakakita ng mga wildlife na maaaring magdulot ng panganib upang mabigyan ito ng agarang aksyon at wastong pamamahala.

๐๐ก๐จ๐ญ๐จ ๐‚๐จ๐ฎ๐ซ๐ญ๐ž๐ฌ๐ฒ ๐จ๐Ÿ: MDRRMO-Bulan Municipal Disaster Risk Reduction & Management Office



๐•€๐•Ÿ๐•”๐•’๐•ค๐•– ๐• ๐•— ๐•–๐•ž๐•–๐•ฃ๐•˜๐•–๐•Ÿ๐•”๐•ช ๐—ฝ๐—น๐—ฒ๐—ฎ๐˜€๐—ฒ ๐—ฐ๐—ผ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—ฐ๐˜ ๐˜‚๐˜€ ๐˜๐—ผ ๐— ๐——๐—ฅ๐—ฅ๐— ๐—ข ๐—•๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ป ๐—›๐—ผ๐˜๐—น๐—ถ๐—ป๐—ฒ:
๐—Ÿ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ฒ ๐—ก๐—ผ. (๐Ÿฌ๐Ÿฑ๐Ÿฒ) ๐Ÿฎ๐Ÿญ๐Ÿญ-๐Ÿณ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿด
๐— ๐—ผ๐—ฏ๐—ถ๐—น๐—ฒ ๐—ก๐—ผ. ๐Ÿฌ๐Ÿต๐Ÿญ๐Ÿฒ๐Ÿฒ๐Ÿณ๐Ÿฒ๐Ÿฑ๐Ÿฏ๐Ÿฑ๐Ÿฒ/๐Ÿฌ๐Ÿต๐Ÿฒ๐Ÿญ๐Ÿด๐Ÿฎ๐Ÿฏ๐Ÿฐ๐Ÿญ๐Ÿฏ๐Ÿฎ

ANO ANG PAGKAHIMATAY (FAINTING)?Ano ang Pagkahimatay?Ang pagkahimatay o fainting ay pansamantalang pagkawala ng malay na...
10/06/2026

ANO ANG PAGKAHIMATAY (FAINTING)?
Ano ang Pagkahimatay?

Ang pagkahimatay o fainting ay pansamantalang pagkawala ng malay na nangyayari kapag hindi sapat ang suplay ng dugo at oxygen na umaabot sa utak. Maaari itong dulot ng sobrang init, pagkapagod, gutom, dehydration, matinding emosyon, o ilang kondisyong medikal.

Mga Dapat Gawin Kapag May Nahimatay
1. Ihiga ang Biktima at Itaas ang mga Paa

Kung humihinga ang biktima, ihiga siya nang patag at itaas nang bahagya ang kanyang mga paa upang makatulong na maibalik ang sapat na daloy ng dugo sa utak.

2. Luwagan ang Masisikip na Damit

Luwagan ang kuwelyo, sinturon, necktie, o anumang masisikip na kasuotan upang mas maging komportable ang paghinga ng biktima.

3. Huwag Agad Paupuin o Patayuin

Kapag nagkamalay na ang biktima, huwag siyang agad paupuin o patayuin upang maiwasan ang muling pagkahimatay.

4. Humingi ng Tulong Medikal

Kung kinakailangan o kung hindi agad nagkamalay ang biktima, tumawag sa mga responder o dalhin siya sa pinakamalapit na pagamutan.

5. Tiyaking Bukas ang Daanan ng Hangin

Siguraduhing walang nakaharang sa paghinga ng biktima. Bantayan din kung siya ay susuka upang maiwasan ang pagbara sa daanan ng hangin.

6. Bigyan ng Paunang Lunas ang mga Pinsala

Kung may sugat o pasa dahil sa pagkakahulog, bigyan ito ng naaangkop na paunang lunas habang hinihintay ang tulong medikal.

MGA HINDI DAPAT GAWIN
HUWAG Buhusan ng Tubig ang Mukha

Ang pagbuhos ng tubig sa mukha ay hindi nakakatulong sa paggising ng biktima at maaaring magdulot pa ng panganib.

HUWAG Painumin ng Tubig o Anumang Likido

Huwag magbigay ng inumin hangga't hindi pa ganap na gising, alerto, at nakakalunok nang maayos ang biktima.

Mahahalagang Paalala

โš ๏ธ Tumawag agad sa Emergency Medical Services kung ang biktima ay:

Hindi nagkamalay sa loob ng ilang minuto;
Nahihirapang huminga;
May pananakit ng dibdib;
Nagkaroon ng kombulsyon;
May malubhang pinsala mula sa pagkakahulog; o
Paulit-ulit na nahihimatay.

Ang maagap at tamang pagtugon sa isang taong nahimatay ay maaaring makatulong upang maiwasan ang mas malubhang komplikasyon at mapanatiling ligtas ang biktima habang hinihintay ang propesyonal na tulong medikal.

ULAT PANAHON PARA SA SLPRSDInisyu noong: 05:00 AM, 11 Hunyo 2026Mula 05:00 AM ngayong araw hanggang 05:00 AM bukasLagay ...
10/06/2026

ULAT PANAHON PARA SA SLPRSD

Inisyu noong: 05:00 AM, 11 Hunyo 2026
Mula 05:00 AM ngayong araw hanggang 05:00 AM bukas

Lagay ng Panahon

Makakaranas ang Rehiyon ng Bicol, Hilagang Samar, Silangang Mindoro, Marinduque, at Romblon ng maaliwalas hanggang maulap na kalangitan na may pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat at pagkulog dulot ng mga lokalisadong thunderstorm.

Mga Posibleng Epekto
Posible ang biglaang pagbaha (flash flood) sa mga mabababang lugar at lugar na malapit sa ilog.
Posible rin ang pagguho ng lupa (landslide) sa mga bulubundukin at matatarik na lugar kapag nakaranas ng malalakas na thunderstorm.
Mag-ingat sa mga aktibidad sa labas lalo na kapag may pagkidlat at malakas na pag-ulan.
Kalagayan ng Hangin at Karagatan
Bicol Region at Hilagang Samar: Mahina hanggang katamtamang lakas ng hangin na magmumula sa Timog-Silangan hanggang Timog.
Silangang Mindoro, Marinduque, at Romblon: Mahina hanggang katamtamang lakas ng hangin na magmumula sa Timog hanggang Timog-Kanluran.
Ang mga karagatang sakop ng pagtataya ay magkakaroon ng bahagya hanggang katamtamang pag-alon, kaya't ligtas pa ring makapaglayag ang maliliit na sasakyang pandagat ngunit pinapayuhang manatiling mapagmatyag sa mga biglaang thunderstorm.
Paalala sa Publiko

Patuloy na subaybayan ang mga susunod na ulat at babala ng panahon mula sa mga kinauukulang ahensya. Maging handa sa mga posibleng epekto ng malalakas na thunderstorm at sundin ang mga paalala ng lokal na pamahalaan at mga disaster response agencies.

10/06/2026
10/06/2026

Address


Telephone

+639618234132

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MDRRMO-Bulan Municipal Disaster Risk Reduction & Management Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to MDRRMO-Bulan Municipal Disaster Risk Reduction & Management Office:

  • Want your organization to be the top-listed Government Service?

Share