04/01/2026
POST-ACTIVITY | SK TAGUSAO
Matagumpay na naisakatuparan ang Heritage Preservation and Educational Program ng SK Tagusao na naglalayong palawakin ang kaalaman at kamalayan ng kabataan tungkol sa kasaysayan at kahalagahan ng Tabon Cave bilang pamanang kultura ng ating bansa.
Lubos po kaming nagpapasalamat kina Kagawad Erlinda Daliva at Mrs. Elvira De Asis sa kanilang tulong at suporta, lalo na sa pag-asikaso at paghahanda ng pagkain. Pasasalamat din sa mga masisipag na kalahok mula sa Katipunan ng Kabataan na naging bahagi ng aktibidad na ito maging man sa aking SK Council.
Maraming salamat sa lahat ng nakibahagi.
Hanggang sa muli!
-SKC Royet Maximo-Tamolin Bangcaya