02/06/2026
Sa harap ng mga g**o ng miyembro ng Alliance for Concerned Teachers (ACT) mula sa iba’t-ibang paaralan sa buong bansa, pinirmhan ko ang aking Co-Authorship sa HB 203, HB 8969, HB 8968, at HB 206, mga panukalang batas naglalayong itaas sa ₱50,000 ang minimum na buwanang sahod ng mga pampubliko at pribadong g**o, gayundin ang panukalang pagtataas ng Personnel Economic Relief Allowance (PERA) ng mga kawani ng pamahalaan sa ₱5,000 kada buwan. Ang mga hakbanging ito ay mahalagang tugon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo at pagkilala sa mahalagang papel na ginagampanan ng ating mga g**o at lingkod-bayan sa paghubog ng bansa.
Bilang anak ng isang g**o, nauunawaan ko ang kasalukuyang kalagayan, mga hamon, at sakripisyong kinakaharap ng ating mga g**o araw-araw. Nakikita ko mismo kung paano nila iniaalay ang kanilang panahon, lakas, at dedikasyon upang matiyak ang de-kalidad na edukasyon para sa ating mga kabataan, sa kabila ng mga limitasyong pinansyal at iba pang pagsubok. Dahil dito, naniniwala akong nararapat lamang na mabigyan sila ng makatarungan at sapat na kompensasyon na naaayon sa bigat ng kanilang responsibilidad at mahalagang ambag sa lipunan.
Ang pagbibigay ng disenteng sahod at mas maayos na benepisyo ay hindi lamang usapin ng kabuhayan kundi pagkilala sa dignidad ng kanilang propesyon at pagpapahalaga sa kanilang walang sawang paglilingkod. Sa pamamagitan ng mga panukalang ito, mas mapapalakas natin ang sektor ng edukasyon at masisig**o na ang ating mga g**o at kawani ng pamahalaan ay mabibigyan ng mas magandang kinabukasan.
Katuwang natin sa pagsusulong ng mga panukalang batas na ito ang mga g**ong kasapi ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) mula sa iba't ibang paaralan sa buong bansa, na matagal nang nagsusulong ng mas makatarungang sahod at mas maayos na kalagayan para sa sektor ng edukasyon. Pinangungunahan ang adhikaing ito ng aking kasamahan sa Minority Bloc, ACT Teachers Party-List Representative Antonio Tinio. Mahalaga rin ang suporta at kooperasyon ng liderato ng Kamara sa pangunguna ni Speaker Faustino Dy III, Majority Leader Sandro Marcos, Basic Education and Culture Committee Chairman Roman Romulo, at Higher and Technical Education Committee Chairman Jude Acidre. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng mga g**o, mga mambabatas, at ng liderato ng Kamara, mas napapalakas natin ang pagsusulong ng mga repormang magbibigay ng mas makatarungang pagkilala at suporta sa ating mga g**o at kawani ng pamahalaan.