17/08/2026
📢 Maging Mapanuri sa Impormasyon Tungkol sa MR Vaccine!
Sa dami ng kumakalat na fake news sa social media, mahalagang alamin ang tamang impormasyon mula sa mapagkakatiwalaang sources.
💉 Libre ang MR vaccine, pero hindi ibig sabihin na hindi ito ligtas at epektibo. Ang mga bakunang ginagamit sa National Immunization Program ng DOH ay dumaraan sa mahigpit na pagsusuri upang matiyak ang kalidad, kaligtasan, at bisa nito.
Huwag basta maniwala. Suriin, alamin, at ibahagi ang tama.
Para sa tamang impormasyon tungkol sa MR vaccine, makipag-ugnayan sa pinakamalapit na health center o kumonsulta sa inyong private pediatrician.