Bamm Gonzales

Bamm Gonzales Bayang tAhimik Masayaat Maunlad

01/06/2026
26/05/2026

Maligayang pagdiriwang ng Eid al-Adha sa ating mga kapatid na Muslim!

Nawa’y mapuno ng biyaya, pagmamahalan, at pagkakaisa ang bawat tahanan.


25/05/2026

Taos-pusong pakikiramay mula sa Pamahalaang Bayan ng Rosario sa pagpanaw ni dating Konsehal Virgilio “Ver” Luna.

Nakikiisa ang Lokal ng Pamahalaan sa pagdadalamhati ng kanyang pamilya, mga kaibigan, at mga minahal sa buhay. Nawa’y matagpuan ninyo ang lakas at kapayapaan sa panahong ito.

Maraming salamat sa iyong tapat na paglilingkod sa Bayan ng Rosario, Konsehal Ver Luna. Nawa’y ipagkaloob sa iyo ng Poong Maykapal ang walang hanggang kapayapaan.


16/05/2026

𝐌𝐀𝐋𝐈𝐆𝐀𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐀𝐌𝐈𝐍𝐆 𝐈𝐍𝐀 𝐀𝐓 𝐏𝐀𝐓𝐑𝐎𝐍𝐀!

𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗕𝗜𝗥𝗛𝗘𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡𝗧𝗜𝗦𝗜𝗠𝗢 𝗥𝗢𝗦𝗔𝗥𝗜𝗢 - 𝗥𝗘𝗜𝗡𝗔 𝗗𝗘𝗟 𝗖𝗔𝗥𝗔𝗖𝗢𝗟

Palagi mong ingatan at gabayan ang iyong bayang sinisinta!

𝙑𝙞𝙫𝙖 𝙇𝙖 𝙑𝙞𝙧𝙜𝙚𝙣! 𝙑𝙞𝙫𝙖 𝙇𝙖 𝙍𝙚𝙞𝙣𝙖 𝙙𝙚𝙡 𝘾𝙖𝙧𝙖𝙘𝙤𝙡!


14/05/2026

𝗠𝗔𝗟𝗜𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗣𝗜𝗦𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗧𝗔𝗧𝗔 𝗜𝗗𝗥𝗢𝗡𝗚!

Patuloy nyo nawang ingatan at gabayan ang bayan ng Rosario lalo't higit ang pamayanan ng Ligtong. Tulungan nyo po kaming dumalangin sa Mahal na Ina para sa isang Bayang Tahimik, Masaya at Maunlad.


14/05/2026

❗️❗️𝐓𝐑𝐀𝐅𝐅𝐈𝐂 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘❗️❗️

Asahan ang mabigat na daloy ng trapiko bukas May 15, 2026 (Biyernes) hanggang May 16, 2026 (Sabado), ito ay para sa pagdiriwang ng kapistahan ng San Isidro Labrador de Ligtong at Mahal na Birhen ng Santisimo Rosaryo - Reina del Caracol.

San Isidro Labrador de Ligtong
Mayo 15, 2026
3:00 pm

Mahal na Birhen ng Santisimo Rosaryo - Reina del Caracol
Mayo 16, 2026 - Parada ng Banda
8:00 am

Pinaaalalahanan po ang lahat na humanap na muna ng alternatibong daan para makaiwas sa abala.

Maraming Salamat at Maligayang Kapistahan!

06/05/2026

Narito ang mga nakatakdang gawain para sa Kapistahan ng ating mahal na Ina at Patrona, Nuestra Señora del Santísimo Rosario – Reina del Caracol.

Bilang pakikiisa sa direktiba ng pamahalaan (Executive Order No. 110 s.2026), ang pagdiriwang ngayong taon ay isasagawa sa paraang simple ngunit marangal at makabuluhan—nakatuon sa tunay na diwa ng pananampalataya, debosyon, at pagkakaisa ng bawat isa.

Sama-sama nating ipagdiwang ang kapistahang ito nang may pusong mapagkumbaba, pananampalatayang matatag, at diwang nagkakaisa.


01/05/2026

𝗜𝗦𝗞𝗢𝗟𝗔𝗥 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡

Para sa mga 𝗜𝗡𝗖𝗢𝗠𝗜𝗡𝗚 𝟭𝗦𝗧 𝗬𝗘𝗔𝗥 𝗖𝗢𝗟𝗟𝗘𝗚𝗘 𝗦𝗧𝗨𝗗𝗘𝗡𝗧𝗦 na 𝗥𝗘𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗡𝗚 𝗥𝗢𝗦𝗔𝗥𝗜𝗢, 𝗖𝗔𝗩𝗜𝗧𝗘 na nagnanais mapabilang sa 𝗜𝗦𝗞𝗢𝗟𝗔𝗥 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡, mangyaring magfill-up lamang po sa link sa ibaba para sa gagawing written examination. Maaari ding magtungo sa ating Munisipyo mula Lunes hanggang Huwebes, 7:00 ng umaga hanggang 6:00 ng hapon para magpalista.

https://forms.gle/EpfTHKP1J3dZWFw6
https://forms.gle/EpfTHKP1J3dZWFw6
https://forms.gle/EpfTHKP1J3dZWFw6

Ang programang ito ay hatid ng Pamahalaang Bayan ng Rosario sa pangunguna ng ating butihing Mayor Voltaire Ricafrente, Vice Mayor Bamm Gonzales at Sangguniang Bayan Members.

𝗠𝗮𝗴𝘀𝗶𝘀𝗶𝗺𝘂𝗹𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗹𝗶𝘀𝘁𝗮 𝘀𝗮 𝗠𝗮𝘆 𝟰, 𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗠𝗮𝘆 𝟭𝟰, 𝟮𝟬𝟮𝟲.

‼️𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔:‼️
✔️ 𝙄𝙨𝙖𝙣𝙜 𝙗𝙚𝙨𝙚𝙨 𝙡𝙖𝙢𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙖𝙖𝙧𝙞𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙜𝙥𝙖𝙡𝙞𝙨𝙩𝙖.
✔️ 𝙆𝙖𝙥𝙖𝙜 𝙣𝙖𝙠𝙖𝙥𝙖𝙜-𝙧𝙚𝙜𝙞𝙨𝙩𝙚𝙧 𝙣𝙖 𝙤𝙣𝙡𝙞𝙣𝙚, 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙣𝙖 𝙠𝙖𝙞𝙡𝙖𝙣𝙜𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙪𝙢𝙪𝙣𝙩𝙖 𝙨𝙖 𝙢𝙪𝙣𝙞𝙨𝙞𝙥𝙮𝙤.


Address

Silangan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bamm Gonzales posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share