18/09/2026
UPLIFT 2ND TRANCHE PAYOUT β BAGAMANOC
Para sa ating mga UPLIFT Beneficiaries!
Magandang balita sa mga nakatanggap ng 1st Tranche ng UPLIFT Program! Ang mga benepisyaryong nakatanggap ng unang tranche ay nakatakda ring tumanggap ng 2nd Tranche payout...
π
October 5, 2026 (Monday)
π Bagamanoc Multi-Purpose Hall, Poblacion, Bagamanoc, Catanduanes
β° 8:00 AM β 4:00 PM
Ang payout ay bahagi ng Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT), isang programang naglalayong makatulong sa kabuhayan at economic recovery ng mga benepisyaryo...
Sa pakikiisa at suporta ni Mayor Vincent V. Villaluna, patuloy na nakikipagtulungan ang LGU Bagamanoc sa mga kinauukulang ahensya upang matiyak ang maayos na pagpapatupad ng mga programang pangkabuhayan para sa ating mga Bagamanocnon...
π MAHALAGANG PAALALA
Para sa may National ID:
βοΈ Dalhin ang original National ID
βοΈ Magdala ng 2 photocopies ng National ID, bawat isa ay may 3 original signatures
Para sa wala pang National ID:
βοΈ Valid government-issued ID β original + 2 photocopies, bawat isa ay may 3 signatures
βοΈ Photocopy ng National ID registration/proof of registration
π Ang listahan ng mga benepisyaryo ay ipapadala sa kani-kanilang barangay bago ang payout...
Magtulungan tayo upang maging maayos, mabilis, at organisado ang payout para sa ating mga benepisyaryo...
Padagos yan pag-asenso, Padagos yan pagtabang sa kabuhayan!