10/05/2022
Mga Minamahal naming kabaleyan,
Ang buong Team Capua, mula sa aming pamilya, mga nakasama sa line-up at sa mga supporters at volunteers ay malugod na nagpapasalamat sa lahat ng inyong tulong at pagsuporta sa aming kandidatura.
Nag-alay kami ng di matatawarang katapatan na serbisyo at nagpasya na ang taumbayan. Iginagalang po namin ang inyong pasya.
Marami pong salamat sa inyong suporta at pakikiisa sa ating layunin.
Sa mga nahalal, ang amin pong pagbati. Sana’y sa pamamagitan ninyo, matupad ang hangarin ng ating mga kababayan.
Mahal po namin kayo, mga ka-Capua.